Chapter 2

1053 Words
Matamlay na nagpatuloy sa paglalakad si Aya, papunta sa kanyang classroom.  Medyo nahuli siya ng dating, dahil hinanap pa niya ang room number niya, at sa wakas ay nakita din niya ito. Dumating siya dito na nasaloob na ang kanilang Guro. Bumati siya sa kaniyang Guro at nagpakilala sa buong klase. "Sige Iha, maupo ka na dun sa bandang likuran." sabi ng kanyang Guro. At tinuro ng kanyang Guro ang kanyang upuan. "Thank you Sir." malugod na wika ni Aya. Pero biglang napahinto si Aya sa paglalakad. Nang makita niya kung sino ang taong magiging katabi niya. "Si Hiro!" Laking gulat niya ng makita ito, wika niya sa kanyang sarili, "Kung minamalas ka nga naman, tsk! Demonyo talaga!" Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang upuan at umupo. Hindi naman siya pinansin ni Hiro at naka tingin lang ito sa may bintana, habang nakikinig sa headseat ng music. "Nakakainis naman, bakit ba dito pa ako napaupo? Hayst!" wika ni Aya sa sarili. Hindi rin niya pinansin si Hiro, hanggang matapos ang buong klase. Naisip ni Aya na pumunta na sa canteen para kumaen. Subalit, habang naglalakad si Aya sa Hallway ay bigla na lang may humila sa braso niya. Nagulat siya, at nakita niyang hawak-hawak siya ni Hiro. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Aya. Pero tinitigan lang siya ni Hiro ng masama at nagpatuloy sa paghila sa kanya paakyat ng hagdanan. "Ano ba? Ano ba? Nasasaktan nako!" sigaw ni Aya habang pilit na kumakawala. Hanggang sa makarating sila sa rooftop, ay tsaka lang siya binitiwan ni Hiro. "Ano bang problema mo? Bakit mo 'ko dinala dito?" tanong ni Aya habang hinahaplos ang masakit na braso. "Ang problema ko ito, sinira mo!" gigil na sabi ni Hiro at iniabot sa kanya ang laptop. Binuksan ni Aya ang laptop at sira nga ito. Tiningnan din niya ng masama si Hiro at ibinalik ang laptop. "Eh, ano naman ngayon kung sira yan?" sabi ni Aya. "Ano wala lang sayo? Hindi mo ba alam kung magkano 'to?" wika naman ni Hiro. "Hindi naman ako ang sumira nyan, kaya wala akong paki alam dyan!" sabi ni Aya habang umiiling. Pagkawika ni Aya ay agad na siyang tumalikod, subalit maagap na hinawakan ni Hiro, ang kanyang braso at isinandal siya sa may pader. "Saan ka pupunta? Bayaran mo ko! 50  thousands 'to! Bayaran mo ko ngayon na!" galit na sabi ni Hiro habang mariin na nakatitig kay Aya. "Teka, 50 thousands? Ni-500 nga, wala ako eh, 50 thousands pa kaya? Tska, di ko naman kasalanan yan noh! Kung hindi mo 'ko binunggo, hindi sana yan nasira!" sagot ni Aya. "Tsk! Palusot ka pa eh!" wika ni Hiro. Tumitig ng matalim si Hiro sa kanya, at inilapit ang mukha nito sa kanya at madiin siyang hinawakan sa kanyang baba at sinabing... "Kung hindi mo ko mababayaran, simula sa araw na 'to... Akin ka na! Pagmamay-ari na kita! At lahat ng sasabihin ko at gusto ko, gagawin mo! Naintindihan mo?" mariin na wika ni Hiro. "Ha! A-Ano?" natulalang wika ni Aya sa sinabi ni Hiro. "Tsk! Stupid girl!" inis na wika ni Hiro at bigla niyang hinalikan si Aya sa mga labi. Marahas ang halik na iyon ni Hiro sa kanya, na tila ba pinaparusahan siya ni Hiro. Kaya naman, nagpupumiglas siya dito, pero lalo lang dinidiinan ni Hiro ang paghalik sa mga labi ni Aya. Hinawakan ni Hiro ang dalawa niyang kamay, at isinandal sa pader, hanggang sa patuloy siya nitong hinahalikan. Sa mga oras na iyon, wala siyang magawa kundi hintayin na lamang na matapos si Hiro sa paghalik sa kanyang mga labi. "Omg! Bakit ba nangyayare sakin to?" wika ni Aya sa kanyang sarili habang tinitigan ang makinis na mukha ni Hiro. Lumipas pa ang ilang minuto, at patuloy pa rin sa paghalik si Hiro sa mga labi ni Aya. Hindi na halos makahinga si Aya at naramdaman niyang masakit na ang kanyang mga labi.  Naramdaman naman ito ni Hiro na kinakapos na ng hininga si Aya. Kaya nagpasya syang tumigil na sa ginagawa. Sa paghiwalay ng kanilang mga labi ay pareho silang kinakapos ng hininga. Tinitigan ni Hiro ang mga labi ni Aya bago tumingin sa kanyang mga mata. Habang malagkit na nakatingin si Hiro sa kanya, ay bigla niyang sinampal nang malakas si Hiro. Sa tindi nito ay napailing ng mukha si Hiro at namula ang pisngi nito.  "You!!!" wika ni Hiro. Tumitig ulit ng masama si Hiro sa kanya at hinalikan ulit si Aya. Saglit lang ito ngunit madiin. Itinaas ulit ni Aya ang kamay niya para sampalin ulit si Hiro, pero naharang na ito ni Hiro at nahawakan ang kamay niya. Pati kabilang kamay ay isasampal sana ni Aya, subalit nahawakan din ni Hiro. Pagkatapos ay muling isinandal ni Hiro si Aya sa pader. Nagtitigan sila ng masama. Si Hiro ang unang nagsalita. "Kapag hindi ka sumunod sakin, hindi lang 'yan ang mangyayare sayo! Naiintindihan mo?" gigil na sabi ni Hiro. Tumango-tango naman si Aya, sa takot na kung ano pa ang gawin sa kanya ni Hiro. Pagkawika ay binitawan na siya ni Hiro at umalis papalayo. Samantalang si Aya ay natulala sa mga nangyare. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung magagalit ba o matatakot sa banta ni Hiro sa kanya. Sobrang lakas ng kanyang t***k ng puso. Hindi niya akalain na manyayare ito sa kanya, sa unang araw ng kanyang klase!  Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod at dahan-dahan siyang napaupo. Hindi alam ni Aya ang gagawin, kung susunod ba kay Hiro sa mga sinabi nito. Kaya napaiyak na lang si Aya sa mga nangyare. "Bakit ako? Bakit ako pa?  Hindi ko naman kasalanan yun. Yun Devil na yun! Nakakainis talaga! Grrrr! Ninakaw na nga niya yun ' first kiss ' ko, tapos gagawin pa niya akong alila niya? Nakakainis siya! Napaka walang hiya!" pagmamaktol ni Aya sa sarili. Hindi na nakakaen ng tanghalian si Aya. Umiyak na lang siya ng umiyak sa rooftop. Hindi niya alam kung babalik pa ba siya sa room nila, na alam niyang andun si Hiro. Iniisip niya na baka may ipagawa si Hiro na hindi niya kayang gawin, at baka parusahan siya nito. Pero nagpasya parin sya sa huli, na pumasok sa room. Dahan-dahan siyang pumasok at nakita niya na wala doon si Hiro sa upuan nito. Bigla siyang nabuhayan ng loob, at dali-daling umupo sa kanyang upuan. Maya-maya pa ay nag ring na ang bell, start na ulit ang klase. Nakita niyang nagmamadaling magpasukan ang iba pa niyang kaklase. At nakita niyang pumasok na din si Hiro, nagkatinginan sila pero agad siyang nagbawi ng paningin. Yumuko naman si Aya, habang papunta si Hiro sa upuan nito. Hindi sila nagpansinang dalawa, hanggang matapos ang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD