Chapter 7

1527 Words
Kinabukasan ay maagang nagising si Aya. Agad siyang naghanda para maagang makapasok Pagdating niya sa school campus, ay naisip niya yun mga nangyare kahapon. "Eh guys, alam nyo na ba? Meron na daw girlfriend si Hiro!" wika ng isang estudyante. "Oh talaga? Sure ka?" tanong ng kasama nito. "Oo, nakita daw sila kahapon! Magkahawak pa ang mga kamay, dun sa Science Building. Doon ata yun room ng girl, sinundo ni Hiro!" wika nito. "Ha? Ano?" sagot pa ng isa. Napansin niyang, nagbubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan niya. "Hala! Patay ako! Ako ba 'yun pinag tsitsismisan nila? tsk!" wika ni Aya sa sarili. Nag-isip si Aya, para 'di siya mahalata ng mga ito. Nagbalot siya ng scarp niya sa mukha at nakayukong naglakad. Nagmadali siyang maglakad papunta sa room nila. Pagpasok niya sa room ay agad siyang sinalubong ni Karen. "Hey sis! May chika ako sayo." bungad ni Karen sa kanya. "Ha? Ano yun?" tanong ni Aya kunware, pero alam na niya ang sasabihin nito. "Alam mo ba, nakita nila na may kasamang babae si Hiro kahapon. Sabi nila girlfriend daw ni Hiro yun! Kakainis nga eh, may girlfriend na pala si Hiro." pagmamaktol nito sa kanya. Napatingin naman si Aya sa direksyon ni Hiro. Nakatingin na dati ito sa kanya, habang nakaheadseat. Ngumiti ito sa kanya, habang nakatingin ito. Nagbawi naman siya ng paningin at tumingin ulit kay Karen. "Ah, girlfriend? Baka nagkakamali ka? Baka mali lang yun tsismis?" sagot ni Aya. "Naku, hindi! Ang daming nakakita eh! Kalat na sa school na may girlfriend na siya. Ang dami tuloy ngayong umiiyak. huhu." wika ni Karen, na umaarte na kunwareng napapaiyak din. "Ah, ganun ba?" wika ni Aya. "Kainis nga eh, sabi ng iba hindi naman daw kagandahan 'yun girlfriend! Haynaku, baka mas maganda pa ako dun!" pagmamalaki ni Karen. "Oo nga, baka mas maganda ka pa nga dun!" ngiti ni Aya. "Sige, mamaya sabay tayo maglunch ah." wika ni Karen. "Ah, sige!" sagot ni Aya habang tumango siya. Sabay dahan-dahan na siyang naglakad papunta sa upuan niya. Kasabay ang pag tunog ng bell, ay hudyat na simula na ang kanilang klase. Umupo na siya sa kanyang upuan, habang nag aayos ng bag ay may iniabot sa kanyang maliit na papel si Hiro sa lamesa niya. Agad niya itong binasa. "Ano 'yun sinabi sayo ni Karen?" Tumingin siya kay Hiro, pero nakatingin lang ito sa whiteboard. Sinagot niya yun tanong ni Hiro at ibinalik ang maliit na papel. Binasa ito ni Hiro "Tungkol sa tsismis na may girlfriend ka na daw!" Napangisi naman si Hiro at sumagot ulit sa papel. "Ok! Sabay tayo maglunch mamaya!" Ibinalik ulit ni Hiro kay Aya yun papel. Nagulat naman si Aya sa sagot ni Hiro. "Hindi pwede, niyaya na ako ni Karen na maglunch. Dadalhan na lang kita ng pagkaen sa rooftop!" Sagot naman ni Aya. Nang mabasa ito ni Hiro ay... "Ano?" galit na nasabi ni Hiro. Narinig ng buong klase ang sinabing iyon ni Hiro, pati teacher nila ay tumingin kay Hiro. Agad naman tumingin sa bintana si Hiro. Nilukot niya sa kamay ang maliit na papel. Uminit ang ulo ni Hiro, dahil tinanggihan siya ni Aya. Nagulat din si Aya, 'di niya akalain na magagalit ito. Sinabi naman niya doon na dadalhan niya ng pagkaen. Pero nagalit parin ito, napaisip tuloy si Aya na baka may gawin na naman sa kanya si Hiro. Hindi tuloy siya makapag concentrate sa klase. Gusto sana ulit niyang sulatan si Hiro, pero nakatingin na ito sa bintana. Mula kanina, hindi na ulit siya tiningnan nito. Pagkatunog ng bell ay naghanda na si Aya at sumabay kala Karen at Jeff papuntang canteen. Nakita naman iyon ni Hiro, naningkit ang mga mata nito. Nang makarating sila sa canteen ay nauna si Aya pumila at makakuha ng pagkaen. Habang hinihintay ni Aya sila Karen at Jeff sa lamesa, ay usap-usapan parin ang kumakalat na tsismis tungkol sa girlfriend ni Hiro. Napabuntong hininga na lamang siya at napayuko. Maya-maya pa ay biglang natahimik ang lahat. Nagtaka si Aya, nag-angat siya ng ulo, ang lahat ay napapatingin sa may pintuan. Kaya naman ay tumingin din siya sa may pintuan ng canteen. Nakita niya na kinikilig ang mga ito, unti-unting nakita niya kung sino ang tinitingnan nilang pumasok sa canteen - si Hiro! Bigla siyang napayuko at kinabahan ng makita si Hiro. "Hala, bakit siya nandito?" wika ni Aya sa sarili. Biglang kinabahan si Aya, nilaglag niyang kusa ang tissue niya para makatago sa lamesa, para 'di siya makita ni Hiro. Subalit 'di niya alam na nakita na kaagad siya ni Hiro.  "Anong gagawin ko?" habang hawak-hawak ni Aya ang tissue na nahulog. Lumapit si Hiro sa lamesa ni Aya at yumuko ito. "Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Hiro sa kanya habang nakasilip ito sa ilalim ng lamesa. Sa gulat ay nauntog si Aya sa lamesa. "Ouch! Araay!" napangiwi si Aya. Wala siyang nagawa at dahan-dahan siyang umupo. "Kinuha ko 'tong tissue." sagot ni Aya. Tumango lang si Hiro at umupo na ito sa tabi niya. Sabay kinuha nito ang pagkaen ni Aya sa tray, at itinapat sa harap niya. Tska nagsimula itong kumaen. Nagulat naman si Aya sa ginawang iyon ni Hiro. Wala naman siyang maisip na sasabihin. Pinagmasdan na lamang niya ito habang kumakaen. Ang lahat ng mga estudyante sa canteen ay nakatingin sa kanila! Nabigla din at nagbulungan ang mga ito. Lumapit naman sa lamesa nila sina Karen at Jeff, habang kinikilig ang mga ito. "Hi, Hiro!" bati ng dalawa. Ngumiti lang ng kaunti si Hiro at nagpatuloy sa pagkaen. "Hindi ka ba kakaen o baka gusto mong subuan pa kita?" mahinang wika nito kay Aya. "Ha? Hindi, ok lang. Sige, kaen ka lang dyan!" pilit na ngiti ni Aya. Nagtaka naman yun dalawa, nagtanong ito ng pabulong kay Aya. "Sis, bakit nandito si Hiro?" tanong ni Karen kay Aya. "Hindi ko alam, baka gutom lang sya!" sagot naman ni Aya. Habang pinagmamasdan nilang kumaen si Hiro. Subo lang ito ng subo ng pagkaen. Pagkatapos ay kinuha ni Hiro ang mineral water ni Aya. Nabigla naman si Aya, aagawin nya sana ito, subalit... "Teka, nainuman ko na 'yan ahmp!"  wika ni Aya, pero nagpatuloy pa rin si Hiro at ininom parin yun tubig. Nagulat naman silang tatlo. Natulala din sila sa ginawa ni Hiro, ininom niya yun tubig ni Aya kahit nainuman na niya ito.  Pagkatapos uminom ni Hiro, ay bumulong ito kay Aya. "Mauna na 'ko." wika nito sakanya. At nagpasya na itong tumayo at umalis na.  Naiwan namang mga tulala ang tatlo!  "Sis, 'di ako makapaniwalang, nakasama natin maglunch si Hiro!" kilig na sabi ni Jeff habang hinawakan pa ang kamay ni Aya. "Oo nga eh." matipid na sagot ni Aya. "Grabe, ang lakas pala niya kumaen, halos maubos yun pagkaen mo sis!" wika naman ni Karen. Tsaka nya napansin, may natirang kaunti sa kanyang plato. Napabuntong hininga na lamang si Aya, at kinuha na lang ang tubig tsaka uminom. "Ha!!!" gulat na wika nun dalawa. Nagtaka naman si Aya sa dalawa, 'di niya malunok ang tubig na nasa bunganga niya. Tinuro ng dalawa, ang ibig nilang sabihin, yun boteng ininuman ni Hiro ay ininuman din niya. Nawala sa isip ni Aya. "Bakit mo ininuman? Para na tuloy kayong nag lips-to-lips nyan!" selos na sabi ni Jeff na naka nguso. "Ah sorry, nawala sa isip ko eh." paliwanag ni Aya.  Pero sa isip ni Aya, 'Ano naman kung ininuman ko ito, eh ilang beses na kami nagkiss ni Hiro.' "Ito, sayo na lang itong juice ko." wika ni Karen. "Ah cge, thank you." ngiti ni Aya. Hindi niya masabi sa dalawa na, lagi naman siya hinahalikan ni Hiro kaya parang balewala na rin naman 'yun. Kaso 'di niya masabi sa dalawa na siya yun girlfriend ni Hiro, pero ayaw din sana nyang maglihim sa mga ito. "Sis, sino kaya talaga yun girlfriend ni Hiro noh?" tanong ni Jeff. "Hay, basta kahit na may girlfriend na si Hiro, crush ko pa rin siya!" kilig na sabi ni Karen. "Ako rin!" ngiti din ni Jeff at naghawak kamay pa ang dalawa habang kinikilig. "Ah mga sis, may sasabihin sana ako sa inyo eh." wika ni Aya. "Ano yun?" tanong ni Jeff. "'Wag kayong mabibigla ah. 'Wag nyo rin sana sasabihin sa iba." mahinang wika ni Aya. "Ha? Ano ba yun?" tanong ni Karen, na parang kinakabahan ito. Nagbulungan ang tatlo... "Ayoko maglihim sa inyo. Ako kasi yun girlfriend ni Hiro!" bulong ni Aya sa dalawa. Pagkarinig ng dalawa ay natinginan sila, tsaka biglang nagtawanan. "Hahaha! Ikaw? Hahaha." wika ni Jeff. "Sis, gutom lang yan! Kaen ka pa oh, ito pa! hahaha." alok ni Karen ng pagkaen. Nagtaka naman si Aya, ayaw maniwala nun dalawa. "Teka, totoo yun sinasabi ko, ako talaga!" wika ni Aya sa mga ito. "Alam mo sis, siguro na misinterpret mo lang yun pagkaen ni Hiro kanina. Ano ka ba?" wika ni Karen sabay tapik sa braso niya. "Oo nga sis. Hayaan mo sis, tanggap din namin kung meron ka din gusto kay Hiro! Di ba sis?" wika ni Jeff. "Oo naman sis! Susuportahan ka namin! Pare-pareho lang naman tayo na may gusto kay Hiro eh!" wika nito habang hawak ang mga kamay ni Aya. "Actually, aamin na din ako sa inyo... ako ang asawa ni Hiro!" wika naman ni Jeff. "Ha?" yun na lamang nasagot ni Aya. Sinabunutan naman ni Karen si Jeff. "Hindi ikaw! Ako! Ako ang legal wife!" wika ni Karen. At nagtawanan na lang sila. Nakakatawang tingnan ang dalawa habang naghaharutan ito. Pero hindi naniwala ang dalawa sa sinabi niya. "Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase!" wika ni Jeff. At sabay-sabay na silang tumayo at naglakad patungo sa room nila. Umiling-iling na lang si Aya, kung ayaw maniwala nun dalawa, wala siyang magagawa. Atleast, sinabi niya sa mga ito yun totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD