Chapter 3

1192 Words
Nagmadaling umuwi si Aya kahapon, dahil tinakasan niya si Hiro. Narinig niyang tinatawag siya nito, ngunit hindi siya lumingon at mabilis na naglakad. Kinabukasan, ay panibagong pagsasapalaran na naman niya. "Kaya ko 'to!" wika ni Aya sa sarili. Pagpasok niya sa school, ay dumiretso siya sa locker room at kumuha ng libro. Ngunit hindi niya namalayan ang paglapit ni Hiro sa kanya. Nagulat siya ng pagsarado niya ng locker, ay nakita niya ang mukha nito habang nakasandal sa locker at nakangiti. "Good morning!" nakangising bati nito. Hindi alam ni Aya kung ano ang kanyang sasabihin sa pagkabigla, "G-good morni-..." Hindi na natapos ang sasabihin niya, agad siyang hinalikan ni Hiro, kasabay sa paghawak sa batok niya. Ang halik na iyon ay hindi marahas, ito ay malumanay. Hindi katulad kahapon na muntikan na siyang mawalan ng hininga.  Tiningnan niya ang mukha ni Hiro, nakita niyang nakapikit ito habang hinahalikan siya. Kaya naman, napapikit na rin siya at nadama niya ang matamis na halik nito sa kanya. Hindi siya, pumalag! Nadama niya ang emosyon sa paghalik ni Hiro. Marahan nitong hinahalikan ang mapupula niyang mga labi. Naramdaman niyang bumilis ang t***k ng kanyang puso at tumamis ang halik nito sa kanya. Agad din namang natapos ang paghalik na iyon ni Hiro kay Aya, dahil sa may paparating na iba pang mga estudyante. Nagka-titigan ulit sila ni Hiro. "It's really sweet!" nakangising wika ni Hiro sa kanya. Sinagot naman niya ito ng masamang tingin. "How dare you!" galit na wika ni Aya at sasampalin sana niya ito, subalit napigilan ito ni Hiro. Yumuko si Hiro at bumulong sa kanyang tenga, " Because of yesterday, tinakbuhan mo ko." Sa pagbulong na iyon ni Hiro ay naramdaman niya ang mainit na hininga nito, na nagpatayo ng kanyang balahibo. Ngumiti ulit si Hiro sa kanya, na parang nang aasar, pagkatapos ay binitawan siya nito at naglakad papunta sa room nila. Naiwan na lamang si Aya na nagmamaktol sa sarili, dahil wala na naman siyang nagawa para pigilan si Hiro sa paghalik sa kanya. "Ang Devil na yun, nakakainis talaga! Nakakainis! Grrrhh..." nanggigigil na wika ni Aya sa sarili. Pagpasok niya sa classroom ay nakaupo na dun si Hiro. Hindi niya ito pinansin. Padabog siyang umupo at inilagay ang kanyang gamit. Naiinis pa rin siya sa ginawa ni Hiro. Tinitigan niya ng masama ito, pero ni minsan 'di ito tumingin sa kanya. "Hay, ang Devil na 'to, wala talagang pakialam! Tsk!" naiinis na wika ni Aya. Hanggang sa natapos na ang buong klase, ay hindi sila nagpansinan ni Hiro. Lumapit ang iba nilang kaklase sa kanya, at niyaya siyang kumain sa canteen. Lumingon muna siya kay Hiro, pero may mga kausap din itong mga kaclassmate nila. Kaya pumayag na siya at tumayo, kasama ang iba pa nilang mga kaklase. Pumunta na sila sa canteen at namili ng makakaen.  Sabay-sabay silang umupo nila Karen at Jeff, at nag kwentuhan sila habang kumakaen. "Alam nyo ba mga classmates, ang swerte talaga natin dahil naging kaclassmate natin si Hiro!" kilig na sabi ni Karen habang nagsasalita. "Oo nga, ang gwapo-gwapo niya talaga. Super crush ko talaga siya." wika naman ni Jeff (isang bading). "Ako hindi lang crush, kundi inlove na 'ko sa kanya!" wika naman ni Karen. "Nakakaloka naman ang mga ito, mag kakacrush lang dun pa sa Devil na yun!" wika ni Aya sa sarili. Bumaling naman sakanya si Karen at nagtanong, "Ikaw Aya, crush mo din ba si Hiro? " "Ha! Ako?... Hindi eh." sagot ni Aya. Nagulat naman si Jeff sa sagot niya, "Ano? Bakit hindi mo sya crush?" "Oo nga, bakit 'di mo sya crush? 'Di ba magkatabi pa nga kayo ng upuan?" tanong din ni Karen. "Ah, hindi ko kasi sya type eh." sabi ni Aya. "Ganun ba? Eh, sino naman ang type mo or crush mo?" tanong ni Karen "Eh, wala. Focus muna kasi ako sa pag-aaral." sagot ni Aya. At biglang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niya itong kinuha sa bulsa at binasa ang message. "Pumunta ka sa rooftop, dalhan mo 'ko ng pagkain. Ngayon na! Bilisan mo!" Nagulat siya sa nabasa, inisip niya kung kaninong number ito, dahil wala sa phonebook niya.  "Di kaya, kay Devil to? Pero paano niya nalaman ang number ko?" nagtataka man si Aya ay agad siyang nagpaalam sa kanyang kaklase, ng mabasa ang text ni Hiro. "Ah, mga classmates mauna na ako ah, may pupuntahan pa kasi ako." paalam ni Aya. "Teka, 'di ka pa tapos kumaen ah." wika ni Karen. "Ah, hindi na, ok lang. Sige, kita na lang tayo mamaya." sabi ni Aya. Pagkatapos ay kinuha na ni Aya ang kanyang gamit at ang kanyang inumin tska pumunta sa food counter para bumili ulit ng pagkaen. Nagtaka naman sila Karen at Jeff kung bakit bumili ulit siya ng pagkaen at tinakeout ito. Kaya naman nagtinginan ang dalawa. "Naniniwala ka bang wala siyang gusto kay Hiro?" tanong ni Karen. "Hay, ewan. Baka meron siyang ibang gusto. Hay, hayaan na lang natin." sagot ni Jeff. Nagmadaling umakyat sa rooftop si Aya. Humihingal na binuksan ang pinto nito at bumungad sa kanya si Hiro na nakatayo at naghihintay. "Bakit ngayon ka lang?" tanong kaagad nito sa kanya. "Ah, madaming nakapila sa food counter at malayo pa 'to, from canteen! For your information!" gigil na sagot ni Aya. At iniabot ang dalang pagkaen kay Hiro. Kinuha naman ito ni Hiro at umupo sa may gilid at tiningnan ang dalang pagkaen ni Aya. Pagkatapos ay tiningnan siya na nakanuot ang noo. "Ah, yan lang kasi kaya ng budget ko eh." wika ni Aya. Dumukot sa bulsa si Hiro at inilabas ang wallet at kumuha dun ng isang libo at iniabot kay Aya. "Oh..." iniabot ni Hiro ang pera. "Wow! Ang laki naman nito!" gulat ni Aya habang nakangiti at hawak ito. "Itago mo lang yan, para may pambili ka pa sa susunod." wika ni Hiro. Pagkatapos ay ibinulsa na ni Aya ang pera. Akmang tatalikod na si Aya, subalit... "Opps, saan ka pupunta?" tanong ni Hiro sa kanya. Humarap ulit si Aya at nagsalita, "Master, kung wala na po kayong iuutos, babalik na po ako sa classroom." "Sino nagsabi sayong pwede ka nang umalis?" habang nakatitig na sabi ni Hiro sa kanya. "Eh, sabi ko nga, dito muna 'ko eh." nakangiting wika niya at umupo na rin si Aya. "Lumapit ka dito!" utos ni Hiro. At lumapit naman si Aya sa kanya. Pagkatapos ay iniabot nito ang pagkaen kay Aya. "Oh! Subuan mo 'ko!" utos ni Hiro sa kanya. Nabigla naman si Aya sa sinabi nito. "Ha! Bakit may kamay ka naman ah?" tutol ni Aya. Inilapit ni Hiro ang mukha niya kay Aya na parang hahalikan na naman siya nito, tska sinabing, "Bakit, ayaw mo?" marahang sabi ni Hiro. Agad naman nagets ni Aya ang ibig nitong ipahiwatig sa kanya, kaya nakangiting sabi niya "Ah, hindi ah! Oh, ito na nga eh. Susubuan na kita, nganga po, Master!" Ngumanga naman si Hiro habang nakatitig parin kay Aya at isinubo sa bibig nito ang pagkaen.  "For the first time, ngayon lang ako nagpakaen ng Devil! tsk!" sa isip-isip ni Aya. Pero habang pinapakaen si Hiro ay mataang nakatitig lang ito sa kanya, habang kumakaen o umiinom man ito. May kakaibang naramdaman naman si Aya sa mga titig na iyon ni Hiro. Ngayon, na magkalapit sila, napagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Makinis, mapupula ang mga labi at mapupungay ang mga mata.  Sa pagsusuri niyang iyon, bigla siyang kinabahan. 'Di rin maintindihan ni Aya ang sarili kung bakit bigla na lang siyang kinabahan sa mga titig ni Hiro. Na tila ba, na para siyang natutunaw sa mga tingin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD