"Anong ginagawa mo kay Allana, gago ka!" Nanggagalaiting sigaw ni Oshin. Hinila niya ang braso ni Graham at pilit na itinayo tapos inilayo niya dito si Allana. Nang mailayo na niya ang kaibigan ay kinilatis niya ang bawat bahagi ng katawan nito. Tiningnan niya kung may sugat ba ito o pasa sa katawan. Pagkatapos niyang masiguro na ok lang ito ay pina-pwesto niya ito sa likuran niya at hinarap si Graham. "Your an asshole!" Graham tsked. Parang wala lang dito ang naabutan niya. Lalo lang tuloy umigting ang panga niya. "You know what. You don't deserve Allana." nagtatagis bagang na sabi niya kay Graham. Hindi na niya inantay pang magsalita ito. Agad na niyang hinila palayo si Allana. Mabuti nalang at nakabukas ang gate at pintuan ng dumating siya kaya nakapasok siya ng tuloy-tuloy sa b

