CHAPTER 6– NEW FRIEND

1782 Words
LEXIE Nauna pa akong magising kesa sa tunog ng alarm ko sa aking cellphone palibhasa unang gabi kong matulog sa hindi pamilyar na higaan at lugar. Nag rent ako ng apartment malapit lang sa University na papasukan ko kahit hindi ako tinantanan ni Astra ng pamimilit na doon nalang sa ako sa condo niya tumuloy. Nakakahiya kaya hindi rin ako pumayag. Oo, responsibilidad niya ako pero hindi lahat ng bagay ay pwedi kong i-asa sa kanya dahil kung kaya ko namang tustusan ang mga pangangailangan ko gagawin ko. Kaya maaga akong gumising para matunton ko ang University na sinasabi sa akin ni Astra. Itinuro na niya sa akin kahapon ang location ng University na lilipatan ko. Natatandaan ko na naman pero dahil padalawang araw ko palang dito sa Maynila kailangan kong agahan ang pagpunta sa mga pupuntahan ko para maka-iwas narin sa traffic. Commute pa naman ako at alam ko naman kasi kung gaano ka ipit sa traffic ang mga pampasaherong sasakyan dito sa Maynila. Wala pa akong mga gamit dito sa aking boarding house. Nagtingin-tingin pa ako sa online ng mga mumurahing gamit na pang isahang tao lang. “Salamat po,” magalang na sabi ko sa landlady namin. “Nako, kahit huwag ka nang bumili ng thermos Hija. Libre kang makakahingi dito ng mainit na tubig, hindi naman ako nagpapabayad kapag gano'n. Bukal 'yan sa loob ko.” Pagmamagandang loob ng Ginang. Naulit ko kasi na bibili pa ako ng thermos. Nahihiyang ngumiti ako habang hawak-hawak ang tasa kong may kape na. Binanaw ko muna 'yon saka siya sinagot. “Si-sige po...Salamat po ulit.” Saad ko saka siya magalang na tinalikuran. Mabilis kong naubos ang kape kong tinipla. Kalahating tasa lang ang parati kong tinutubig dahil hindi ko naman kayang ubusin kapag mataas na sa kalahati. Mabilis akong naligo. Napaka-time saver naman kasi talaga kapag ang banyo ay nasa loob na mismo ng kuwarto. Ten by twelve ang sukat ng kuwarto na inuukupa ko kaya sobrang laki na ito para sa katulad kong renter na nag-iisa lang. Maliit lang naman ang banyo at naro'n narin ang liguan. Hindi naman ako maarte at swak na swak 'to para sa akin. May single room din ito para just incase kailangan ng renter ng privacy ay may mapapasukan o matulugan pa din. Madami akong nai-add to cart na mga gamit kagaya ng induction cooker. Mura lang naman lalo na ang single size. Hindi na kailangan ng tangke kapag magluluto dahil di saksak naman 'yon. Nag cart din ako ng rice cooker na good for five cups lang. Medyo malaki 'yon para sa akin kaso wala akong choice dahil iyon nalang ang available size. Nag add din ako ng clip fan na nauuso ngayon. Mas convenient kasi 'yon gamitin kaysa sa mga standfan na matakaw sa kuryente. Naka add din yo'ng electric heater at hindi na ako o-order ng thermos dahil iniisip ko baka kapag nagkalaman sayang lang dahil malilipasan lang din 'yon kasi tuwing umaga at gabi lang naman ako nag kakape. Minsan kapag nag-aaral ako at inaabot ng madaling araw nagtitimpla din ako. Bago naman ang unan na binigay sa akin ng landlady. May kumot naman akong dala at bago din ang single na foam na ibinigay niya. Kasama pala 'yon sa mga binayaran ko kaya bago lahat. Sa kanila narin ang tubig at kuryente kayaedyo may kalakihan ang rent fee though pasok parin naman sa budget ko. Pagkalabas ko ng pintuan agad ko ding ni-lock ito nang masigurado kong dala ko na lahat ng mga files ko. Nag txt parin ako kay Astra kahit alam niya naman kung saan ang lakad ko ngayon. “Ay, sorry, Miss.” Ani ng babaeng nakasagi ng evelope na naka-ipit sa pagitan ng tagiliran ko at braso ko. “Nako, okay lang. Sorry dahil nakaharang yata ako sa daanan mo.” Hinging pasensya ko habang tinutungan siyang limutin ang mga papel na lumabas sa envelope. “Hindi naman, nagmamadali lang talaga ako kaya hindi ko alam na may tao pala..bago kang renter dito?” Aniya. “Oo, kagabi lang ako dumating dito.” Saad ko habang inaabot ang envelope na hawak-hawak niya. “I see. Nakita ko 'yong form ng D' Hope University, sorry na agad pero pumapasok ka rin do'n?” Tukoy niya sa form. Napangiti ako bigla dahil sa paghingi ng pasensya. “Ah, 'yon ba. Mag ta-transfere palang ako doon kaya—” “Seryoso?” Bulalas niya kaya nagulat ako bigla. “Ang galing! Tara, sabay na tayo pumunta doon! Ituturo ko narin sa'yo mga dapat sasakyan kapag papunta ka doon.” Masigla niyang yakag sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil tinangay na niya ako palabas ng boarding house. Sabay kaming lumabas ng gate. “S-Salamat.” Nahihiya kong sabi nang makasakay agad kami ng traysikel palabas ng kanto. “Nako, napaka-galang mo naman.” Nakangisi niyang tugon. “Nga pala...ako si Jia, Anak ako ng may-ari nang boarding house na tinutuluyan mo.” Dugtong niya. Umawang naman bigla ang bibig ko. “Talaga? Nako, ako si Alexie, Lexie nalang.” “Nice to meet you, friend!” Saad niya bago ako niyakap. “Nag-aaral ka rin sa D' Hope?” Kuryoso kong tanong nang maghiwalay ang mga katawan namin. Pinakita niya ang ID niya kaya tumango-tango ako. “Scholar ako do'n. Naka-chamba akong nakapasok doon kaya ingat na ingat talaga ako na hindi bumagsak sa bawat sem, sayang kasi ang opportunity. Tinitingala ng bawat estudyante ang D' Hope University at maraming nagkakandarapa na makapasok doon kaya masuwerte tayo dahil aprobado tayo doon.” Kuwento niya. Napa-isip ako bigla dahil sa sinabi ni Jia. Ibig-sabihin mamahaling University 'yon? Si Astra ang pumili ng papasukan kong University dahil naalala ko nang sabihin niyang kaibigan niya daw ang Anak ng may-ari ng University na iyon. Backer ko si Astra pero hindi ibig sabihin hindi ko kayang ipagyabang ang mga grado ko. Honor students ako sa dati kong University kaya kahit doon man lang natutuwa akong ipagyabang ang mga grado kong pasok naman siguro sa standards ng Unibersidad na iyon. “Feeling ko naman matalino ka kaya sa D' Hope ang napili mong papasukan.” Sabi ni Jia. Bumaba muna kami ng traysikel nang tumigil ito sa paradahan ng mga jeep. Sabay ulit kaming naglalakad. Nakapulupot ang kamay niya sa braso ko na para bang takot siyang makawala ako. “Hindi naman masyado. Scholar din ako sa dati kong pinapasukan. Sa katunayan ang Boss ko ang may dahilan kung bakit sa D' Hope ako makakapasok.” Nahihiyang tanggi ko at pag-amin. Ako na ang nagbayad pati kay Jia dahil binayaran niya rin kanina ang pamasahe ko sa traysikel. Feeling ko magiging close ko kaagad siya dahil ang gaan ng loob ko sa kanya. Napaka-happy go lucky niya kasama. “Grabi naman...pinagpalang wagas ka naman. Siguro friend ng Boss mo si Sir, Allius.” “Ha?” Ang tanging nasambit ko. “Ay, oo nga pala. Mamaya makikita mo din 'yon, gwapong nilalang 'yon at saka... crush ko 'yon.” Namula bigla ang pisngi ni Jia nang aminin niya sa akin na crush niya ang Allius na 'yon. Ako naman ay natuwa sa kanyang reaksyon. Halatadong wala pa ring boyfriend dahil kung makahanga sa iba ay wagas. Ilang minuto lang ang ibinyahe namin sa jeep papunta sa D' Hope University. Sobrang namangha ako dahil kahit nasa labas palang kami at talagang mahahalata na mamahalin talaga ang University na ito. Sa high-tech palang na gate ay alam na alam na. Fully secured ang labas at loob dahil kahit saan ka tuminigin tadtad ng security guard at CCTV cameras. Ang gagara din ng mga pananamit ng mga estudyante. Parang nanliit ako kaya pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. “Maganda ka rin naman kaya bagay ka dito. Beauty and brain ang kwalipikado dito kaya hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo sa kanila. Yang iba diyan nadadala lang ng luho kaya naririto unlike the both of us na....sabihin na nating cheap pero may utak.” Saad niya sabay kindat sa akin. Napanguso ako at ipinantay ang paglalakad sa kanya. Kung manghuhula man itong si Jia talagang maiirekomenda ko talaga siya sa mga kaibigan ko sa Cebu. Ang galing niyang makiramdam! “Manghuhula ka siguro sa past life mo.” Tanging nasabi ko sa kanya. Napatawa nalang siya bago ulit ipinulupot ang mga kamay sa aking braso. “Dalian mo ang paglalakad dahil sa lahat ng pinaka-ayaw ni Sir Allius ay yoong nali-late. Dali!” “Teka lang, sasamahan mo ba ako sa head office?” “Oo, mamaya pa ang klase ko kaya sasamahan na muna kita para hindi ka maligaw.” Tugon niya. “Salamat na agad.” Ani ko sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil kung wala si Jia panigurado hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakarating dito. Baka nga siguro nakikipagsiksikan pa ako sa traffic habang sakay sa jeep. Unang araw palang namin na magkakilala pero ang laki agad ng naitulong niya. She's one of a kind. Nasa head office na kami at pansamantalang nag paiwan si Jia sa waiting area habang ako ay nahihiyang hinahakbang ang mga paa papasok ng administration office. Madaming empleyado ang bawat department at kung hindi pa itinuro ng security guard ang office ng admin ay hindi ko pa talaga matutukuyan. “Come in.” Imik ng nasa loob ng admin office. Bago ako pumasok ay sinigurado ko ulit na tignan ang name plate na nakasabit sa gitna ng pintuan. Allius Sebastian Nicolao Ulit ko sa pangalan ng head admin. Nang ma double check ko saka ako pumasok. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan pero pinagtibay ko parin ang sarili. Bumungad sa'kin ang malamig na buga ng aircon kaya napatingin ako sa gawi ng malaki at mataas na aircon na nakatayo sa kaliwang sulok ng opisina. May biglang tumikhim kaya nailipat ko ang paningin ko sa lalaking pormal at seryoso na naka-upo sa swivel chair nito. Nakaka-intimidate siyang tignan kaya biglang nag-init ang mukha ko. Baka siya na itong tinutukoy ni Jia! “Ahm...Good day, Sir--I'm Alexie Mendez—” “I know. Astra called me earlier so I'm expecting you here today. Have a seat.” Putol niya. Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko mapigilang pisilin ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar siya o baka sikat lang talaga siya kaya nakikita ko siya sa TV. Ah basta! Iniling ko ng bahagya ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko! Hindi ako interesado sa mga lalaki, period! Bakit lahat ng mga lalaki na nakaka-intimidate tignan ang galing mag putol ng mga sasabihin! Reklamo ko sa aking isipan habang naglalakad papunta sa upuan na nasa harapan lamang ng magara nitong lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD