Chapter 5

1551 Words
Medyo nalate si Aya sa kanyang klase, nagsusulat na ang mga kaklase niya nang dumating siya sa classroom. Napatingin naman sa kanya ang teacher niya na nagsusulat sa whiteboard. "I'm sorry Maam, I'm late." marahan na wika niya sa Teacher niya. At dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang upuan. Nakita niyang, andun na si Hiro at nagsusulat. Nagkatinginan naman sila ni Hiro, pero agad na nagbawi ng tingin si Hiro at patuloy na nagsulat. Umupo na si Aya sa kanyang upuan at nilabas ang kanyang notebook at ballpen. Pagkatapos ay nagsimula narin siyang magsulat. Natapos na ang kanilang klase. Agad na iniligpit ni Aya ang mga gamit niya at tumayo na palabas ng room. Habang naglalakad ay bigla siyang hinila ni Hiro sa braso at dinala sa may sulok. "Saan ka pupunta ha?" tanong ni Hiro. "Ehdi, uuwi na!" sagot naman ni Aya. "Ah, uuwi. Pwes, 'di ka pa pwede umuwi." sabay hila ni Hiro sa kamay niya. "Teka, kailangan ko ng umuwi, may emergency sa amin, kaya kailangan ko na talaga umuwi ngayon." pagsisinungaling ni Aya. "Ah ganun ba? Ehdi ihatid na kita!" wika ni Hiro. "Ha? Hindi na, sige bukas na lang." sabay takbo ni Aya. "Aya!" sigaw ni Hiro, pero hindi na naituloy ni Hiro ang sasabihin dahil malayo na kaagad si Aya. "Hmmp! Bukas lagot ka sakin!" wika ni Hiro sa sarili. "Bro!" sigaw ng kaibigan niyang si Tom. Tumingin siya dito at lumapit sa kanya ang kaibigan, at niyaya na siyang umuwi! Si Aya naman ay nagmamadaling umuwi at nakipag unahan na makasakay. Palinga-linga pa siya, dahil baka hinabol siya ni Hiro. Pero wala ito, tsaka lamang siya naka hinga ng malalim. Pagdating sa kanilang bahay, ay dumeretso siya sa kanyang kwarto at nahiga ng padapa sa kama. Naimagine niya ang mga nangyare kaninang tanghali. Parang damang-dama pa rin niya ang mga halik ni Hiro. Gayun din ang pag hawak nito sa mga dibdib niya, nararamdaman pa rin niya ang init ng kamay ni Hiro. "Grrr! Ano bang gagawin ko, para matigil na 'to?" Nag isip si Aya ng mabuti, mga paraan para makabayad kay Hiro. Paano kaya kung mangutang ako? Pero ang laki naman kasi. Wala din akong pambayad. Ipaayos ko na lang kaya yun laptop niya, baka mas mura kapag pinaayos ko. Kaso wala naman akong pera. Teka, maghanap kaya ako ng work. Tama, magtatanong- tanong ako sa mga kakilala ko. Samantala, sa bahay nila Hiro. Si Hiro ay hindi makatulog, habang nakahiga sa malambot niyang kama. Paikot-ikot siya sa higaan, 'di niya alam kung anong pwesto ang gagawin para makatulog. Kapag pumipikit siya ay naaalala niya ang eksenang iyon kanina, ' yun hinahalikan niya si Aya. "Tsk! Bakit 'di siya mawala sa isip ko?" wika ni Hiro, habang nakatakip ang unan sa kanyang ulo. Kinabukasan, ay agad na nagtanong-tanong si Aya sa mga kakilala niya na pwedeng mapapasukan na trabaho, subalit wala pa rin siyang makita. Pagpasok niya sa school ay nandun na ang iba nilang kaklase. Ngunit napansin niyang wala pa si Hiro sa upuan nito, kaya naman dali-dali na siyang umupo sa kanyang upuan. ' Hmm, bakit kaya wala pa yun Devil? ' wika ni Aya sa sarili. Maya-maya pa ay nagring na ang bell, kaya nag simula na ang klase. Nakapasok na ang lahat pati ang Teacher nila, tsaka lang dumating si Hiro. Nagtama ang kanilang paningin dalawa, matalim ang tingin nito sa kanya. Agad namang yumuko si Aya. Nagtaka naman ang mga kaklase nila kung bakit nalate ito, dahil di naman nalalate si Hiro sa klase. Kaya naman nagbulungan ang mga ito. Padabog na umupo si Hiro sa kanyang upuan, at tumingin ulit ng masama kay Aya. Tumingin naman kaagad si Aya sa whiteboard, para di magtama ang kanilang mga mata. ' s**t! Bakit kasi inisip ko ng inisip, itong stupid girl na'to! 'Di tuloy ako nakatulog! Tsk! ' wika ni Hiro sa sarili. Nang kalagitnaan na ng klase ay napansin ni Aya na nakayuko at natutulog na si Hiro. Hanggang sa matapos na ang klase. Gusto niyang tanungin ito, kung magkano magpagawa ng laptop nito na nasira. Kaya naman ng lakas loob si Aya na lumapit kay Hiro. Luminga-linga muna si Aya sa loob ng classroom, wala na ang mga kaklase nila. Dahan-dahan siyang lumapit kay Hiro. "Ah, Hiro. Hiro..." dahan-dahan niyang inuga ang braso ni Hiro para magising. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Bigla naman siyang kinabahan, ng magkatitigan sila ni Hiro. Mapupungay ang mga mata nito, na tila ba nagnining-ning sa sinag ng araw. Mahahaba din ang pilik-mata nito na lalong nakakaakit tingnan. Huminga muna ng malalim si Aya, bago ito nagsalita. "Ah, itatanong ko lang kung, magkano kaya aabutin kung ipaayos 'yun laptop mo?" tanong ni Aya. "Anong sinasabi mo?" umangat ang ulo ni Hiro at nakatitig sa kanya. "Kasi baka pwede pang mapaayos yun, para -"  "Hindi na maayos yun! Kailangan na ng bago!" putol ni Hiro sa kanyang sasabihin. "Ah ganun ba?" wika ni Aya. "At tska, bakit mo tinatanong? Kahit mabayaran mo ko o mapalitan mo 'yun, hindi ko na tatanggapin!" wika ni Hiro. "Ha? Bakit naman?" nagulat na tanong ni Aya. "Dahil tapos na 'yun usapan natin na magbabayad ka. Nung araw ding 'yun! Kaya kahit ano pang gawin mo, hindi ko na tatanggapin. Dahil may usapan na tayo, naiintindihan mo?"  Pagkawika ay, tumayo na si Hiro at umalis. Napabuntong hininga na lang si Aya, wala na siyang pag-asa na makawala kay Hiro. Nanlumo siya at nalungkot, wala na palang ibang solusyon, kahit makahanap siya ng work, hindi na tatanggapin ni Hiro ang bayad niya. Pagkatapos ng klase ay nakatanggap si Aya ng text. "Stupid girl, dalhin mo 'yun bag ko sa rooftop. Now na!" Isang text ang nareceived ni Aya habang naglalakad siya sa may kuridor. "Si Devil, hmmp!" Agad siyang bumalik sa room niya para kuhain dun ang bag na naiwan ni Hiro. "Hay, ang Devil na yun! Iniwan-iwan pa 'yun bag niya." wika niya sa sarili. Nagtaka naman ang iba niyang kaklase na nakatambay pa doon, dahil dinala niya ang bag ni Hiro. Hindi lang niya ito pinansin. Nagmadali siyang umakyat ng hagdanan. Pagbukas ng pinto ng rooftop ay nakita niyang wala naman doon katao-tao. Nagtext siya kay Hiro. "Asaan ka? Andito na ako sa rooftop."  tanong ni Aya sa text. "Andito na ako sa Science building, 2nd floor! Ang tagal mo kasi eh!" reply ni Hiro. "Ah, ok." sagot naman ni Aya. At nagmadali ulit siyang bumaba. Si Hiro naman ay napapangisi habang hinihintay si Aya. Napansin iyon ng kaibigan niyang si Tom. "Oh pre, goodmood ka ata ngayon ah!" wika nito. Ngiti lang ang sinagot ni Hiro. "Iba ang ngiti mo ngayon ah. Bakit ba ha?" usisa nito. "Haha, basta, malalaman mo din! I'm playing with the cat! hahaha!" masayang sagot nito. "Ah talaga? haha!" nakitawa na lang din ito. Samantalang, habang bumababa si Aya naisip niya. "Teka, sa kabilang building pa 'yun ah. Hayst, ang layo pa nun, kakainis talaga yun!" dabog ni Aya sa sarili. Maya-maya pa ay nagtext ulit si Hiro sa kanya. "Ang tagal mo! Saan ka na?" text ni Hiro. Nang mabasa ni Aya lalo siyang nainis. Dahil ang layo pa ng lalakarin niya at aakyat pa sa 2nd floor! Teka alam ba niya kung gaano kalayo yun? Galing ako sa rooftop, from 4th floor tapos papapuntahin niya pa ako sa kabilang building! Grrr! Kahit galit ay nagreply pa rin siya. "Sandali lang po Master, ito na naglalakad na, malapit na po." reply ni Aya. "Bilisan mo, within 2 minutes dapat nandito ka na!" text ulit ni Hiro. "Ha, 2 minutes? Kahit 5 minutes pa, hindi ko kayang makarating dyan noh!" reply ni Aya. "Basta bilisan mo! Kung hindi, lagot ka sakin!" text ni Hiro. Hindi na nagreply pa si Aya, tumakbo na siya ng tumakbo! Kailangan niyang bilisan, baka kung ano na naman ang gawin sa kanya ni Hiro kapag nagalit ito. Hinihingal na umakyat siya sa hagdan. Sa sobrang pagmamadali, sumobra pa siya ng hagdan, pa 3rd floor na ng marealized niya kaya bumaba ulit siya, pero dahil sa pagmamadali, bigla siyang nadapa. "Aaaaahhh...!" sigaw ni Aya, habang bamagsak siya padapa sa sahig. Nakita naman iyon ni Hiro at tawa ng tawa ito, sa pagkakadapa ni Aya. "Araaaayyyy!" wika ni Aya, habang nakadapa. Samantala, naisip ni Hiro na umupo sa likod ni Aya, habang nakadapa ito sa sahig. "Oops! Stupid girl talaga! hahaha." wika ni Hiro. "Arrgh. Umalis ka nga diyan! Tatayo ako!" angil ni Aya, habang nabibigatan siya sa pag-upo ni Hiro sa likod niya. "Wait lang, inaayos ko pa 'tong sapatos ko eh." pang-aasar ni Hiro, habang ngumingiti. Samantala, nagsitinginan naman ang mga estudyante sa nangyari kay Aya. "Ano ba, umalis ka na! Ang dami ng nakatingin oh!" gigil na wika ni Aya. Napansin iyon ni Hiro at nagpasya na siyang tumayo. "Anong tinitingin-tingin nyo?!" angas na tanong ni Hiro sa mga nag-uusisa na mga estudyante. Agad namang nag-sialisan ang mga ito. Lumapit naman kay Hiro ang kaibigan niyang si Tom. "Ayan ba yun ' Cat ' na sinasabi mo?" tanong ni Tom habang nakapamulsa sa kanyang pantalon. "Yup! haha." at kumindat si Hiro. Samantalang dahan-dahan namang bumangon si Aya. Umupo muna siya, dahil ang sakit ng mga tuhod niya, mangiyak-ngiyak siya sa sakit. Nagkagasgas ang mga ito at pati sa kanang siko niya. Nakita naman ito nila Hiro na dumudugo ang siko ni Aya. Lalapit sana si Tom kay Aya, pero pinigil siya ni Hiro at ito ang lumapit kay Aya. "Hay, idiot! Nagkasugat ka tuloy!" wika ni Hiro habang umupo sa tapat ni Aya. Inisnaban naman ni Aya si Hiro, habang nakatingin ito sa kanya. Kinuha ni Hiro sa bulsa ang panyo niya at itinali iyon sa nagdurugong braso ni Aya. "Huhh! " Nagulat naman si Aya sa ginawang iyon ni Hiro. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Hiro. May pakialam din pala ito sa kanya, sa isip-isip niya. Dahan-dahan siyang inilalayan ni Hiro para tumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD