Sabay-sabay silang pumasok sa room. Nakita niyang andun na rin si Hiro. Maya-maya pa ay nag ring na ang bell, kaya nagpasukan na ang iba nilang kaklase.
Dahan-dahan naman tiningnan ni Aya si Hiro. Nakatingin lang ito sa bintana. Pinagmasdan niyang mabuti ito.
Mula ulo hanggang paa, naisip niyang halos perfect man nga ito. Makinis ang balat, maganda ang katawan, maganda ang buhok at gwapo nga siya! Kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.
Habang pinagmamasdan ni Aya si Hiro, naisip niyang paano nga kaya nagkagusto sa kanya si Hiro? Totoo kayang gusto siya ni Hiro? Naguguluhan din siya, sa sarili...
Bigla namang lumingon si Hiro sa kanya at pumungay ang mga mata, na tila nagtatanong kung bakit siya naka tingin. Pero wala parin sagot si Aya, kaya ngumiti na lang si Hiro kay Aya at nakipag titigan na lang din sa kanya.
"Ang ganda ng mga mata niya, nakakatunaw, at ang mga labi niya-ang sarap halikan, ang mga labing yun." napalunok siya habang iniisip ang mga iyon.
Ngumiti naman si Hiro. Tsaka lang siya natauhan na nakatingin na din pala sa kanya si Hiro. Biglang nagbawi ng tingin si Aya at yumuko. Napangisi naman si Hiro.
Maya-maya pa ay may iniabot na maliit na papel si Hiro. Binasa naman ni Aya ang nakasulat dito.
"Let's go out on Saturday!" -Hiro
Nagulat naman si Aya sa nabasa, napatingin siya kay Hiro at kumindat ito. Hindi alam ni Aya ang sasabihin kaya hindi siya sumagot sa sulat. Nagtaka naman si Hiro, kung bakit 'di ito sumagot. Napabuntong hininga nalamang si Hiro.
Itinago na lang ni Aya ang maliit na sulat. Hindi rin niya alam kasi, kung papayagan siya na umalis, kaya 'di muna siya sumagot.
Naisip niya, kung ano naman ang gagawin nila sa Sabado? Saan sila pupunta? At saan sila kakaen?
Pero unti-unting lumipad ang isipan ni Aya. Nag-imagine siya ng mga pinupuntahan at ginagawa ng mga couples.
Katulad ng panunuod ng sine, pagpunta sa mga park at kung anu-ano pa. Masaya silang naglalakad habang magkahawak ang mga kamay. Tapos kakaen sa restaurant na meron masarap na pagkaen.
Nangiti-ngiti si Aya habang nag iimagine. Samantalang si Hiro naman ay natatawa sa itsura ni Aya habang nag iimagine ito. Bigla niyang hinila ang buhok ni Aya.
"Araay!" sigaw ni Aya.
Bigla naman lingon si Hiro sa bintana na pinipigilan ang pagtawa.
Galit na nilingon niya si Hiro pero nakatingin ito sa bintana. Tinitigan niya ito ng masama at bumuntong hininga ng malalim.
Napatingin naman sa kanya ang iba nilang kaklase. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsusulat.
Hanggang sa natapos na ang klase.
Bago mag-uwian ay, nag announced si Teacher na kailangan silang gumawa ng Group Project. Kailangan maipasa iyon by next week.
Habang nakikipag-usap si Aya sa kagrupo nya ay may nareceived siyang text galing kay Hiro.
"Pumunta ka sa locker room!" - Hiro
Napabuntong hininga naman si Aya.
"Hay, ano na naman kaya iuutos nito?" wika ni Aya sa sarili
Agad naman siyang nagpaalam sandali sa mga kagrupo niya, na kunware ay magccr.
Pagpunta niya sa locker room ay hinanap niya si Hiro, wala naman ito, sabay biglang may humila sa kanya sa gilid. Bigla siyang napasigaw sa gulat.
"Aahh!" gulat na wika Aya.
"Bakit ang tagal mo?" tanong kaagad ni Hiro.
"May pinag-uusapan pa kasi kami ng mga kagrupo ko sa gagawin na project eh. Ano ba kailangan mo?" tanong ni Aya.
"Ah, wala ka pa kasi sagot dun sa sulat ko sayo kanina." wika ni Hiro.
"Ah, yun ba? 'Di ko pa kasi alam kung papayagan ako ng Nanay ko na umalis sa sabado. Sasabihin ko na lang sayo kung pinayagan ako." wika ni Aya.
"Ah, ganun ba, sino pala mga kagrupo mo?" tanong ni Hiro.
"Sila Karen." sagot ni Aya.
"Ayokong nakikipag-usap ka sa ibang lalake! Remind ko lang sayo! Kung hindi, lagot ka sakin!" banta ni Hiro sa kanya.
"Teka! Eh, group project natin yun eh, paano naman 'di ako makikipag-usap?" pagtatanong ni Aya.
"Basta, ayoko ng may iba! Gusto ko ako lang! Naintindihan mo?" sabi ni Hiro habang maraang hinawakan ang baba niya.
"Oo na po!" wika ni Aya.
Pagkatapos ay ginawaran siya ng halik ni Hiro. Malumanay ang halik na iyon ni Hiro, hindi katulad ng minsan na halik niya kapag galit siya. Kinabahan naman si Aya, habang hinahalikan siya ni Hiro, baka kasi kung saan na naman mapunta ang halik na iyon ni Hiro, pero kusa namang huminto si Hiro at nagtanong ito sa kanya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Hiro.
"Maya-maya ng kaunti siguro, 'di pa kami tapos mag-usap eh." sagot ni Aya.
"Ah sige, hindi muna kita maihahatid ngayon, may meeting din kasi kami eh." wika ni Hiro.
"Okey, sige!" sagot ni Aya.
Pagkatapos ay nauna na si Aya na lumabas ng locker room, maya-maya pa'y sumunod din si Hiro.
Habang naglalakad ay naisip ni Aya ang sinabi ni Hiro sa kanya, na ayaw nitong makipag usap siya sa ibang lalake, pero paano ba siya makakaiwas? Lalo pa may kasama silang lalake sa grupo nila. Naisip din niya na siguro ay seloso si Hiro kaya ayaw nito.
Napabuntong hininga na lamang si Aya, sa isip-isip niya ay hindi naman iyon malalaman ni Hiro, kung nakipag-usap man siya o hindi, dahil 'di naman siya nito nakikita.
Maya-maya pa ay natapos na din ang meeting nila tungkol sa project nila. Inilista nila ang mga kakailanganin at mga gagawin. Tsaka sila nagpaalam sa isat-isa para umuwi.
Naging busy pareho sila Aya at Hiro sa paggawa ng kani-kanilang group project. Kailangan na kasi yun ipasa next week, kaya kailangan na matapos na kaagad nila yun.
Super pagod sila Aya sa paggawa ng kanilang project. Samantalang, si Hiro ay 'di masyadong nakikihalubilo sa kagrupo niya. "Oo at Hindi lang ang sagot niya!"
"Tsk! Nakakaboring! Kailan pa ba matatapos ito?" wika ni Hiro sa sarili.
Hindi rin sila masyadong nagkikita ni Aya, dahil kapag breaktime at uwian ay busy din ito. Kaya naman, namimiss na ni Hiro si Aya. Hindi siya masyadong nakikinig sa usapan ng mga kaklase niya tungkol sa project, ang iniisip niya si Aya.
"Sana mag sabado na, para makita at makasama ko na si Aya." pananabik na wika ni Hiro sa sarili.
Bigla niyang naalalang itext si Aya.
"Kamusta project nyo?" - Hiro
"Ok lang. Nasa kalahati na kami, kayo?" - Aya
"I miss you!" - Hiro
Nagulat naman si Aya sa sumunod na text ni Hiro, 'di naman niya alam kung rereplyan din ba nya ng 'I miss you too!' Nahiya siya, kaya 'di na lang siya nagreply.
Pero ikinainis 'yun ni Hiro dahil hindi man lang nagreply si Aya. Antay siya ng antay, 'di na siya mapakali sa upuan. Mayat-maya ay tingin siya ng tingin sa cellphone, iniisip niya na magrereply din si Aya ng 'I miss you too!', pero hindi ito nagreply, napabuntong hininga na lamang si Hiro.
Samantala, habang gumagawa sila Hiro ng group project sa bahay ng kaklase nilang si Richard. Bumisita ang Tita nito at pinsan niya sa kanilang bahay. Napansin naman kaagad ng pinsan ni Richard na si Wendy na nandun din si Hiro! Agad siyang lumapit kay Richard at bumulong na ipakilala siya kay Hiro. Agad naman silang lumapit kay Hiro at ipinakilala niya ito.
"Ah, Hiro gusto kang makilala ng pinsan kong si Wendy!" wika ni Richard.
"Hi! Hiro!" nakangiting sabi ni Wendy at inilahad ang kamay niya.
Tiningnan ni Hiro si Wendy, maganda ito pero medyo bata ng kaunti sa kanya, pero hindi naman nakipagkamay si Hiro dito.
"Hi din!" tipid na wika ni Hiro at tumingin na sa papel na hawak nito.
Pero lumapit si Wendy sa kanya, at kinulit si Hiro.
"Alam mo ba, schoolmates tayo! Dun din ako nag-aaral eh. Second year ako!" wika ni Wendy.
'Di naman siya pinansin ni Hiro, nagbabasa ito ng ginagawa nilang project.
"Ahh, pwede ko bang makuha number mo?" tanong ni Wendy.
Pagkawika ni Wendy ay nagtinginan lahat sila dito. Nabigla sila sa lakas ng loob ni Wendy.
"Hindi pwede, magagalit girlfriend ko!" wika ni Hiro habang nagbabasa parin.
"Ah, ganun ba? So, talaga pa lang may girlfriend ka na?" malungkot na wika ni Wendy.
"Wendy ano ka ba?" sigaw ni Richard sa kanya.
Nahihiyang saway ni Richard dito. Alam niya kasing madaling uminit ang ulo ni Hiro, kaya sinaway na niya si Wendy.
"Teka, last na. Kung ayaw mo magbigay ng number, magselfie na lang tayo! Smile!" wika nito at mabilis na kinuhanan ng picture si Hiro.
Nagulat naman si Hiro, kaya 'di na siya nakatutol.
"Thank you! Sige, byeeee!" paalam ni Wendy at masaya itong tinitingnan ang kuha nilang dalawa ni Hiro.
Wala namang nagawa si Hiro, pinabayaan na lamang niya ito. Inisip niyang, isip-bata si Wendy. Nagpatuloy na lamang siya sa pagbabasa.