Nang matapos ang laro ng kanilang mga kaklase ay dumaan sila sa room nila Monica, nakitang nagtinginan ang mga kaklase ni Monica sa kanila.
Nakita nilang nakatambay ito sa tapat ng room nila at masayang nakikipag kwentuhan sa ibang kaklase. Nang makita sila na padaan, ay nagiba ang mukha nito, lalo na ng makita nito ang tshirt niyang suot.
Nagtaka ito, kung bakit suot ni Aya ang tshirt ni Hiro.
Samantala, sila Aya at mga kaibigan niya ay masayang nagkwentuhan sa reaksyon ni Monica.
Nang makalayo na sila kay Monica ay huminto muna sila sandali at nagtawanan.
"Nakita niyo itsura ni Monica? hahaha." tanong ni Jeff habang tumatawa.
"Hindi maipinta ang mukha ni Monica. Kitang-kita na naiinis ng makita yun tshirt ni Hiro na suot mo." sabi naman ni Karen.
"Hay, kayo talaga, ang lakas niyo mang trip." wika ni Aya habang napapailing na lang sa kalokohan ng dalawa.
"Tara na, baka nag-uwian na mga kaklase natin." yaya ni Aya sa mga ito.
Pagkatapos ay nagmadali na silang bumalik sa room nila at kinuha ang mga gamit.
Habang palabas ng room ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Hiro, agad naman niya itong sinagot.
"Hello." sagot ni Aya.
"Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap." tanong ni Hiro.
"Ah, may dinaanan lang kami, ito palabas na ako ng room." sagot ni Aya.
"Ok, sige andito na ako sa parking lot." sabi ni Hiro.
"Ok sige, papunta na ako diyan." sabi ni Aya.
Pagkatapos ay ibinaba na niya ang phone. Mabilis na siyang naglakad papunta ng parking lot at nakita niyang hinihintay na siya ni Hiro sa sasakyan.
Nang makita siya ay sumakay na ito ng kotse at sumunod na din siya sa loob ng kotse.
"Sorry, kung naghintay ka." mahinang wika ni Aya ng makaupo.
Ngunit hindi siya pinansin ni Hiro at nagsabi sa driver na umalis na sila.
"Sige na Manong, alis na tayo." wika ni Hiro sa driver.
Huminga na lang ng malalim si Aya at tumingin sa labas ng bintana. Buong byahe nila ay hindi sila nag-usap na dalawa, hanggang makarating sa bahay.
~
Dumating ang araw ng Linggo at nang bandang hapon ay dumating si Monica sa bahay nila Hiro.
Pinagbuksan ni Hiro ito ng pinto at pinatuloy sa loob ng bahay nila. Nakita niyang masaya itong kinausap ng Mommy ni Hiro at kinamusta.
"Hi Hiro!" masayang bati ni Monica kay Hiro.
Ngumiti lang si Hiro at pinagbuksan siya ng pinto.
"Tuloy ka." wika ni Hiro.
Nang makalakad papuntang living room ay nakita niyang andun ang Mommy ni Hiro, masaya din niya itong binati at nakipag beso-beso.
"Oh, Iha kamusta ka na?" wika ng Mommy ni Hiro.
"Ok lang po, kayo po kamusta?" wika ni Monica.
"Ok lang din. Aba, lalo kang gumanda at tumangkad ah. Nahiyang ka ata sa ibang bansa." wika nito.
Pagkatapos ay sabay silang naupo sa iisang sofa, samantalang si Hiro ay sa kabilang sofa naupo.
"Naku, salamat po. Pero hindi naman po ako nahiyang Tita, mas gusto ko pa rin po dito tumira." wika ni Monica.
"Ganun ba?" wika nito.
Pagkatapos ay nag-utos ito na maghanda ng meryenda para sa bisita. Habang nagkwekwentuhan sila ay nagulat si Monica ng makita si Aya na nagdala ng pagkaen nila sa gitnang lamesa.
"Teka, 'di ba ikaw si - " hindi na nito naituloy ang itatanong dahil nagsalita na ang mommy ni Hiro.
"Ah, magkakilala na rin ba kayo ni Aya? Dito muna namin siya pinatuloy, medyo nagkaroon kasi sila ng problema." wika ng Mommy ni Hiro.
"Ah, kaya pala." nawika ni Monica.
"Anong kaya pala?" tanong ng Mommy ni Hiro.
"Ah, wala po Tita, napansin ko kasi lagi sila magkausap ni Hiro." pagsisinungaling nito.
"Sige po, kung wala na po kayong kailangan babalik na po ako sa kusina." paalam ni Aya.
"Oh sige Iha, salamat." wika ng Mommy ni Hiro.
At pumunta na nga si Aya sa kusina, habang sinundan naman siya ng tingin ni Hiro.
Habang nag-uusap si Monica at Mommy niya, ay tumayo si Hiro at pumunta din ng kusina. Napansin ni Monica ang pagtayo ni Hiro, susundan niya sana ito, subalit nakikipag kwentuhan pa siya sa Mommy ni Hiro.
Sa kusina ay nakita ni Hiro na naghuhugas ito ng pinggan. Lumapit siya dito at yumakap sa baywang ni Aya.
Nagulat naman si Aya at muntikan na niyang mabitawan ang plato na hawak.
"Teka ano ba?! Bitawan mo nga ako, nakita mong naghuhugas ako ng plato." pakiusap ni Aya kay Hiro.
At kumalas nga si Hiro sa pagkayakap sa kanya. Pumunta ito sa lamesa at nagsalin ng juice sa baso.
"Bakit ganito yun juice mo, matabang?" angal na tanong ni Hiro.
"Ha? Matabang ba?" tanong ni Aya.
"Oo matabang, tikman mo." utos ni Hiro.
Naghugas naman ni kamay si Aya at lumapit kay Hiro. Iniabot naman ni Hiro ang baso niya kay Aya.
Tinikman niya ito, subalit hindi naman ito matabang sa panlasa niya.
"Teka, parang hindi naman matabang ah. Ok lang ang lasa." sabi ni Aya.
"Sure ka? Tikman mo kaya ulit." sabi ni Hiro.
At uminom ulit si Aya sa baso at nilasahan maigi ang juice, pero ganun pa rin ang lasa nito.
"Ganun parin, masarap naman ah." wika ni Aya.
"Sige nga patikim." wika ni Hiro.
Iniabot ni Aya ang baso kay Hiro, subalit hindi niya iyon kinuha. Sa halip ay, niyakap siya nito at hinalikan sa mga labi.
Nanlaki naman ang mga mata ni Aya sa pagkagulat at sa biglaang paghalik sa kanya ni Hiro. Agad niyang naisip na baka makita sila ng Mommy ni Hiro at worse, ni Monica.
"Uhmm." saway ni Aya kay Hiro para tumigil.
Pero hindi naman natitigil si Hiro sa paghalik sa mga labi niya, paulit-ulit nitong nilasap ang mga labi niya at bibig niya.
Nang mapagod sa paghalik sa kanya, ay tsaka lang ito tumigil. At ngumisi sa kanya na tila ba nang aasar pa.
"Uhmm, masarap nga! Gawa ka ulit ng juice." wika nito, sabay kindat sa kanya bago umalis at bumalik na ito sa sala.
Nakatulala naman si Aya na naiwan sa kusina. Halos mabitawan na niya ang baso kanina sa pagkakahalik sa kanya ni Hiro. Hindi niya inaasahan ang biglaang paghalik nito.
Halos wala na itong pinipiling oras o araw, para makahalik sa kanya. Lagi ito nakakahanap ng dahilan o pang-aasar sa kanya at kasunod nito ay ang paghalik nito sa kanya.
Hindi na niya na alam ang gagawin kay Hiro, dahil hindi naman siya makaiwas dito. At kapag hindi niya ito pinag bigyan sa halik nito ay mas higit pa dun ang ginagawa sa kanya.
Kaya naman, sa ayaw man niya o hindi ay wala siyang magawa tungkol dito. Hindi niya alam kung pinag lalaruan lang siya ni Hiro, dahil pagkatapos ng halik nito ay ngingitian siya nito na para bang nang aasar pa, kaya naman nakakapag painis ito sa kanya.
Naiinis siya kapag nakikita niya ang mga ngiting iyon ni Hiro. Nang gigigil siya sa mukha nito na ang sarap kurutin, kung pwede lang.
Pagkatapos niyang maglinis sa kusina ay sa labas naman siya naglinis. Nagwalis-walis siya sa garden at tinanggal ang mga tuyong dahon sa mga halaman.
Napansin niyang masayang nagkwekwentuhan sila Monica at Hiro sa terrace, habang nakaupo sa mga upuan na nadoon.
Napansin niyang, panay palo ni Monica kay Hiro sa braso nito, habang masayang nagkwekwentuhan. Hindi niya masyadong marinig ang pinag-uusapan ng mga ito, dahil medyo malayo siya. Pero nahagip ng tenga niya ang pangalan niya.
Huminto muna siya sa pagwawalis at kunwaring nagbubunot ng mga d**o, para marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"How about Aya?" tanong ni Monica kay Hiro, habang nakatingin ito sakanya.
Napatingin din si Hiro kay Aya na nagbubunot ng d**o.
"Ah, she's special." matipid na sagot ni Hiro at uminom ng juice.
"So, interesado ka sa kanya?" tanong ni Monica.
Pero ngumiti lang si Hiro at iba ang sinagot nito.
"How about you? Wala ka bang naging boyfriend sa Amerika?" tanong ni Hiro.
"Well, may mga nanligaw sa akin. Sinubukan ko din naman magkaboyfriend, pero hindi nagwork out." sabi ni Monica.
"Ah, ganun ba." sabi Hiro.
"Alam mo, to be honest, lagi pa rin kitang naiisip. Kaya masaya ako ng sinabi ni Dad na babalik kami dito. Sana, ganun ka pa rin katulad ng dati." wika ni Monica at hinawakan ang kamay ni Hiro na nasa lamesa.
Iniwas naman ni Hiro iyon, at ito ang humawak sa baso na hawak ng isa niyang kamay. Nanibago naman si Monica sa pag-iwas ni Hiro ng kamay niya. Dati kasi ay lagi sila magkahawak ng kamay habang naglalakad.
Sa totoo lang, para na silang mag kasintahan dati. Naudlot lang ang magandang pagtitinginan nila ng pumunta sila ng Amerika.
Ngayon, kahit dulo ng daliri ni Hiro ay hindi niya na mahawakan.
"Nag-iba ka na Hiro, dahil ba sa babaeng 'yun?" tanong ni Monica sa isip niya at tumingin siya kay Aya.
"Ah, maganda nga na nakabalik ka." wika ni Hiro.
"Subukan ulit nating mamasyal, katulad ng dati. May gusto pala akong movie, baka pwede mo akong samahan na manuod?" wika ni Monica.
"Ah, pag-iisipan ko. Medyo, loaded kasi kami ngayon ng assignments eh." pagdadahilan ni Hiro.
"Ah, ganun ba. Sige, next time na lang kapag hindi ka na busy." wika ni Monica.
Malungkot na sabi ni Monica, at napansin na nga niya na nag-iba na si Hiro sa kanya. Dahil noon, ay kapag niyaya niya itong manuod ng sine, ay agad itong sumasama kahit na nga ay exam nito kinabukasan. Subalit ngayon, alam niya na nagdadahilan lang ito para kay Aya.