bc

Scarlett (Tagalog)

book_age18+
131
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
curse
drama
bxg
betrayal
cheating
lies
school
like
intro-logo
Blurb

Scarlett Fernandez's life wasn't easy like the other teenagers with the same age as her. She live alone and doesn't want to be involved to anyone. She's just a nobody in her school, she has no friends. All she had was herself. She doesn't mind as long as she's alive and okay. However, Everything changes the moment she met the guy named "Gift".

chap-preview
Free preview
Scarlett. One
1. "Cumin Spiced Chicken Meatballs and Pasta e Fagioli, Table 6!" sigaw ng Chef namin dito sa Amore's Italian Restaurant. Kaagad ko itong kinuha at dinala sa table 6. The sounds of utensils, murmurs and music echoes all over the restaurant. Sa bawat hakbang ay maingat kong inilalapat ang paa ko sapagkat mas mahal pa ang hawak ko kaysa sa sasahurin ko rito ngayong gabi. "Here's your order Ma'am Sir. Cumin Spiced Chicken Meatballs and Pasta e Fagioli. Do you want anything else Ma'am Sir?" I politely asked. "Nothing else" wika ng lalaki. Siguro ay mag-asawa sila. Narinig ko kasing tinawag niya itong hubby, so I assumed mag-asawa sila. Pero malay natin yung iba nga wifey at hubby tawagan kahit kabit. "Okay Ma'am and Sir. Enjoy your meal." nakingiting saad ko pa saka ako ulamis dala ang ibang plato na pinagkainan nila. Dinala ko sa dishwashing area ang mga plato. Dito sa kitchen area talaga ang pinaka mahirap na trabaho. Sandamakmak na plato at kaldero ang nasa lababo kaya kapag ako ang nakatoka sa kitchen area alam ko na agad na pagod akong uuwi. Pa-end na ang shift ko kaya nagpaalam muna ako sa manager namin para sigurado dahil malilintikan talaga ako pag umalis nang hindi nagpapaalam. Kagaya nalamang ng katrabaho ko noong nakaraang buwan, umalis siyang hindi nag papaalam wala tuloy siyang sinahod ng araw na yun dahil akala ng manager ay tumakas pero mas okay na rin ata yun kesa sa sesantihin siya. Pagkatapos ko mag paalam ay nagbihis muna ako dahil nangangamoy spaghetti ako, paano ba naman natapon sakin yung sauce noong nilagay ko sa trash bin yung mga tirang orders. Ang hirap pa naman maglaba. Pag labas ko ay alas 12 na ng madaling araw pero ang dami pa ring mga tao sa labas. Most of them pa ay mga nasa 20's. Kung sabagay club nga pala ang kalapit ng restaurant kaya marami pa ring costumer. Maliwanag dito dahil may mga ilaw sa poste pero sa ibang gawi ay wala kaya mahirap maglakad roon dahil baka may nagtatago at naghihintay lamang ng bibiktimahin. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapatingala. Kusang sumilay ang mga ngiti sa labi ko habang pinag-mamasdan ang nagbibigay liwanag sa dilim. Ewan ko ba. Sa tuwing nasa labas ako at kapag gabi na, laging hinahanap ng mga mata ko ang buwan. Simula pagkabata ay ganun na ang nakagawian ko. Noon ay akala ko sinusundan ako nito. Sinumbong ko pa noon kay mama ngunit tinawanan lamang niya ako at sinabing binabantayan ako nito. Aminin niyo, akala niyo rin noong bata kayo sinusundan kayo ng buwan kahit anong takbo niya ay nililingon niyo pa ito para makasigurado. Pero nakakamiss maging bata. Yung tipong tamang laro ka lang sa kalye, tagu-taguan hanggang sa magdilim pero hindi ka pa rin nahahanap kasi umuwi na pala yung taya. "Ahhhh!" 0_0 Natigilan ako sa pag muni-muni at napalingon sa madilim na bahagi ng eskenita malapit sa parking area ng club ng may marinig akong parang ungol? Ayokong madamay sa kung ano man dahil sobrang hirap na ng buhay ko ayoko ng dagdagan ang paghihirap ko. Nagpatay malisya nalamang ako at tuloy-tuloy sa pag lalakad, ang malas pa dahil doon ang daraanan ko para makauwi. May eskinita kasi doon at kahit madilim ay tinatahak ko dahil yun ang short cut pauwi sa apartment na tinitirahan ko. Kung ano mang ginagawa nila sana natapos na sila. Gusto ko lang umuwi at magpahinga dahil may pasok pa ako bukas. Napabuntong hininga nalamang ako. Dalawang metro ang layo ko ng makitang paalis ang dalawang lalaking galing sa dilim at nagtungo sa club. Teka..... LALAKI!!!? 0_0 Grabe..... I mean wala namang kaso sakin yung ganun pero sana sa alam niyo yun sa disenteng lugar sana yung walang makakarinig at makakakita. Napabuntong hininga nalang ulit ako. Ang swerte nila dahil hindi na nila kailangang mag trabaho para lang mabuhay at para may pangkain araw-araw. But it wasn't their fault nor their parents. Someone told me that life is unfair but for me life is still fair. Knowing that everyone's struggling in life but in different things. That's enough for me. No ones life is perfect after all. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong may parang hirap na naglalakad sa b****a nang eskinita. Bahagya ko pa itong inaninag habang palapit ako ng palapit. Hindi naman ako matatakutin kailangan ko lang makasigurado na tao yun at hindi hayop. Mali pala ang hinala ko kanina. Napakarumi ng isip Scarlett nako. Akala ko kasi ay ungol yun mukhang daing dahil sa sakit. "f**k!" Sa boses palang ay malalaman mo na lalaki ito. Pilit siyang naglalakad at sinusubukang tumayo ng maayos. At least hindi pa siya patay. Dalawa lang naman sila? Hindi ba siya marunong lumaban? I didn't bother to looked at him and just walk. Nang makalapit ako ay diretsyo ang tingin hanggang sa malagpasan ko siya. Pero ilang hakbang palamang ay narinig kong tinawag niya ako. "M-miss! F-f**k!" Sa halip na lingunin ay nagbingibingihan ako. "M-miss!! f*****g help me!!" Ayoko nga. Sa halip na tumigil at tulungan siya ay binilasan ko pa lalo ang paglalakad. "Miss!! I w-will f*****g pay you!!" Pay daw. Agad akong bumalik para tulungan siya. Wala akong pake kung satingin niya ay muka akong pera. Totoo naman. Kailangan ko yun dahil gipit ako. Sana lang tuparin niya. Dahil na rin siguro sa dilim ay hindi ko makita ang kabuoang mukha niya at sitwasyon niya. Pagkalapit ko ay amoy ko na agad ang alak mula sa kaniya. Nakasandal siya sa pader kaya kailangan ko siyang alalayan para makatayo ng maayos. Hinawakan ko ang kanang kamay niya para suportahan siyang maglakad gamit ang buong lakas ko. Sa bawat galaw niya ay siya ring mura at inda ang lumalabas sa bunganga niya. Wala naman siguro siyang saksak nakakatayo pa naman siya at nakaka pagmura kaya siguradong walang saksak. Napakabigat naman ng letse. Halata sa braso na nagwowork out pero hindi naman alam lumaban hatdog na yan. Tuluyan siyang nakatayo ay nagsimula ko siyang igawi papunta sa club para sana humingi ng tulong sa mga bouncer dahil mas matutulungan siya dun ngunit agad siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. "N-not in the c-club" "Saan?" simpleng tanong ko dahil hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa ospital dahil wala akong pera pang taxi. Paika-ika siya maglakad kaya nagtataka ako. Bahagya rin siyang nakahawak sa tiyan niya gamit ang kaliwang kamay niya. Ewan ko ba kung lasing lang ba talaga siya o may pilay siya. Walwal pa more. "I-I have m-my car somewhere in p-parking l-lot." Hinayaan ko siyang ituro ang daan hanggang sa makalapit kami sa itim na sasakyan. Bahagya ko siyang binitawan ng sumandal siya sa sasakyan niya. Napatingin ako sa muka niya at bahagyang nabigla dahil nagdurugo pala ang kanang bahagi ng ulo niya at may putok ang labi. Halata sa malalim na paghinga niya ang hirap at pagod. Halos matakpan din ng itim na buhok niya ang kaniyang mga mata. Matangos ang ilong at mapulang labi. Naall kissable lips. Dalawa lang ang nasisiguro ko. Mayaman siya at mayaman siya. Gusto ko sanang itanong kung bakit parang nakawawa siya ng dalawang tao lang, mukha naman siyang marunong makipagbasag-ulo. Pero wag nalang baka sabihin pakealamera ako. "Give me your number." Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Iniabot niya sakin yung phone niya. Napatingin siya sakin ng hindi ko ito kunin, napansin niya ang expression ng mukhang ko kaya bahagya siyang natawa at bahagyang napadaing. Gwapo naman tumawa. Sana all. "So I can send the f*****g money. That's what you want right?" nakangising saad niya. At syempre bawal tumanggi sa grasya kaya naman ibinigay ko ang number ko. Akala ko kasi cash ang ibibigay niya. Halatang yayamanin dahil mukhang mamahalin ang cellphone niya. Kotse palang ay mahal na isama mo pa ang English niya. May accent. Sana all may accent. Hindi ko na dapat siya pakekealam dahil natulungan ko naman na siya pero sa lagay niya ay mukhang hindi siya makakapag drive. "Kaya mo na ba dito?" I asked. He looked at me. "May kilala ka ba na nasa loob ng club?" "Why?" tanong niya. "Anong why?" "You don't want to f*****g help me minutes ago and now you f*****g asking--" "Okay bye." Madali lang naman ako kausap. Kung ayaw. Ayaw. Hindi ko naman problema kung hindi niya kayang mag drive. Bakit pa kasi ako nagtanong. Tsk. "Wait!" nakakatatlong hakbang palang ako ng bigla siyang magsalita. Kita mo toh. Aarte pa kasi eh. "Ano?" tanong ko at lumilingon sakaniya. "Will you able to go inside the club?" he asked. Lumapit ulit ako sakaniya. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. "Tawagan mo nalang. Wala ka bang load?" "I won't f*****g asked you to go inside if I have. Unless you have." sarcastic na sabi niya Umiling ako. Kung may load lang ako ay mag vovolunteer pa akong tawagan nalang namin. Ang ganda-ganda ng phone mo pero walang load. Tapon mo na. "So anong gusto mong gawin ko?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You can go inside but looking at you now? They won't f*****g let you in." bakas sa mukha niya ang disgusts. "Wag ka ngang magmura." inis na sabi ko. Ibinaba ko ang dala kong bag pack sa taas ng kotse niya. Pinagmasdan ko ang itsura ko sa window ng kotse niya at napaisip ng pwedeng paraan para mapapasok ako. Inayos ko ang damit ko para maging hapit at itinali sa likod. Since polo shirt ang suot ko ay ini-unbotton ko hangang sa pangatlong butones at inayos para open. Inalis ko ang pag kakatali ng buhok ko at medyo sinuklay gamit ang kamay. Pagkatapos ay nanalamin ulit ako sa sasakyan niya para makita ang itsura ko. Mukha akong naka polo croptop na fitted. Kita ang pusod dahil low waist lang naman ang suot kong pants. "Pwede na ba 'to?" tanong ko sakaniya habang tinitignan ang itsura ko. Nilingon ko siya ng wala akong makuhang sagot. Nakatingin lang naman siya sakin. "Hoy, Pwede na ba toh?" He nod. "Sino ang hahanapin ko?" tanong ko. "There's a bartender named Leo. Ask for Nathan tell him that I'm looking for him." "Paano pag akala niya ay pinagtritripan ko lang siya?" mahirap na. Baka mapahamak pa ako. "Tell them Crystal Blue Code 9." Tinignan ko siya baka kasi ay siya ang nantritrip sakin pero nakatingin lang din siya sakin at mukha naman siyang hindi nagbibiro kaya tumango nalang ako. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako sa pag hawakan niya sa kamay ko. "If he don't want to come out, you comeback here." nakatingin siya sa mga mata ko. He looked hesitate to let me go but he still did. I nod. Diretsyo akong pumasok sa club at hindi naman ako hinarang ng mga bouncer. Mukhang in naman ang suot ko para sakanila. Pagpasok ko ay rinig agad ang tugtugan at hiyawan. Sa b****a palang ng club ay amoy na ang sigarilyo. Hindi na masyadong makita ang daan dahil sa usok kaya kailangan ko pang paypayan ang daraanan ko. Tuluyan akong makapasok at lalong mas lumakas ang hiyawan at tugtugan. May ilan pang nagmamake-out sa gilid. Nakakadiri. Inilibot ko ang tingin ko hangang sa nakita ko ang lalaking naghahalo-halo ng inumin. Hindi pa ako nakakalapit ng may humarang sa daraanan ko kaya gumilid ako ngunit para lang kaming nagpapatentero kaya tumigil ako at ganun din siya. Isang mapungay ang mga mata at halatang lasing na ang lalaking nasa harapan ko. Nang hindi siya gumalaw ay dun ako umalis sa harap niya. Napatingin sakin ang bartender ng makalapit ako. Ngumiti siya at nagpaalam sa kausap niya kanina habang naghahalo ng inumin. Tinignan ko ang name plate niya. Gabo Tumapat siya sakin at tinanong kung anong gusto kong inumin. "What's your drink Miss beautiful?" nakangiting tanong niya. Mukha ba akong beautiful? Makabenta lang eh. "Nasaan si Leo?" Tinignan niya lang ako na parang bang tinatanya kung tatawagin niya si Leo o hindi. Kinalaunan ay tumango-tango siya habang tumatawa. Sana all happy. "Sige sandali lang at tatawagin ko siya." Bago siya umalis ay may tinawag siyang papalit sakaniya para mag bantay ng mga inumin. Kung sabagay baka bigla nalang may kumuha ng alak sa counter. Ang mahal pa naman. Pinagmasdan ko ang ilang nagsasayawan sa dance floor. Halatang mga lasing na. Ang ilan ay nagtatawanan habang sumasayaw. May mga nag twe-twerk at gumigiling. Napalingon ako sa babaeng nakaupo hindi kalayuan sakin. Pinag-seserve siya ng bartender na pumalit kay Gabo. Nakatulala ito, napakalalim ng iniisip. Lumingon siya sa gawi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Chismosa ka kasi Scarlett. Ikakapahamak mo ang pagtingin-tingin sa iba. Ilang saglit pa nga ay bumalik na si Gabo kasama ang isang lalaking kulay brown ang buhok mukha siyang may ibang lahi dahil hindi siya mukhang pinoy. Mas mukha siyang foreigner. Itinuro pa ako ni Gabo kaya lumapit sakin ang lalaking mukhang foreigner. "Looking for me?" tanong niya. Tinignan ko muna ang name plate niya para makasigurado at mukhang siya na nga dahil Leonard ang nakalagay. Bahagya akong tumango. "Hinahanap ko kasi si Nathan, ang sabi ay sayo ko raw itanong." Sinuri niya ako. "May I know who are first?" Napabuntong hininga nalang ako. Kahit sino naman tatanungin muna kung sino sila bago ipaalam sa amo pero sa lagay ko ngayon ay hindi naman talaga ako ang may kailangan sakanila. "Crystal Blue Code 9." Sumeryoso ang mukha niya matapos marinig ang mga sinabi ko. "Wait here." Umalis siya at pumasok sa pinaglabasan nila kanina ni Gabo. Wala pang dalawang minuto ay lumabas na si Leo kasama ang lalaking kulay blue ang buhok. Parehong seryoso ang mukha nila habang nag-uusap. Mukhang walang tulog ang isa dahil sa itim ng eyebugs. Nang makalapit ay agad akong sinabi na nasa labas siya. Wala akong sinabing specific na name dahil nakalimutan kong itanong ang pangalan ni kissable lips. Sa dami ng pwedeng kalimutan yung humingi pa ng tulong. Sinundan niya lang ako hangang makalabas kami sa parking lot. Pagkarating namin sa roon ay masamang tingin agad ang ipinukaw ni kissable lips sakin. "What took you so f*****g long?" Imbes na sagutin ay si Nathan ang lumapit at kumausap sakaniya. "What happened?" Kinuha ko ang gamit sa ibabaw ng sasakyan at nilingon sila pareho. "Aalis na ako." pag-papaalam ko sakanila. "Thanks for helping him." sabi ni Nathan. May bayad yun. Tumango nalang ako. Hindi naman nagsalita si kissable lips kaya hinayaan ko nalang sila. I just gave them a last glance and leave dahil kailangan ko na ring umuwi. Bahala na rin sila. Tinulungan ko naman na siya at may mag-uuwi naman na kay kissable lips kaya hindi ko na kailangang makonsensya. Malas niya lang pag hindi siya tulungang umuwi nung Lance. Pero mukha namang mabait si Lance. Hindi na rin ako umasang ihahatid nila ako. Baka singilin pa nila ako wala akong pambayad. Pagkarating ko sa apartment ay nag laba muna ako ng uniform sa trabaho dahil kailangan ko yung ko bukas. Alas 7 ng gabi hanggang 12 ng madaling araw ang shift ko kaya wala rin akong time bukas para labhan lalo at simula na ng klase ko 7:30am to 4:00pm at ang trabaho ko sa isang coffee shop ay 4:30pm to 6:30pm. After mag laba ay nag hugas lamang ako ng katawan at natulog na. Kinabukasan.... 5:30 am ko sinet ang alarm ko pero 5 palang ay gising na ako. Body clock ko talaga ang 5 dahil sa mga past works ko. Kailangan kong magluto ng sarili kong agahan. Hindi ako kagaya ng ibang estudyante na may tagaluto ng almusal kaya late gumising. Kailangan ko ring kumain ng agahan para hindi ko na kailangan mag lunch sa eskwelahan dahil sobrang mahal ng bilihin dun. Double ang presyo ng bilihin sa eskwelahan samantalang pareho lang ang lasa ng nasa labas at nasa school. May maibulsa lang eh. Tsk. Tsk. Tsk. Hindi na rin ako nagbabaon para mas tipid pambayad ko rin sa upa yun tsaka para na rin makapagbasa ako sa library. Pagkatapos ko mag-agahan ay napansin kong masyado pang maaga pero mas okay na rin yun para konti lang ang kasabayan kong pumasok sa eskwelahan. Naglalakad lang ako papunta ng school dahil sayang pamasahe pambili ko na yun ng ulam. Malapit lang din naman tsaka exercise na rin para healthy. Oh diba two bird in one stone. Bahagya kong sinuot ang earphone ko at nagplay ng random music. Kita kong may ilang estudyante ring naglalakad papunta ng school. Ang ilan ay katulad kong mag-isa at ang ilan ay may kasama at naghaharutan. Napapaisip nalang talaga ako minsan. Paano nila nagagawang makipagtawanan sa taong sinisiraan nila kapag nakatalikod? Paano nila nasisikmurang makipag plastikan? Nakakakonsensiya kaya kapag alam mong mabait sayo yung tao tapos sinisiraan mo lang. Empyerno bagsak mo mare. Hindi ko namalayan ay nasa tapat na pala ako ng gate ng school. Huminto ako at bahagyang pinag masdan ang pangalan ng school. Smith University Pang-anim na taon ko na rito ngayong taon, hindi ko maiwasang matanong. Kung hindi kaya ako dito pumasok mag babago kaya ang takbo ng buhay ko? Kusa akong natawa sa sariling tanong. Dahil kahit saang lugar pa man ako. Iisa lang ang kapalaran ko. Kahit saang lugar at panahon pa. Yun ay ang wala akong ibang makakasama kundi ang sarili ko. Papasok na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. Unknown calling...... Papatayin ko sana kaso baka tungkol sa trabaho kaya sinagot ko. "Hello, Good Morning." Ilang segundo pa ay walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello?" pag-uulit ko. Wala ulit sumagot. Papatayin ko na sana ng biglang may nagsalita mula sa kabilang linya. "Found you." Bahagya akong nagtaka dahil hindi ko naman kilala kahit ang boses ay hindi pamilyar. "Who---" bago pa matapos ay bigla nalang akong binabaan. Napaka-bastos naman. -.- Napatingin ako sa screen ng phone ko akmang magpliplay ako ng music ng may magsalita sa mula sa likuran ko. "Found you." Napalingon ako dahil yun din ang sinabi sakin kanina ng nasa kabilang linya. Pero laking gulat ko ng isang lalaking may benda ang noo, may mga gasgas ang ilang bahagi ng mukha at ang labing niyang mapula kahit may putok sa gilid ang nakita. Nakasalubong ko ang kaniyang mga matang parang walang kabuhay-buhay. It's him. The guy last night. Mr. Kissable Lips. "Finally found you, wife." -------------------------- Please support huhuhuhu thank youuuu -gymrs

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook