Chapter 6

1064 Words
Lumapit si Tom sa kanila, at nagtanong. "Pre, baka gusto mong ipakilala ang cat mo?" wika ni Tom. Lumapit si Hiro kay Aya at iyinakap nito ang kamay sa balikat ni Aya mula sa likod at nagsabing... "This is Aya. My girlfriend!" wika ni Hiro. ' You are the first one!' bulong ni Hiro sa taenga ni Aya. Nagulat si Aya sa pagyakap ni Hiro at sa sinabi nitong - "My girlfriend". "Ha? Hind..." pero 'di na natuloy ang sasabihin ni Aya... Dahil agad siyang hinalikan ni Hiro, kahit sa harap pa ni Tom. Agad naman niyang itinulak si Hiro. Wala nang masabi si Aya, 'di niya alam kung anong sasabihin. Hiyang-hiya siya dahil hinalikan siya ni Hiro sa harap ng ibang tao. "Nice one! Goodluck! Sa wakas nag kagirlfriend ka na din!" masayang wika ni Tom sabay hampas sa balikat ni Hiro. "Yeah!" ngising sagot naman ni Hiro sa kanya. "Let's go!" yaya ni Tom. Sumunod naman si Hiro at hinawakan niya ang mga kamay ni Aya. Ikinagulat naman iyon ni Aya. Sa unang pagkakataon ay hinawakan siya ni Hiro sa kamay at sabay pa silang naglalakad nito. "Ano ba?" tutol ni Aya kay Hiro para bitawan siya nito. Pero tiningnan lang siya nito ng masama. Lalo pa nitong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. Napansin naman niyang, nagtitinginan ang mga estudyante sa kanila at nagbubulungan ang mga ito. Alam niyang sikat si Hiro at 'Campus Crush' ito, kaya naman maraming nakakakilala dito lalo pa ang mga girls ng school. Sobrang kaba ang nadarama ni Aya habang hawak-hawak ni Hiro ang mga kamay niya, napayuko na lang siya habang naglalakad. Napansin pa niyang ang iba doon ay sumusunod sakanila. Habang naglalakad sila ay may grupo ng kababaihan na humarang sa kanila. Hindi nakatiis at nagtanong ito. "Hi, Hiro! Ah, sino siya?" tanong ng babae kay Hiro. Tiningnan si Aya mula ulo hanggang paa, na sinusukat kung gaano ba siya kaganda! Hindi naman sumagot si Hiro. "Tsk! Get lost!" wika ni Hiro Tiningnan lang ng masama ni Hiro ang babaeng nagtanong, at tsaka nag patuloy sa paglalakad. Maganda ang babaeng 'yun, pero hindi pinansin ni Hiro. Patuloy lang silang naglakad at paminsan-minsan ay nagkwekwentuhan sila ni Tom, habang naglalakad. Si Aya naman ay tahimik lang at nakayuko lang. Lahat ng madaanan nila ay nagbubulungan, ang iba pa ay pinipicturan sila, habang naglalakad. "Si Hiro, teka sino yun kasama ni Hiro?" wika ng mga ito. "Sino siya?" tanong ng karamihan. Naisip-isip na ni Aya ang maaring maging problema. Natatakot siya na baka ibully siya ng mga ito. Lalo na, hindi naman siya sikat sa school nila, simpleng mag-aaral lang siya. Lalo na hindi naman siya kagandahan tulad ng iba. Dali-dali niyang kinuha ang notebook niya at itinakip sa mukha niya. "Waaa...paano na 'to? Bakit kasi sinabi ng Devil na'to, na girlfriend nya ako! Tsk! nakakainis talaga!" wika ni Aya sa sarili. "Oh sige pre, bukas na lang ulit!" paalam ni Tom. "Sige pre, ingat!" wika ni Hiro. "Bye Aya!" paalam nito, habang nakangiti sa kanya. "Bye!" tipid naman na tugon ni Aya. At lumakad na papalayo si Tom. Pagkaalis ni Tom ay nagtanong si Hiro sa kanya. "Saan ba bahay nyo? Ihahatid na kita!" tanong ni Hiro. "Ha? Hindi na." sagot ni Aya. "Saan nga?" inis na tanong ulit ni Hiro. "Ah malayo, sasakay pa ng tren." sagot ni Aya. Pagkatapos ay hinila na ulit siya ni Hiro patungo sa istasyon ng tren. Pagkarating sa istasyon ay agad silang sumakay. "Teka, bakit mo pa ba ako ihahatid? Kaya ko naman umuwi mag-isa!" tanong ni Aya. "Wala, gusto ko lang malaman kung saan ka nakatira. May problema ba dun?" tugon ni Hiro. "Oo, baka pagalitan ako kapag makitang may kasama akong lalake. Tsaka bawal pa ko magboyfriend." wika ni Aya. Tinitigan lang naman siya ni Hiro at huminga ito ng malalim. "Tsaka, bakit mo sinabing girlfriend mo ko?" tanong ni Aya. "Bakit ayaw mo ba?" tanong ni Hiro, habang mariin na nakatitig kay Aya. "Ah eh, kasi..." kinakabahan naman si Aya sa titig ni Hiro, na parang nag babadya ito, na meron gagawin kapag di na gustuhan ang sagot niya. "Hindi naman sa ganun... 'Di pa kasi ako pwede mag boyfriend eh." naisip na dahilan ni Aya. "Ehdi, itago na lang muna natin." sagot ni Hiro. "Ha?" nagulat naman si Aya sa sagot ni Hiro. Akala nya kasi, babawiin na nito yun sinabing Girlfriend sya nito. Napayuko na lamang si Aya, problema na naman ito sa kanya. Dumating na sila sa kanilang distinasyon. Naglakad na ulit sila patungo sa bahay nila Aya. Muli siyang hinawakan ni Hiro sa kamay, pero agad siyang bumitaw dito. Ikinagulat naman iyon ni Hiro, at tumitig sa kanya. "Bakit?" tanong ni Hiro. "Eh, kasi baka meron makakita sa atin." sagot ni Aya. "Eh, ano naman?" sagot ni Hiro habang nakatingin sa mukha ni Aya. "Uhhm, sabi mo 'di ba, ililihim muna natin?" wika ni Aya. "Wala pa naman tayo sa bahay nyo eh." pagkatapos ay bigla ulit siyang hinawakan ni Hiro. "Ah, teka bitawan mo na ko." wika ni Aya habang pinipilit na bumitaw sa hawak ni Hiro. Pero nagpatuloy parin si Hiro sa paglalakad, habang hila-hila si Aya. "Malapit na tayo, bitawan mo nako." wika ni Aya. Binitiwan na nga siya ni Hiro. "Saan bahay nyo dito?" maang na tanong ni Hiro, sa tapat ng eskinita. "Papasok pa dun sa looban. Tapos, un pulang pinto. Yun ang sa amin." sagot ni Aya. "Ahh..." sabay lalakad sana si Hiro, pero hinila siya ni Aya. "Teka, hindi ka pwede pumasok. Magagalit Nanay ko!" saway ni Aya. "Ganun ba? Eh, sabihin mo na lang classmate mo ko." kindat ni Hiro. "Hindi! Hindi pwede! Umuwi ka na! Umuwi ka na!" At itinulak ni Aya palalayo si Hiro. "Teka, goodnight kiss ko?" wika ni Hiro. "Huh! Goodnight kiss ka dyan! Umuwi ka na! Goodbye!" pagkatapos ay tumakbo na si Aya papasok ng looban. Napangiti na lang si Hiro sa pagtakbo ni Aya. Pinagmasdan niya ang lugar. Malayong-malayo sa mansyon nilang bahay ang lugar na iyon.  Napabuntong hininga na lamang si Hiro. Tsaka nagpatuloy sa paglalakad at umuwi na. Dumating na si Aya sa kanilang bahay. Napansin ng Nanay niya ang sugat sa kanyang braso na may tali ng panyo. "Mano po." wika ni Aya. "Oh, napano yan?" turo nito sa braso niya. "Ah, nadapa po ako kanina sa hagdanan eh." wika ni Aya. "Hay, sa susunod mag-iingat ka! Sige, magbihis ka na at kakaen na tayo!" wika nito. "Opo." tugon naman ni Aya. Agad namang nagbihis si Aya. Hinawakan niya ang siko niya na may panyo ni Hiro. Bigla niyang nadama ang pag-aalala nito sa kanya. "May gusto kaya sa akin si Hiro? O baka pinaglalaruan lang nya ako?" tanong ni Aya sa kanyang sarili. Napabuntong hininga na lamang siya. Pagkatapos magbihis ay lumabas na siya ng kwarto para kumaen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD