Chapter 18

1346 Words
Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng school field trip nila. Maagang nagising si Aya para maghanda at excited din siya sa gaganaping field trip. Pupunta sila sa bundok at magcacamping sila doon. At meron din mga activities na inihanda ang school para mas maging masaya ang field trip nila. Sabay ulit sila ni Hiro na dumating sa school, doon sila magkikita-kita kasama ang iba pa nilang kaklase at mga estudyante. Nang dumating sila ay naghahanda ang mga ito sa pagsakay sa bus. Sumakay na sila sa bus na nakalaan sa kanila. Nakita niyang nakaupo na sila Jeff at Karen sa bandang gitna. Agad siyang lumapit sa mga ito. "Hey, andito na pala kayo, ang aga niyo ah!" masayang bati niya sa mga ito. "Hi Aya! Super excited kami, kaya maaga kaming nagising!" sabi ni Jeff. "Teka, saan ang upuan ko?" tanong ni Aya sa kanila. "Dito sa likod namin, reneserved talaga namin yan para sayo!" wika ni Karen at kinuha ang bag nito na nakapatong sa bakanteng upuan sa likod nila. "Ah ok, thank you!" wika ni Aya at umupo na siya sa likod na upuan nila Jeff. Nang makaupo siya ay nakita niya si Hiro na uupo din sa upuan niya. Agad niya itong sinita. "Teka, bakit dito ka uupo?" tanong niya dito. "Bakit bawal?" sabi naman nito. "Eh, madami pa namang bakanteng upuan, doon ka kaya umupo." sabi niya dito. "Ayoko nga dun!" sabi ni Hiro at sabay inilagay ang bag niya sa may lagayan sa taas. "Wait, hindi ka pwedeng umupo dito?" pagpigil niya dito, dahil ayaw talaga niya makatabi si Hiro. "Bakit ba? May katabi ka na ba?" tanong ni Hiro. "Ah, oo meron na akong katabi, hinihintay ko lang." pagsisinungaling niya. "Ganun ba, ehdi palipatin mo na lang siya." sabi ni Hiro at sabay umupo na sa upuan "Teka, hoy..." sita ni Aya, subalit tinitigan siya ni Hiro ng masama na para bang nagbabanta. Napabuntong hininga na lamang si Aya at padabog na umupo. "Ano ba yan, bakit ba katabi ko pa 'tong Devil na 'to! Araw-araw ko na siya nakikita at nakakasama, pati ba naman sa field trip? Hayst!" sa isip-isip ni Aya. Maya-maya pa ay naisip niya na baka gusto ni Jeff o ni Karen na makipagpalit ng upuan sa kanya. Alam niya na may gusto ang mga ito kay Hiro, kaya sigurong papayag ito. Agad siyang tumayo at kinalabit ang dalawa sa balikat. "Uy, baka gusto niyong makipag palit sa akin ng upuan?" bulong ni Aya sa mga ito. Tumingin ang dalawa, kung sino ang katabi niya at nagtinginan ang mga ito, at parang kinilig pa. "No!!!" wika ni Jeff. "Hindi na, ieenjoy mo na lang yan na katabi si Hiro!" sabi ni Karen, habang ng apir pa ang dalawa. "Teka, akala ko ba crush niyo yan! Sige na, palit na tayo, Jeff." pakiusap ni Aya kay Jeff. "Oo nga, crush namin siya, pero kayo ang mag love team eh, kayo ang mas bagay!" sabi ni Jeff habang nakangiti. "Ha? Hindi ko kalove team yan, sige na, palit na tayo." pakiusap ni Aya. Subalit nag announced na ang kanilang tour guide na aalis na ang bus nila at umupo na ng maayos. Bumalik na lang ulit sa pagkaupo si Aya at saglit pang sinulyapan si Hiro na busy na naglalaro ng kanyang cellphone. Tumingin na lang siya sa may bintana at pinagmasdan ang daan. Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng gutom. Nakita niyang tumayo si Hiro at kinuha ang bag nito. Inilabas nito ang baong chichirya at softdrinks in can at iniabot sa kanya. "Thanks!" sabi niya dito. Pagkatapos ay binuksan niya ang tsitsirya at kumaen. Samantala, nagpatuloy naman si Hiro sa paglalaro at paminsan-minsan itong kumukuha ng pagkaen. Maya-maya pa ay nainis na ito, kasi naiistorbo siya sa pagkuha ng pagkaen. "Subuan mo na nga lang ako." utos ni Hiro sa kanya. "Ha?" maang na tanong ni Aya. "Subuan mo ko." at tinitigan siya ni Hiro. Agad naman siyang tumalima at sinubuan si Hiro. "Ah oh..." wika ni Aya, habang sinusubuan niya si Hiro. Samantala, pasimple naman silang pinicturan ni Karen, habang sinusubuan niya si Hiro. Napansin iyon ni Hiro, subalit hindi na niya ito pinansin. Pinabayaan na lang niya na picturan sila ni Karen, dahil kaibigan naman ito ni Aya. Super kinikilig naman ang dalawa habang tinitingnan ang picture sa phone ni Karen. "Ang sweet nila, nagsusubuan pa." wika ni Jeff. "Oo nga, bagay na bagay talaga sila." sabi ni Karen. Pagkatapo kumaen ay inantok naman si Aya. Habang pinagmamasdan ang mga dinadaanan nilang lugar ay unti-unti siyang inantok at nakatulog. Kinalabit ni Jeff si Karen, at bumulong. "Tingnan mo yun dalawa, tulog na." wika ni Jeff. At tiningnan nila ang dalawa na tulog na pareho. Si Aya ay nakasandal sa balikat ni Hiro, at si Hiro ay nakasandal sa ulo ni Aya. "Kuhaan ulit natin ng picture, hehe." wika ni Karen at agad na pinicturan sila Aya at Hiro habang natutulog. Kinikilig ang dalawa, pero ang hindi nila alam ay magkahawak pa ang mga ito ng kamay habang natutulog. Hinawakan muna ni Hiro ang kamay ni Aya, bago ito natulog. Mga ilang oras din ang lumipas ay natunton na nila ang kanilang destinasyon. Ginising na sila ng kanilang tour guide. Si Hiro ay unang nagising, hinaplos niya ang mukha ni Aya para magising ito. "Gising na, nandito na tayo." wika ni Hiro. At nagmulat ng mata si Aya, napansin niyang nakasandal pala siya sa balikat ni Hiro, agad siyang umupo ng maayos at tumingin kay Hiro. "Sorry." mahinang wika niya. "Ok lang." sagot ni Hiro at tumayo ito at kinuha ang dalang bag. Pagkalabas nila ng bus ay agad silang sinabihan ng kanilang tour guide na wag hihiwalay para hindi mawala. "Hi guys, welcome sa Camp Pag-asa! Medyo malayo pa yun lalakarin natin papasok sa bundok. So, ang una nating gagawin ay humanap kayo ng kapartner nyo at para mabantayan niyo ang isa't-isa. Kapag meron napagod, may sakit or naiihi, magsabi lang kaagad para makahinto tayo. At para hindi kayo mawala ay 'wag na 'wag kayong hihiwalay sa kapartner nyo or kagrupo niyo. Maliwanag ba yun?" sabi ni Robert. "Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sinabi. "Ok, alam niyo naman siguro ang dapat gawin if ever na may mawala sa inyo di ba? Tinuro yan sa school, at yun first aid kit nyo, dala niyo ba?" tanong nito. "Yes, Sir!" sagot nila. "Mabuti kung ganun. Sige, mag start na tayong maglakad, para makaken na din tayo ng lunch. By the way, walang hahawak sa mga halaman o mga puno, ng basta-basta! Tandaan niyo yan, bawal humawak! Ok ba yun, nagkakaintindihan tayo?" sabi ni Robert. "Ok Sir, yes po." sabi nila. "Lahat na ba may kapartner?" tanong ni Robert. At nagtinginan sila Karen at Jeff, pagkatapos ay si Hiro at Aya. Kinindatan siya ni Hiro, at bumulong sa kanya na nagsasabing silang dalawa ang magpartner. "Hay, may magagawa pa ba 'ko?" tanong ni Aya sa sarili. "Ok kung may partner na ang lahat, let's go ahead." sabi ni Robert. At nagsimula na silang maglakad papasok ng gubat. Pila-pila sila na parang langgam. Habang papatagal ay paakyat sila ng paakyat at pasukal ng pasukal ang daan. Inaalalayan naman siya ni Hiro, kapag nahihirapan siya sa mga hinahakbangan. Minsan ay binubuhat pa siya nito. "Pagod ka na ba?" tanong nito sa kanya. "Ah, medyo." wika niya. "Gusto mo iminom muna, ito oh." at iniabot sa kanya ni Hiro ang dalang tubig. Tatanggi sana siya, dahil may sarili naman siyang dalang tubig, kaso naisip niyang baka magalit ito sa kanya. "Ah, thank you." wika niya at uminom ng kaunti. Napansin ni Aya na kakaiba ngayon si Hiro, nag-aalala ito sa kanya at lagi siya nito inaalalayan sa paglakad. Hindi ganito ang inaakala niyang ikikilos nito, dahil lagi siya nitong binubully, ang inaakala niya ay papabayaan lang siya nitong maglakad mag-isa at mahirapan. "May sakit ba siya?" tanong niya sa sarili. At hinaplos niya ang noo ni Hiro, nagtaka naman si Hiro sa ginawa ni Aya. "Wala naman siyang sakit." wika niya sa kanyang sarili. "Bakit?" tanong ni Hiro sa kanya. "Ah wala, akala ko may sakit ka." wika ni Aya. "Huh, kung may sakit ako, hindi ako sasama dito at wala ka din!" sagot ni Hiro. "Teka, bakit pati ako wala?" maang na tanong niya. "Dahil aalagaan mo 'ko!" wika ni Hiro sa kanya. "Ah..." wika niya. Tama nga, sino pa ba mag-aalaga sa kanya kundi si Aya. Pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Maya-maya pa ay narating na nila ang lugar kung saan sila magpapahinga at kakaen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD