CHAPTER 7–PULUBI

1024 Words
LEXIE Tanghaling tapat nang matapos kong suyurin ang kabuuan ng campus. Thanks to Jia dahil siya ang naging tour guide ko. Naglaan talaga siya ng oras para samahan ako kahit ilang minuto nalang kanina at simula narin ng klase niya. Kanina ko lang din nalaman na nag-iisang Anak lang din siya. Ang Tatay niya ay isang seaman kaya nakapundar sila ng negosyo. Jia is a graduated student like me. Nakakatawa pa dahil mukhang pinagtagpo talaga kami ng tadhana dahil 0a6rehas kami ng kurso at major. May mga similarities kami at dahil do'n hindi ko mapigilan na hindi matuwa. Feeling ko nakahanap ako ng kaibigan na close agad kahit wala pang isang araw kaming nagsasama. Biglang may bumusina sa likuran ko habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada. Sobrang init ngayon dahil tanghaling tapat at hindi man lang ako nakapagdala ng payong kaya yoong envelope ko ang ginawa kong panangga. Hindi ko pinansin ang sasakyang walang tigil sa pagbubusina bagkos nag dire-diretso parin ako ng paglalakad. Natigilan ako nang mag overtake ang isang magarang kotse. Tumigil siya na halos iharang na niya ang kotse niya para lamang hindi ako makalampas. Nangunot ang noo ko pero agad din namang bumalik sa normal ang hitsura ko nang makita ko kung sino ang nasa loob ng kotse. “Diba ikaw yo'ng transfere?” Tanong sa'kin ni Sir Allius habang ibinababa ng bahagya ang suot niyang itim na salamin. “A-ako nga po, Sir..” Nahihiya ko namang tugon sabay baling sa magkabilang gilid. “Sakay na.” Alok na. Gulat akong umiling-iling sabay urong ng aking mga paa nang biglang bumukas ng kusa ang pintuan ng passenger seat. “Nako, hindi na po. M-may iba pa po kasi akong pupuntahan—” “Where?” “Sa...trabaho po.” Sagot ko. Pinasadahan niya ang relo niyang suot at parang may hinahabol siyang meeting kaya nag dahilan ulit ako para hindi na siya mag aksaya ng oras na hintayin ako dahil hindi talaga ako sasakay. Nakakahiya at higit sa lahat hindi ko kayang sumakay sa magara niyang kotse. “Salamat nalang po Sir, pero mag co-commute nalang po ako. Malapit lang naman po dito ang pupuntahan ko kaya kahit hindi niyo na ako kailangan alukin.” Saka ko siya nilampasan at mabilis na naglakad. “I insisted Miss. Pupunta ako ngayon sa company ni Dean because I have appointment with her. I haven't idea kung doon ka nga nagtatrabaho but because Dean told me na assistant ka niya that's why I insisted. Hop in!” Turo niya sa naka-awang na pintuan. May hisitasyon pa akong luminga-linga sa paligid ko bago ako tuluyang sumakay ng kanyang kotse. Sobrang lamig sa loob. Mabango din at nakakahiya ding ilapat ang swelas ng suot kong sapatos dahil baka maiwan ang mga lupa-lupa sa loob pero dahil ayaw ko namang mapahiya kung tatanggalin ko pa ang sapatos ko, kinapalan ko nalang ang mukha ko. Hindi kami nag-uusap habang nasa byahe. Nakikinig nalang ako sa kanya habang may mga kausap na sino-sino man. Wala akong choice kundi ang maki-usyoso. Okay lang naman pati 'yon dahil hindi ko naman kilala ang mga kinakausap niya at puro business naman ang topic nila. “Wait for a second Miss, may dadaanan lang akong pulubi.” Imporma niya sa akin. Hindi ako sumagot bagkos tumango nalang ako. Sa loob-loob ko kaya siya pinagpapala kasi mabuting tao siya. Matulungin lalo na sa mga pulubing sinasabi niya. Dala ng kuryusidad tahimik akong umaantabay sa dadaanan niyang pulubi. Lumiko kami sa isang paikot na kalsada kung saan ang gitna ay malaking fountain. Ang magkabilang gilid ay natatayuan ng isang matayog building. Nagtaka ako kaya napatingin ako sa kanya pero ibinaling ko rin kaagad ang paningin sa labas dahil nakikita kong bantay sarado ang siguridad sa lugar na tinigilan namin. May tinatawagan si Sir Allius kaya tahimik kong binabasa ang nakasulat sa malaking building. Salem-Nicolao Engineering Firm “Andiyan na ang pulubi, we can go now.” Pilyong ngisi ang sumilay sa hitsura ni Sir Allius nang matanaw sa side mirror niya ang pulubing tinutukoy niya. Ako naman ay dumukot ng barya sa aking bag para sana ibigay sa pulubi kaso narinig kong ini-start na niya ulit ang makina ng kanyang kotse. Dahil do'n mas lalo kong binilisan ang pagsimot sa mga barya kong nakakalat sa loob ng aking bag. Nang sa tingin ko ay nakuha ko na lahat saka ko inaro kay Sir Allius ang isang tumpok na barya na nasa kamay ko. May pagtataka niya akong tinignan. “What's that?” Takang tanong niya habang nakatingin sa mga barya. “Pakibigay nalang po ito sa pulubi.” Diretso kong tugon. Humagalpak siya ng pagtawa kaya may pagtataka ko siyang tinignan kahit sa kaloob-looban ko nag-iinit na ako! Hindi ko siya maintindihan, yawa! “Oh...the beggar is here.” Natatawa niyang sabi habang may pumapasok sa likuran namin. “Anong beggar na sinasabi mo, gago--ow...” Tugon ng lalaking nasa likuran namin. Naging pamilyar ang boses niya pati ang amoy nito at dahil nakaramdam ako ng hiya nang mapagtantong hindi naman talaga totoong pulubi ang tinutukoy nito kaya mabilis kong hinila ang kamay kong may ikom na mga barya kaso---shete! Huli na nang kunin ni Sir Allius ang mga barya! “Oh, heto daw bigay ng may awa sa'yo.” Tawang-tawa na pagkakasabi ni Sir Allius kay Sir Sirius habang binibigay nito ang barya na galing sa akin! Hindi ko alam kung saan ako magtatago lalo na nang mapatingin ako sa rear view mirror. Nag tagpo ang mga mata namin ni Sir Sirius! Nangunot ang noo niya habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin! Umiwas agad ako ng tingin at lihim na kinagat ang ibabang labi dahil mukhang tutudasin na niya ako buhay! “Pulubi pala, ha?” Sabi niya sa likuran namin. Narinig kong nilagay niya ang mga barya sa kung saan. Hindi ko na 'yon makuhang tignan dahil baka salubong na mga kilay niya parin ang mabungaran ko. Tawang-tawa parin si Sir Allius habang nagmamaneho samantalang ako ay nag-iisip kung paano makakalabas sa sitwasyong pinasukan ko ngayon! Yawa talaga ang araw na'to! Pahamak talaga ang pagiging maawain ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD