SIRIUS
He was on his way to resto when he almost bumped into a motorcycle! May angkas itong isang lalaki at parehas silang nakasuot ng helmet. Akmang bababa na siya ng kanyang kotse nang basta humarurot ang motor palayo. Yamot parin siyang bumaba para tignan kung may nagasgasan ba sa kotse niya.
“Mga kupal!” Mariing usal niya kahit wala namang tama ang kotse niya. Muntikan na siyang ma-aksidente kahit nasa right way naman siya dahil sa mga kaskaerong motorista na 'yon! Nakakayamot dahil kung kelan nagmamadali siya ay saka naman nangyari 'to. Ki aga-aga ay sumasakit na agad ang ulo niya!
“Hello, Yes, Mr. Chua, I'm near the resto where you at right now. Yeah, pakihintay nalang ako, and I'm sorry for the late meetup--okay, bye.” Sunod-sunod niyang saad sa katawagang kliyente. Halos kalahating oras na siyang late kahit ando'n naman ang assistant niya kaso mas gusto niya parin talaga na personal niyang naiintindihan ang mga kasunduan nila.
He is a man of his own words. Ayaw niya sa lahat ay yoong nali-late sa mga appointments niya kaya hanggat kaya niyang habulin ang oras para huwag lang siyang ma-late, gagawin niya talaga but how could he do that if his temper had overtaken him?
He is a well-known businessman of his generation. He is a bit arrogant and a little bit philosophy lalo na sa mga taong hindi niya gusto but when it comes to his closest friends and family ibang-iba ang ugali niya. Nasa loob ang kulo niya kaya marahil umaangat agad ang temperatura ng kanyang dugo.
“I'm so sorry for being late, Sir.” Paumanhin niya nang makarating sa lamesa kung saan naro'n na ang kliyente niya. His assistant gave him a formal nod. Gano'n din siya habang tinatanggap ang upuan na inaro nito sa kanya.
“It's okay Mr. Ibarra. In-assist naman ako assistant mo at paliwanag niya narin naman lahat sa'kin but before anything else, I just want to clarify things before agreeing in our agreement.” Walang patutsadang tugon ng kanyang kausap. Lihim pa siyang napapatawa dahil sa accent nitong putol-putol naman ang pagkakasabi sa lingwaheng Pinoy. He rest his back at the back rest of the chair while roaming his eyes at the paper in front of him.
“Ah Sir, ito pala 'yong mga wants and don'ts ni Mr. Chua.” Singit ni Winston na secretary niya. Ipinakita nito ang mga ayaw at gusto ng instik. Binaybay niya lahat ng mga nakasaad at tila wala rin namang problema sa kanya maliban sa isang nagpa-agaw sa kanyang atensyon.
“Mandatory ba talaga 'to na mag dala ng girlfriend sa tuwing may business meeting tayo, Mr. Chua?” Paninigurado niya habang nakangisi. Umayos ng pagkaka-upo ang instik. Sumimsim muna ng staa bago siya sinagot.
“It's not really a mandatory kaso gusto aking Asawa na may nakaka-usap din kapag may meeting kami na pinupuntahan. Okay lang kahit wala ka girlfriend, kahit friend mo nalang na girl isama mo sa sunod natin meeting, Mr. Ibarra.” Paliwanag at suhestiyon nito.
Out of nowhere bigla siyang napatikhim at inayos ang kanyang suot na long sleeve. Parang napahiya pa siya dahil alam ng instik na wala siyang girlfriend.
“I have one so don't worry. I will bring her to our next meeting,” Proud and loud niyang pagkakasabi. Tila napahanga naman ang instik dahil biglang lumiwanag ang mukha nito na kabaliktaran naman ng mukha ni Winston.
“Do you really have one, Sir?” Halos pabulong na paninigurado sa kanya ni Winston. Kilala na siya ng kanyang secretary dahil halos limang taon na itong nagtatrabaho sa kanya. Kahit nga lahat ng mga ayaw at gusto niya ay alam na alam na ni Winston. Ngumisi siya bago inilapit ang bibig sa tenga nito.
“Bakit, may iri-rekomenda ka bang chix?” Balik tanong niya kay Winston.
“Wala Sir, pero magagawan natin 'yon ng paraan.” tugon nito.
“Great.” Sambit niya bago ibinalik ang atensyon sa instik.
Everything went into a successful deal. Ngayon kaanib na niya ang isa sa mga kinikilalang businessman sa buong China. Mailap ang instik na 'yon at nabibilang lang sa daliri ang mga nakakahuli sa amor ni Mr. Chua at isa na siya do'n. He needs to celebrate dahil sa wakas nai-close niya ang deal na 'yon. Madami siyang naririnig na haka-haka na mahirap nga talaga paamuhin ang instik na 'yon dahil sa mga favor nito but for him tila hindi man lang siya nahirapan.
Kahit pa sabihing may kasunduan sila sa susunod nilang pagkikita hindi man lang siya kinabahan kahit pa isa din siya sa mga mailap pagdating sa mga babae.
It's not that he doesn't want to mingle in any woman. Naririndi lang talaga siya sa mga babae. Ewan, pero siguro dahil nalipasan na siya ng malanding panahon at hindi rin yata nahihipan ng talanding hangin. Or maybe it's because...takot lang talaga siya sa commitment. Hindi siya torpe. Hindi rin dusong at lalong hindi patay ang karisma niya. He just wants peace and focus on his work, that's all.
“Magsisimula na ba ako sa oplan ko, Sir?” Biglang tanong sa kanya ni Winston habang nasa byahe sila. Tahimik siyang naka-upo sa likuran habang naka-tuon ang atensyon sa laptop niya pero nang marinig ang sinabi ni Winston awtomatiko niyang inangat ang paningin as if intiresado talaga siya.
“Bahala ka. You can work on it at may tiwala naman ako sa taste mo. You don't need to bring her to my office at kung pwedi saka mo nalang dalhin kapag may final date na ang meeting namin ni Mr. Chua.” Tugon niya bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya.
“Noted, Sir.” Ganadong sagot sa kanya ni Winston at may pag saludo pang nalalaman. Hindi niya 'yon nakita dahil hindi naman siya nakatingin sa bulto nito. Naiiling nalang siya dahil alam naman niyang gustong-gustong trabaho 'yon ni Winston.
“Siguraduhin mong walang sabit ang mare-recruit mo. Ayaw ko ng sakit sa ulo.” Habol niya.
Bigla namang napatawa ng nakakaloko si Winston.
“Makaka-asa kayo, Sir. Sisiguraduhin kong one hundred percent na malinis, hindi mandungis, walang sabit ang mahahanap kong girl---friend niyo.” Nakangising saad ni Winston na ikina-iling nalang niya.