Hindi ako mapakali buong araw.
Pakiramdam ko ay may mali—isang maling hindi ko magawang ituro pero ramdam na ramdam ng bawat hibla ng aking nerves. I felt jittery, like I had drunk ten shots of espresso on an empty stomach, but at the same time, my skin felt cold. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon, pero may kakaibang pakiramdam na hindi mawala sa katawan ko mula pa kaninang umaga.
Dahil sa takot ko—sa boses na narinig ko sa kusina at sa sugat na biglang naghilom—hindi ko hinayaang mauna si Adrian sa paglabas ng bahay. I felt like if he left my sight, something terrible would happen.
"Hintayin mo ako," sabi ko habang nagmamadali akong magsuot ng sapatos, my hands shaking as I pulled the laces.
"Ate, malelate na ako," reklamo niya, checking his watch for the fifth time. "Seven-thirty na. Terror pa naman yung prof ko sa first period."
"Sabayan mo na lang ako hanggang kanto," sagot ko, my voice a bit too sharp, too desperate. "I just... I need to talk to you about something later. Sabayan mo na ako."
Napakamot siya sa ulo pero tumango rin nang makita ang pamumutla ko. "Okay, fine. Chill ka lang, Ate. You look like you've seen a ghost."
Kung alam mo lang, I thought bitterly. Ni hindi ko nga nagawang magkape bago kami lumabas. Karaniwan ay hindi kumpleto ang umaga ko kapag walang kape, but the mere smell of it this morning made my stomach churn. Parang wala akong ganang kumain o uminom man lang. Pakiramdam ko ay may kung anong bumabaliktad sa loob ng katawan ko.
Sabay kaming naglakad ni Adrian palabas ng bahay. The morning sun was just starting to heat up the pavement. Tahimik lang ako habang naglalakad, but my senses were on high alert. Paminsan-minsan ay lumilinga ako sa paligid. Every shadow looked too long, every stranger's glance felt like a threat. Para bang may nagmamasid sa akin mula sa mga siwang ng mga gusali.
"Ate, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Adrian, stopping by the jeepney stop. "Ba't parang lutang ka? At ba't ang putla mo? Masakit ba yung ulo mo ulit?"
"Okay lang ako," mabilis kong sagot, forcing a small, fake smile. "Puyat lang 'to. Sige na, ayan na yung jeep."
Hindi ako sigurado kung totoo iyon. Pagdating sa kanto, doon kami naghiwalay.
"Mag-iingat ka, Adrian. I-text mo ako pagdating mo sa school, ha?"
"Oo naman. Ikaw din," sagot niya bago sumakay. I watched the jeepney disappear into the traffic.
Pagkatapos noon ay ako naman ang sumakay papunta sa ospital. I needed answers. I needed a doctor to tell me that my cancer was causing hallucinations, that the 'healing' I saw was just a trick of the light.
Pero bago pa man ako makarating sa mismong entrance ng ospital, bigla akong nanghina.
Napahinto ako sa paglalakad sa gitna ng sidewalk. Alas nueve pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko ay parang nasusunog ang balat ko. The sunlight didn't feel warm anymore; it felt like needles made of fire pricking every inch of my exposed skin.
Napahawak ako sa leeg ko, gasping for air. "Ang init..."
Pero hindi ito normal na init ng panahon sa Pilipinas. Parang may apoy na nagliliyab sa loob ng mismong katawan ko, starting from my veins and spreading to my bones. Unti-unti ring namumula ang paningin ko, a crimson haze bleeding into the edges of my vision.
Napapikit ako saglit, leaning against a lamp post. "T-teka... ano ito..."
Kasabay noon ay naramdaman ko ang matinding pagkauhaw. It was a dry, hollow ache in the back of my throat. Hindi ordinaryong uhaw na kayang pawiin ng tubig. Parang may hinahanap ang katawan ko—something deeper, something darker.
Pinilit kong maglakad papunta sa maliit na tindahan sa labas ng ospital. May matandang babae roon na nagtitinda ng tubig at mga snacks sa ilalim ng isang payong.
"P-pabili nga po ng tubig," mahina kong sabi, my voice rasping. Halos hindi ko makita ang hawak kong barya dahil parang nagiging pula na ang buong paningin ko.
Biglang akong napatigil.
May puting pusa na nakapatong sa isang styrofoam box sa gilid ng tindahan. Nakatitig ito sa akin, its ears flattened against its head. It hissed, a low, guttural sound of warning. Parang may galit. Parang inuusig ako.
Napapalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang pananabik habang tinitingnan ang pusang iyon. My eyes slowly followed the faint pulse beneath the fur of its neck.
Thump. Thump. Thump.
Para bang naririnig ko ang t***k ng puso nito sa gitna ng ingay ng mga sasakyan. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan—parang gusto ko itong sunggaban. I wanted to feel that pulse against my teeth.
Napaatras ako sa sobrang diri sa sarili ko. "Ano ba itong iniisip ko?" bulong ko.
Mabilis kong inabot ang bote ng mineral water na iniabot ng tindera. Pagkatapos ay agad akong umalis, stumbling away from the cat.
"Teka! Iha, yung sukli mo!" sigaw ng tindera.
Pero hindi ko na iyon pinansin. Patakbo akong nagtungo sa lilim ng malaking puno sa gilid ng ospital, desperate to get out of the direct sunlight.
"Bakit ganito... bakit parang nasusunog ako?" I leaned my forehead against the cool bark of the tree.
Agad kong binuksan ang bote ng tubig. Halos mamatay na ako sa uhaw. Nilagok ko ang tubig, expecting relief. Pero sa sandaling pumasok ito sa bibig ko—bigla ko itong naisuka.
Napahawak ako sa tiyan ko habang naduduwal. It tasted like ash and stagnant pond water. Hindi maipaliwanag ang lasa; para itong lason sa dila ko.
Huminga ako ng malalim hanggang sa medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Siguro epekto na ito ng gamot... o nung tumor," I tried to rationalize.
Pinilit kong maglakad papasok ng ospital, dragging my feet through the sliding doors. The air-conditioning felt like a godsend, but the red haze in my eyes wouldn't clear.
Bago pa man ako makarating sa counter ng mga nurse—biglang nandilim ang paningin ko. The floor rushed up to meet me, and everything went black.
Nang magising ako, mukha ng doktor ang una kong nakita.
Nakaupo ako sa isang hospital bed sa Emergency Room. Isang manipis na asul na kurtina lang ang naghihiwalay sa akin sa ibang mga pasyente. The smell of disinfectant was overpowering, making my nose itch.
"Sa wakas, gising ka na, Ms. Sinclair," sabi ng doktor, looking at his clipboard with a puzzled expression.
Pinilit kong umupo, feeling a bit dizzy but strangely energized. "What happened, Doc? Did I faint again?"
"Nawalan ka ng malay sa lobby," sagot niya. "Heat exhaustion, perhaps? But your vitals are... unusual."
Napahawak ako sa ulo ko. "Doc... I think nagsisimula na ang malalang epekto ng cancer ko. I'm having hallucinations. I hear things. And the sun... it felt like it was killing me."
Napakunot ang noo niya. "What do you mean by hallucinations?"
"May naririnig akong boses sa loob ng utak ko. At kanina, yung araw, sobrang init para sa akin, Doc. Parang nagliliyab ang mata ko. I think the tumor is pressing against something."
Tahimik lang siyang nakinig, then he let out a long breath and shook his head.
"Iyon din ang akala ko kanina, Ms. Sinclair," sabi niya, his voice dropping to a whisper. "But I ran your blood work and a quick CT scan while you were unconcious. At nakakagulat ang resulta."
Tumigil ang t***k ng puso ko. "Is it worse? Is it spreading?"
"No. Quite the opposite." Bahagya siyang ngumiti, though he looked more confused than happy. "Bigla na lang nawala ang mga tumor sa utak mo. Every single one of them."
"Po?!" I almost fell off the bed. "That's impossible. You said it was Stage 4. You said I had months!"
"Ako rin ay nagulat. I thought there was a mix-up with the files, kaya pinaulit ko ang test sa ibang machine," sabi niya. "Pero iisa lang ang resulta. Your brain is perfectly clear. Your blood count is... high, strangely high in iron, but the malignancy is gone."
Iniabot niya sa akin ang mga bagong scan. Dahan-dahan kong binasa ang medical terms. My eyes widened.
No evidence of neoplastic growth.
Wala na ang tumor. Wala na rin ang ibang komplikasyon. Parang biglang nabura lahat ng sakit ko sa loob ng isang gabi.
"Hindi ako naniniwala sa himala," sabi ng doktor habang nagliligpit ng gamit niya. "Pero mukhang mapipilitan na akong maniwala ngayon. Congratulations, ija. You are officially cancer-free."
Natulala ako habang papaalis siya. Cancer-free? How?
Biglang bumalik sa isip ko ang boses na narinig ko kaninang umaga. Ang boses na narinig ko sa panaginip ko sa ilalim ng tubig.
"But I gave you a new life... You owe me your life."
Marahas akong napailing. "No way... this is not happening. This is a dream. I'm still drowning."
Mabilis akong bumangon sa kama. Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas ng ER cubicle.
"Ay mam!" sigaw ng nurse na nakakita sa akin. "Hindi pa po kayo pwedeng umalis! Wala pa pong discharge papers!"
"Okay na ako, miss! I feel great!" I lied, my heart hammering. Kailangan ko nang umuwi. I needed to see if I was still me.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa exit ng ospital. Pero bago pa man ako makahawak sa pinto—biglang tumahimik ang buong paligid.
Hindi ito yung normal na katahimikan ng isang sementeryo. It was as if the air itself had turned into stone.
Unti-unti akong lumingon. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko.
Ang mga tao sa paligid—ang mga nurse na naglalakad, ang matandang lalaking may dalang dextrose, ang batang umiiyak—lahat sila ay hindi gumagalaw. Parang tumigil ang oras.
Tumingin ako sa orasan sa dingding. Ang needle ng segundo? Tumigil. Walang humihinga. Lahat ay naging estatwa sa loob ng isang iglap.
Tok. Tok. Tok.
Footsteps. Heavy, deliberate, and echoing with terrifying authority.
Dahan-dahan akong napalingon sa entrance ng ospital. Isang pigura ang pumasok mula sa labas, cutting through the frozen world like a blade.
Isang lalaki. Matangkad, nakasuot ng mamahaling itim na suit na tila gawa sa anino. Ang bawat hakbang niya ay parang nagpapabigat sa hangin, making it hard for me to breathe.
Then I saw his eyes.
Golden. Kumikinang sa ilalim ng fluorescent lights ng ospital.
Nanlamig ang buong katawan ko. The memory of the bridge, the water, and the bite came rushing back with agonizing clarity.
"Y-you..."
Siya. Ang lalaking pumatay sa akin para buhayin ako muli.
Huminto siya sa harap ko, inches away. His presence was overwhelming, smelling of ancient forests and cold rain. Bahagya siyang yumuko upang magpantay ang aming mga mata. He looked at me like a masterpiece he had just finished painting.
Then he smiled. And just for a second, his fangs elongated, white and lethal.
"My thrall," he said softly, his voice a deep, English baritone that vibrated in my chest. "Did you miss me?" 🩸