"Pwede mo ba akong bilhan ng spaghetti. Nagugutom na kasi ako e," wika ni Allana sa kaibigan. Nagpapungay pa siya ng mata para maawa ito sa kaniya. "Oo na no. Sige, mauna ka ng umakyat sa taas. Alam mo naman ang passcode ko." Tumalikod na ito sa kaniya. Hinayaan lang itong makalayo ni Allana bago lumabas din ng building. Gusto niya talagang mapag-isa. Ayaw niyang tumuloy sa condo ni Oshin dahil alam niya na sesermunan lang siya nito ng magdamag. Malaki na siya at kaya na niyang mag desisyon para sa sarili niya kaya ayaw na niya itong madamay pa. Ayaw niyang makita nito ang paghihirap niya. Tama na ang siya nalang ang makaramdam ng sakit na ibinibigay sa kaniya ni Graham. "Teka, si Allana ba iyon? Oo siya nga. Siya iyong malanding kaka-kasal lang ay nang lalaki na hindi ba?" Biglang nap

