CHAPTER 8–NAKAKATAKOT

1045 Words
LEXIE “Anong meron at bakit tawang-tawa 'yan?” Tukoy ni Astra kay Sir Allius. Ako naman ay napatingin din sa likuran ko. Hindi parin kasi ma ampat ang tawa nito kaya hiyang-hiya parin ako! Mabuti nalang at wala dito ngayon si Sir Sirius. “Ang sabi niya kasi kanina ay may dadaanan lang siyang pulubi. Hindi ko naman aakalain na si Sir Sirius pala ang tinutukoy niya.” Paliwanag ko. Napatakip siya sa kanyang bibig. “Why, magkasama kayong nagpunta dito?” “Hmm, dito rin naman ang punta ko kaya pinasabay ko na siya.” Tugon ni Sir Allius. “And then...what about the beggar story, huh?” Natatawa niyang tanong. Napayuko ako para itago ang hiya. Muli na namang tumawa si Sir Allius kaya naiinis na talaga ako! Grabe, ang bully pala ng crush ni Jia! “Nag pasundo kasi sa akin ang kupal dahil nasiraan daw ang kotse niya eh hindi ko naman alam na sobrang maawain pala itong...secretary mo.” Naiiling na paliwanag ni Sir Allius. “She's innocent also,” dugtong niya pa. Nang matapos marinig ni Astra ang naging dahilan ng lahat, naiiling siyang lumapit sa akin at saka ipinulupot sa braso ko ang mga kamay niya. “Don't mind them next time. Mga pilyuhin ang mga kaibigan ni Kuya kaya dapat sanayin mo na ang sarili mo kapag nakakasama mo sila.” Pabulong niyang sabi sa'kin habang hinihila ako papalayo kay Sir Allius. Naiwan itong naka-upo na ngayon sa sofa habang sumisimsim ng kape nang lingunin ko siya. Natatawa parin siya pero agad namang tumitigil lalo na nang may isang babaeng pumasok. “By the way Lex, naayos mo ba ang mga kailangan mong ayusin?” “Ay, oo, Dean. Salamat nga pala pero nahihiya parin ako sa'yo dahil sa mamahaling University mo pa ako in-apply...pwedi naman na sa mga local nalang.” Saad ko habang inaabot ko sa kanya ang envelope kong dala kanina. Tinignan niya iyon pero madali lamang. “You don't need to say that, Lexie. I'm responsible about all your needs dahil kinuha kita kina Lola kahit alam kong ando'n ang buhay mo. And because that you are now here sanayin mo nalang talaga ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Like I always said, tanggalin mo na ang hiya mo sa katawan dahil you're a part of my team at saka---hindi kana iba sa akin, sa amin rather.” Sunod-sunod niyang sabi. Naiintindihan ko naman siya pero hindi niya matatanggal sa akin ang pagiging mahiyain at ang pag tanggi sa mga nais niyang ipaabot na tulong. Hindi mataas ang pride ko at mas lalong hindi ako sanay na may tumutulong sa akin. Masasanay din naman ako siguro pero hindi gano'n kadali na kayang gawin ng biglaan. Step by step ika nga. “H'wag kang mag-alala Dean, lahat ng sinabi mo ay tatandaan ko. Pag pasensyahan mo nalang muna ako ngayon kasi nag a-adjust pa siguro ako.” Paliwanag ko. Malawak ang pang-unawa ni Astra at alam ko na kahit hindi ko man sabihin ay alam niya ang ugali ko. “Oo naman. By the way, may meeting pala ako.” Sabay tayo niya. Napatayo din ako. “Dito ka nalang muna kasi si Allius lang naman ang ka meeting ko. Feel free to stay here while I'm the outside. May canteen sa second floor kapag nagugutom ka, ha?” Nagmamadali niyang bilin sa akin. Napatango-tango nalang ako habang sinasabayan siyang palabas ng office niya. Wala na sa labas si Sir Allius kaya lalo na siyang nagmadali. Siguro nauna na kaya gano'n nalang ang pagmamadali ni Astra. Pagkalabas niya sinarado ko naman agad ang pintuan. Makalat pa ang loob ng office ni Dean palibhasa under construction pa ang ibang bahagi. Hindi pa talaga fully furnished ang kabuuan ng kanyang opisina pero kahit na gano'n kitang-kita parin kung gaano kalaki at kaganda ang opisina niya. Busog pa naman ako kaya habang hinihintay ko ulit si Astra na dumating nilaan ko nalang muna ang oras ko sa pagliligpit ng ibang kalat. In-organize ko lahat ng mga envelope, mga sketch pads mga lapis at iba pang kagamitan niya sa pagdi-designs. Nilagay ko naman sa isang tabi ang mga magazines at ilang mga libro. Lahat ng mga salamin ay pinunasan ko din. Pagkatapos ko mag punas-punas saka naman ako nag walis at nag mop. Feeling ko umaliwalas ang loob ng opisina ni Dean. May mga dapat pang tapusin ang mga construction pero hindi ko pinalampas na linisin para naman kahit papaaano ay magandang tignan. Hindi ko rin alintana na napagod ako o pinagpawisan man lang dahil sa lamig palang na buga ng aircon ay hindi talaga mangangahas na sumilay ang pawis ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko ibinalik ang mga ginamit ko. Nasa tagong bahagi ang storage room kaya binilisan ko ang paglalakad kaso--- “Shete!” Mariin kong sambit nang biglang mamatay ang mga ilaw! Kusa ko ring nabitawan ang hawak kong walis tambo at mop dahil sobrang dilim talaga! Mabilis kong kinapa ang mga bulsa ko dahil umaasa ako na naroroon ang cellphone ko kaso bigo ako! Wala akong maaninaw ni kahit ga tuldok na liwanag! Nakakatakot lalo na at nag-iisa ako sa loob ng opisina na'to! “M-may tao po b-ba dito...M-meron p-po ba...?” Nauutal at sobrang hina kong sabi habang kinakapa ang magkabilang ding-ding. Alam ko namang nag-iisa lang ako dito kanina kaya parang nagmumukhang tanga na ako dito na naghahanap ng kasama habang kinakausap ang sarili. Nang makarating ako sa sofa agad kong kinuha ang cellphone ko. Habang dina-dial ko ang number ni Dean pilit ko ring binubuksan ang pintuan kaso naka-lock sa labas! “Paano ako makakalabas dito kung naka-lock sa---H-hello, Dean? Dean...” Nanginginig ang boses ko nang sagutin ni Dean ang tawag ko. “Lex? Nasaan ka?” Nag aalala niya ring tanong. Siguro alam niya na walang power ang buong building. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. “Andito ako sa office mo, Dean...naka-lock sa labas ang pintuan kaya---” “Seriously, Kuya?” Tanging narinig kong sambit ni Dean sa kabilang linya. Hindi narin niya nasagot ang sinabi ko at basta nalang namatay ang tawag ko. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang nasambit niya na malayo naman sa usapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD