Chapter 2

2498 Words
ARIA Madilim. Iyon ang unang bagay na napansin ko. It wasn't just the absence of light; it was a heavy, suffocating thickness that felt like being buried alive in velvet. Parang wala akong katawan. My limbs felt weightless, yet I was anchored to nothing. Para akong lumulutang sa isang lugar na hindi ko maintindihan—isang kawalan na walang hangganan. Tahimik. Napakatahimik. No cars, no rain, no sound of my own heartbeat. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang malamig na tubig sa paligid ko. The temperature was jarring, a sudden bite against my skin that dragged me back to reality. Biglang bumalik ang lahat ng alaala. Ang tulay. Ang pag-akyat ko sa railing habang nanginginig ang mga tuhod ko. Ang huling hininga na kinuha ko bago ako tuluyang bumitaw. Ang pagbagsak ko. Nanlaki ang mata ko sa loob ng tubig. My vision was murky, bubbles dancing around me as I sank deeper into the river's throat. "Tama... tumalon ako..." Pero bakit buhay pa ako? The impact should have shattered my bones, or the cold should have paralyzed my lungs. Habang unti-unti akong lumulubog sa ilalim ng ilog, naramdaman kong nauubos na ang hangin sa aking baga. My chest burned, a desperate physical need for oxygen fighting against my will to die. Mabigat ang katawan ko. Parang ayaw na nitong gumalaw. It was giving up. Then suddenly— May bumagsak mula sa itaas. Isang pigura. The surface of the water exploded in a burst of white foam and bubbles. Malinaw kong nakita ang pagbulwak ng tubig habang mabilis itong bumaba patungo sa akin. Noong una, akala ko isa lamang itong guni-guni—isang anghel o baka naman si Kamatayan na mismo ang susundo sa akin. Pero habang papalapit ito, mas naging malinaw ang anyo nito. Isang lalaki. He didn't struggle against the currents. Napakabilis niyang lumangoy sa ilalim ng tubig, his movements fluid and precise like a shark scenting blood. Hindi iyon normal. Even the best Olympic swimmer couldn't move with that kind of terrifying grace. Napatitig ako sa kanya. As he closed the distance, his face became clear through the dark silt of the river. He was beautiful in a way that felt dangerous. At doon ko napansin ang kanyang mga mata. Ginto. They weren't just yellow; they were metallic, kumikinang na parang ginto sa ilalim ng buwan. Para akong nahipnotismo. Despite the lack of air, despite the fact that I was drowning, hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Sa isang iglap, nasa harap ko na siya. He reached out, his hand wrapping around my waist with the strength of a steel vice. Blangko ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin. Walang emosyon. Walang awa. Pero bigla siyang ngumiti. It was a cold, predatory curve of the lips. At doon ko nakita ang bagay na nagpahinto ng t***k ng puso ko. Pangil. Mahahaba. Matutulis. They gleamed even in the dark. Hindi iyon pangil ng tao. Nangilabot ako. Every instinct in my body screamed to get away, but I was paralyzed. Bago pa ako makagalaw—bigla niya akong sinunggaban. He leaned in, and the last thing I felt was the sharpest sting against my neck. Napabangon ako mula sa kama. Malakas ang paghinga ko, my ribs aching from the sudden expansion of my lungs. Parang hinahabol ko ang lahat ng hangin sa paligid ko. "Haah... haah..." Pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nililinga ang paligid. The morning sun was peeking through the gaps in my curtains, casting dusty golden bars across the floor. Sarili kong kwarto. Ang lumang electric fan sa tabi ng kama na umiingit sa bawat ikot. Ang maliit na cabinet ko na puno ng mga lumang libro. Ang bintana na may manipis at kupas na kurtina. Napahawak ako sa ulo ko, feeling a dull throb behind my eyes. "Panaginip lang ba iyon...?" Everything felt so vivid. The taste of the river water, the freezing cold, and those gold eyes. Pero habang iniisip ko, bumalik ang huling alaala ko bago ang panaginip na iyon. Ang tulay. Ang pagbagsak ko. Tumalon ako. Sigurado ako. I remember the feeling of the wind whistling past my ears. Nanlaki ang mata ko, and I quickly checked my clothes. I was wearing my old cotton pajamas. Dry. Clean. Pinukpok ko ang ulo ko ng mahina. "Nababaliw ka na ba, Aria?" inis kong bulong sa sarili. "Bakit mo ginawa iyon? Paano kung totoo iyon?" Napabuntong-hininga ako at muling napaupo sa kama, my heart still racing. "Pero teka..." Kung tumalon talaga ako sa tulay at hindi iyon panaginip... paano ako nakauwi? At bakit wala akong matandaang kahit ano pagkatapos ng 'panaginip' na iyon? "Sino ang nagdala sa akin dito?" Napaisip ako sandali, looking for any clue. Tahimik ang buong kwarto. Naririnig ko lang ang mahina na ugong ng electric fan at ang tilaok ng manok sa malayo. Marahas kong ipinilig ang ulo ko, trying to shake off the lingering dread. "Hindi... siguro panaginip lang talaga iyon. Maybe I just fainted on the bridge and someone brought me home? No, that doesn't make sense." Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na pagod lang ako. Bumaba ako sa kama, my legs feeling strangely light. Habang inaayos ko ang bag ko sa gilid ng mesa, may napansin akong nakausling puting envelope sa ilalim ng aking notebook. Kinuha ko iyon. Ang puso ko ay tila gustong lumabas sa dibdib ko. Medical documents. Bumalik ako sa kama at dahan-dahang binuksan ang envelope. Isa-isa kong binasa ang laman, hoping that this was the dream. Diagnosis. Test results. Doctor's notes. Stage 4 cancer. Few months to live. Napabuntong-hininga ako, the weight of reality crushing me once more. So hindi nga panaginip ang sakit ko. The bridge... it must have happened. But how am I here? Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng kama. Pagbukas ko ng screen, may nakita akong notification. Message from Aaron. Nanikip ang dibdib ko. Dahan-dahan kong binuksan iyon, my thumb hovering over the screen. Sorry... Iyon lang. Isang salita. Walang paliwanag, walang pagsisisi, isang hamak na 'sorry' lang pagkatapos ng lahat. Pero sapat na iyon para bumalik lahat ng alaala na parang sampal sa mukha. Ang condo niya. Ang babaeng nasa ibabaw niya. Ang mga salitang sinabi niya sa akin bago ako tumakbo palabas. "May pangangailangan din ako, Aria! I can't die with you!" Tumulo ang luha ko, falling onto the phone screen. Pero mabilis ko itong pinunasan. Galit ang mas naramdaman ko ngayon kaysa lungkot. Hindi na ako iiyak para sa lalaking iyon. Hindi na. Kung may natitira mang oras sa buhay ko, kahit gaano pa iyon kaiksi, ibibigay ko iyon sa kapatid ko. Kay Adrian. Siya na lang ang dahilan kung bakit kailangan kong kayanin 'to. Bigla— May boses akong narinig. Isang boses na parang galing sa bawat sulok ng kwarto pero wala namang tao. "Welcome to my world, Aria." Napatalon ako sa gulat. Mabilis akong tumayo, muntik nang mabitawan ang cellphone ko. My skin erupted in goosebumps. "My thrall..." "S-sino 'yan?" kinakabahan kong tanong. Lumingon-lingon ako, searching for a hidden speaker or a prankster. "Adrian? Hindi nakakatawa!" Napatingin ako sa bintana nang biglang gumalaw ang kurtina kahit walang malakas na hangin sa labas. Malamig na hangin—na mas malamig pa sa Baguio—ang pumasok sa kwarto. "Hindi ako natatakot sa'yo! Lumabas ka!" sabi ko kahit nanginginig ang boses ko. Biglang may tumawa. Isang mababang tawa, smooth as silk and cold as a grave. It vibrated in the air around me. "Ate! Anong nangyari?!" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Adrian, suot pa ang kanyang pambahay, bakas ang pag-aalala sa mukha. Humahabol ang hininga ko habang nakatingin sa kanya. "Ikaw ba iyon, Adrian? Huwag mo nga akong tinatakot. Are you playing a recording?" "Huh?" nagtatakang sagot niya, lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Ba't naman kita tatakutin, Ate? Kakaakyat ko lang kaya galing sa labas, kinuha ko yung mga sinampay." Napailing na lang ako, my eyes still darting around the room. Nililinga ko ang kwarto, looking at the shadows behind the cabinet, under the bed. Wala naman akong nakikita. Maya-maya ay hinila ko si Adrian palabas ng kwarto. I needed to be in the light, away from those corners. "Minumulto ata tayo sa kwarto ko," sabi ko, trying to sound like I was joking even though I was terrified. "Sinusundo ka na ata nila Mama at Papa, Ate," biro niya, trying to lighten the mood. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. If only he knew. Hindi niya alam ang totoo. Hindi pa niya alam na may cancer ako, at hindi ko pa alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya na iiwan ko na siya. "Teka," sabi ko bigla, holding his arm. "Nakita mo ba akong umuwi kagabi? What time did I get here?" Umiling siya habang naglalakad kami sa kusina. "Hindi, Ate. Tulog na ako pag-uwi mo. I waited until 11 PM pero dahil sa pagod sa school, nakatulog na ako sa sofa. Pag-gising ko kaninang madaling araw, nasa kwarto ka na. Bakit?" Umiling ako, my mind spinning. "Wala... wala lang. I just couldn't remember locking the door." "Sige na. Maligo ka na. Magluluto ako ng breakfast," utos ko sa kanya. "Sige, Ate. Magbabaon din ako ah!" Pumasok siya sa banyo, at narinig ko ang pagbukas ng gripo. Naiwan akong mag-isa sa kusina. Tahimik. Pero ang isip ko, daig pa ang bagyo sa gulo. Kung tumalon talaga ako sa tulay... paano ako nakaligtas? At sino ang nagdala sa akin dito nang hindi namamalayan ni Adrian? Ni galos wala ako sa katawan. It was impossible. "It was me." Napahiyaw ako, nabitawan ko ang sandok na hawak ko. Muli kong narinig ang boses. At kasunod noon ang isang mahinang tawa na tila nanggagaling sa mismong hangin sa harap ko. Napatalon ako sa takot, sumandal ako sa lababo. "Tama na, please! Who is that?!" sigaw ko. Tinakpan ko ang tenga ko, trying to shut it out. Pero hindi iyon nakatulong. Ang boses ay hindi nanggagaling sa paligid—parang nanggagaling ito sa loob ng utak ko. "That's right. Because you are now bound to me, Aria. Forever." "S-sino ka?" nanginginig kong tanong sa kawalan. "Bakit mo ginagawa ito? What do you want from me?" "You were already dead, Aria. Your heart had stopped. Your soul was leaving." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. The memory of the cold water filling my lungs felt more real than the kitchen floor under my feet. "But I gave you a new life. A gift of blood and shadow. And you owe me everything. You owe me your life." Hindi ako makapagsalita. Anong klaseng baliw ang kumakausap sa akin? Life? Debt? Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Napaupo ako sa sulok ng kusina, feeling the cold tiles against my skin. Nakayuko ako, nakakapit ang mga kamay ko sa ulo ko habang pilit kong kinakalma ang sarili ko. Huminga ka, Aria. Baka side effect lang 'to ng sakit mo. Baka nabaliw ka na dahil sa cancer. Ilang minuto akong ganoon, nagtatago sa sarili kong takot. Hanggang sa lumabas si Adrian mula sa banyo, nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya. "Ate?" Lumapit siya sa akin, ang mukha ay puno ng pagtataka. "Okay ka lang ba? Ba't ganyan ang itsura mo? Why are you sitting on the floor?" Napatingin siya sa mesa na wala pang pagkain. "Teka... hindi ka pa nagluluto? I thought you were hungry." Napatalon ako, mabilis na nag-adjust. "Ah— oo nga. N-nahilo lang ako sandali. M-malelate ka na pala sa school. Naku sorry!" Mabilis akong tumayo, avoiding his eyes. "Omelet na lang muna. Para mabilis." Tumango siya, although he looked suspicious, and sat at the table. Habang naghihiwa ako ng kamatis, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong. I needed to know if he heard it too. "Adrian... wala ka ba talagang nararamdaman dito sa bahay? No strange noises? No voices?" Umiling siya habang kumakain ng kapirasong tinapay. "Wala naman, Ate. Normal naman. Kahit nasa banyo ako, narinig ko yung sigaw mo kanina. Ano bang nangyayari sa'yo? You're acting really weird today." Napabuntong-hininga ako, focusing on the knife. "Ewan ko. Stress lang siguro 'to. Ganito siguro kapag malapit nang mamatay." Natigil ako. Narealize ko ang sinabi ko. My heart skipped a beat. "Knock on wood, Ate!" reklamo niya agad, his expression turning serious. "Huwag mo naman akong biruin ng ganyan. It's bad luck." He looked at me with those eyes that reminded me so much of our mother. "Hindi mo ako pwedeng iwanan, okay? Mag-isa na lang ako sa mundo kung wala ka. Who will scold me about my grades?" Lumambot ang puso ko. The guilt was a heavy stone in my stomach. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod, resting my chin on his shoulder. "Kaya mahal na mahal kita eh," sabi ko. Pero sa loob ko... mas lalo akong nalungkot. I was keeping such a huge secret from him. "Hay naku Ate, ang drama mo," reklamo niya, though he smiled. "Malelate na ako, seryoso." "Oo na! Eto na nga." Minadali ko ang paghihiwa ng sibuyas. The blade was sharp, and in my rush and shaky state, my hand slipped. "Aray!" Napahiyaw ako. Nahiwa ang hintuturo ko. Agad na umagos ang dugo—pero hindi ito katulad ng normal na dugo. It looked darker, almost like black cherry juice. "Ate! What happened? You're so clumsy today!" nagulat si Adrian, tatayo na sana siya para kumuha ng first aid kit. "Okay lang ako! Stay there!" sabi ko agad, wrapping my hand in my apron. "Maliit na sugat lang ito. Just finish your bread." Lumapit ako sa lababo at binuksan ang gripo. Hinugasan ko ang kamay ko, expecting the familiar sting of the water on an open wound. Pero natigilan ako. Hindi man lang ako napangiwi sa sakit. Wala akong naramdaman. Napaisip ako. Karaniwan kapag nasusugatan ako, kahit gaano kaliit, masakit iyon. My skin was always sensitive. Pero ngayon... wala. Parang wala akong nararamdaman, as if my nerves had gone numb. Kumuha ako ng tissue para punasan ang dugo, pero lalo akong natulala. Ang dugong umaagos sa daliri ko... it didn't smear. It seemed to pull back. Unti-unting nawala ang pula. Parang hinigop pabalik ng balat ko ang sarili kong dugo. Napatingin ako sa sugat, my eyes widening in sheer disbelief. Ang hiwa... unti-unti itong nagsara sa harap ng mga mata ko. The edges of the skin knitted together like a timelapse video. In a matter of seconds, the skin was smooth again. Hanggang sa tuluyan itong mawala. Parang walang nangyari. No scar. No mark. No pain. Nanlambot ang tuhod ko. Napakapit ako sa lababo para hindi matumba. This isn't real. This is impossible. Then the voice returned. This time, it wasn't just in my head. It felt like someone was whispering directly into my ear, their breath cold against my neck. "That's my gift to you, Aria." Mahina. Malapit. The sound of a predator who had finally claimed its prey. "A gift you can never escape. Welcome to the night." 🩸
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD