CHAPTER 4–KUYA

1136 Words
ALEXIE Hanggang sa makarating kami sa isang building ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Sobrang awkward ng nararamdaman ko habang nasa byahe kami ni Sir Sirius kaya nang makarating kami dito sa pinuntahan namin kahit hindi ko pa natutukoy kung saan banda ang banyo ay nagpaalam parin ako para makatakas saglit. Hindi ibigsabihin na tatakas talaga ako. Gusto kong makahinga ng wagas dahil limit na limit lang ang paghinga ko kanina dahil kasama ko ang isang lalaki na alam ko namang walang amor na gustuhing makasama ang isang katulad ko. Hindi na nga ma-drawing ang paghihitsura niya kanina habang nasa byahe kami what more pa kaya kapag nalaman niyang ako talaga ang sinundo niya kanina sa airport na useless lang ika nga. Nag hilamos agad ako ng aking mukha. Ilang beses kong binasa ang pisngi ko hanggang sa maramdaman ko ang kaginhawahan. Mabuti nalang at bawat cubicle ng cr na'to ay may sariling sink. Hi-tech pa lahat ng mga bagay dito kaya kung hindi ako malimit makagamit ng ganitong klaseng cr sa University na pinagpapasukan ko sa Cebu siguradong nakakahiya ako. May limang minuto akong pansamantalang nag kulong sa cr. Maya't-maya kong inaayos ang aking sarili. Segu-segundo ko rin na sinisermonan ang aking sarili dahil sa samu't-saring nararamdaman ko ngayon. Biglang may malakas na kumatok sa labas ng pintuan ng cr na pinasukan ko kaya agad akong na alarma. Bigla akong kinakabahan sa hindi malamang dahilan kaya awtomatiko akong lumabas at binuksan ang pintuan. Namutla ako ng makita ang bulto ni Sir Sirius! Nag tagpo ang mga mata namin pero bigla akong natupok kaya napayuko din agad ako. “Dean called and she was looking for you,” diretso niyang saad. Napakislot pa ako dahil sa baritono niyang boses. “S-Sorry po Sir, m-medyo sumama ang pakiramdam ko—” Nabitin sa ere ang sinasabi ko nang makita kong papalayo na ang kanyang mga paa. Awang ang mga labi ko habang sinusundan ng paningin ko ang papalayo niyang bulto. “Grabe, napaka-walang modo naman!” Mahinang bulong ko habang hindi makapaniwala dahil sa kanyang inasta. Huminga ako ng malalim habang tahimik na naglalakad pabalik sa pinasukan naming opisina kanina. “Lexie!” Napabaling ako sa tumawag sa akin lalo na at pamilyar sa akin ang boses niya. Nakaramdam agad ako ng tuwa ng mapagtantong si Astra ang nakita ko. Dahil do'n binilisan ko ang paglalakad patungo sa kanyang direksyon. “Tumawag ako kanina pero ang sabi ni Kuya naligaw ka daw yata dito sa building niya that's why I came here urgently.” Huminga siya ng malalim. Parang bigla naman akong napahiya dahil sa sinabi sa kanya ni Sir Sirius. “H-hindi naman ako naligaw, Dean. Ahm.. nagka-LBM lang ako kaya natagalan ako sa banyo.” Dahilan ko. Nakita ko siyang tumango-tumango at parang kumbinsido naman. “Gano'n ba.” Sambit niya bago binaybay ng kanyang kamay ang palapulsuhan ko. Bigla siyang humakbang kaya wala akong nagawa kundi magpatianod nalang. Habang sumusunod kay Astra hindi ko mapigilang isipin ang sinabi sa kanya ni Sir Sirius. Sinabi pang naligaw ako! Hindi ko mapigilang mapailing at suminghap nalang ng tahimik dahil sa mga naiisip na dahilan ng lalaking iyon! Pumasok kami ni Astra sa isang magarang opisina. Halos ilaan ko ang paningin ko sa kabuuan ng pinasukan namin dahil sa angking gara ng loob nito. “For now dito ka muna titigil habang may mga inaayos pa sa building ko. Kuya Sirius is my business partner kaya connected parin siya sa everyday well-being mo. He can asked you anytime so, bear with him nalang.” Natameme ako. Mabilis akong napalunok at kasabay no'n ay ang pagtango ko bilang sagot. “M-mag uumpisa na ba ako ngayon?” Astra widen her smile. Parang napahiya pa ako bigla. “No. Sinabi ko lang sa'yo para at least aware ka at the same time maging prepared. Saka nalang kita dadalhin sa magiging office natin kapag okay na ang building.” Imporma niya. “Ah, Sige..” Nahihiya kong tugon bago umupo. Pansamantala niya muna akong iniwanan para kuhanin ang mga files na dapat kong pag-aralan. Parang bigla akong na-excite dahil bukod sa magiging bagong trabaho ko karagdagang kaalaman na din ito para sa akin. Mag i-explore ang kautakan ko sa business world at hari nawa gabayan ako ng mabait na maykapal sa panibagong hinaharap kong trabaho. “Where's, Dean?” Bigla akong napaigtad dahil sa pagsulpot ni Sir Sirius. Mabilis akong tumayo at hinarap ang bulto niyang nakatayo. Nakapamulsa parehas ang magkabila niyang mga kamay. Nakakasilaw siyang tignan kahit wala namang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Hindi ko kayang titigan ang kabuuan niya kaya agad ko rin naibaling ang paningin sa direksyon na pinasukan ni Dean. “M-may kinukuha lang po doon, Sir.” Nauutal kong sagot sa kanya habang nakaturo ang isa kong kamay sa direksyon ni Dean. “Don't call me Sir. You're not my assistant.” Suplado niyang sabi sa akin bago ako nilampasan. Awang ang mga labi ko habang sinusundan ang bulto niyang six footer. “Sorry, Don, Sirius.” Mariing bulong ko dahil sa kayamutan. Bumalik narin ako sa pagkaka-upo kaso hindi paman lumalapat ang puwetan ko sa sofa ay narinig kong nagsalita si Sir Sirius kaya tuwid ulit akong napatayo! “Do I look like a Don for you to call me that way?” Iritado niyang tanong sa akin. Nakakatakot ang hitsura niya kaya kabado kong tinawag ang pitong santo na kilala ko dahil sa katangahan kong ginawa! Hindi ko naman kasi sukat akalain na gano'n pala katalas ang pandinig niya para marinig ang sobrang hina kong imik. Napayuko ako at nag-isip ng maiidahilan. “S-Sorry po..W-wala akong maisip na itawag sa'yo kaya 'yon ang nasabi ko. P-pasensya na po kayo---Kuya.” Napisil ko ng mariin ang daliri ko dahil sa huling salitang dinugtong ko. Dahil sa narinig niyang pagkakasabi ko mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya at tuluyan na siyang humarap sa aking direksyon. Dinala niya sa kanyang batok ang isa niyang kamay at tila pinapahinga muna doon ang nangangalay niyang mga daliri. Kabado akong sumilip sa likuran niya at nagbabasakali na lumabas si Astra kaso mukhang minamalas talaga ako. “Kuya naman ngayon?” Naiiling niyang sabi. “Bagay nga kayo na mag tandem ni Dean, mga sakit kayo sa ulo ko.” Dugtong niyang saad bago ako walang galang na tinalikuran at dumiretso sa pagpasok sa pinasukan ni Dean. Dahil sa tagpong 'yon mariin kong nakagat ang aking ibabang labi habang binabalik sa sofa ang sarili kong lutang. Parang gusto ko nalang tuloy magpalamon sa kinauupan ko at hilingin na sa Cebu nalang ako ibagsak. Mabuti pa do'n dahil sa pag-aaral lang ako naii-stress hindi kagaya dito na makita ko lang si Sir Sirius ay parang buong araw na manlalagas ang mga buhok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD