"I told you, hindi makukuha sa ganoon ang babaeng iyon. Talagang plano niyang ipagsiksikan ang sarili niya sa akin."
Paakyat na sana si Allana sa second floor para tawagin si Graham dahil nakahanda na ang pagkain nito ng marinig niyang may kausap ito sa telepono. Nagmumula ang tinig nito sa my likuran kung nasaan ang swimming pool. Agad niya itong pinuntahan pero hindi niya ito nilapitan. Ayaw niya kasi na malaman nitong naririnig niya ang usapang siya ang topic.
"Na, anong akala niya? Makukuha niya ako sa pagbabait-baitan niya? Of course not! Alam niya namang isang babae lang ang gusto kong makasama. And that is Bebeca. Hindi na iyon magbabago pa. Honestly, if she comes back right now. Iiwanan ko talaga ang babaeng ito. Wala na akong pakialam pa kahit ipakulong pa ako ng pamilya niya."
Muling nakita ni Allana ang annoyed na mukha ni Graham. Napapamasahe pa ito ng sentido habang pabalik-balik na naglalakad.
Alam niya namang isang babae lang ang gusto kong makasama. And that is Bebeca.
Ano bang meron kay Bebeca at mahal na mahal ito ni Graham?
Natawa siya ng mapait. Dahil sa mga nangyayari ang pakiramdam niya ay napaka perpekto ni Bebeca. Kahit kasi nagawa nitong talikuran si Graham ay loyal parin sa kaniya ang puso nito.
Tatalikod na sana si Allana para umalis pero nagulat siya ng tumayo sa harap niya si Graham. Para siyang bigla nalang natuyuan ng dugo. Gulat na gulat kasi siya. Dahil sa pag-iisip ng malalim ay hindi niya napansin ang paglapit nito sa kaniya.
"At iyan na ba ang bago mong mosyon ha? Ang maging spy?" anito.
"Hindi ko naman sinasadyang-"
Nanlaki ang mata niya ng hawakan siya sa braso ni Graham. Hinila siya nito papunta sa pool. Sinubukan niya namang kunin ang kamay niya pero masyado itong malakas.
"Graham, anong gagawin mo?" may pag-aalalang tanong ni Allana.
"Gusto ko lang ipakita ang mga pwedeng mangyari sa'yo kapag nagpatuloy ka sa pagsiksik sa buhay ko," madiing sagot nito.
"Graham please. Nasasaktan ako. Ano ba!" Sinusubukan paring hilahin ni Allana ang kamay niya mula kay Graham pero talagang ayaw siyang pakawalan nito. Binatawan lang siya nito ng makarating na sila sa gilid ng pool.
May pag-aalala siyang tumingin sa likuran niya. Dahil sa posisyon nila ni Graham ay mukhang alam na niya ang balak nitong gawin. Sinukan niyang umalis sa harapan nito at lumayo sa gilid ng pool pero hinirang lang siya ng matitipunong braso nito.
"This is how to deal with the devil."
Isang malakas na pwersa ang pinakawalan ni Graham dahilan para mawala sa balanse si Allana. Sinubukan pa niyang kapitan ang kamay ni Graham para hindi mahulog sa pool pero hindi niya nagawa. Agad dumampi sa balat niya ang malamig na tubig ng pool. Dahil sa pagkahulog ay unti-unting umiilalim ang katawan niya. Kasabay ng pagkabasa ng mukha niya ay ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
Titig na titig siya sa lalaking tumulak sa kaniya. Nanatili lang itong nakatayo sa gilid ng pool habang pinanunuod siya. Wala man lang pag-aalala sa mukha nito. Walang kahit na ano.
Mariing pumikit si Allana. Unti-unti na siyang nauubusan ng hininga pero hindi parin niya sinusubukang iangat ang katawan niya. Ayaw niyang lumangoy pataas. Ayaw na niya sana. Pero bigla niyang naisip ang baby niya. Noong nakaraan lang ay sinabi niya na gagawin niya ang lahat para magkaroon ito ng buong pamilya. Hindi niya ito gustong biguin.
Muli siyang ng dilat ng mata. Ngumiti siya ng mapait at nagsimulang kumampay paitaas. Pagdating niya sa ibabaw ay nginisihan siya ni Graham.
"Simula palang ito," anito sabay talikod sa kaniya.
Patuloy na umaagos ang luha niya. Hindi lang iyon masyadong halata dahil sa tubig na nasa mukha niya. Pero patuloy lang siya sa pag-iyak.
I deserve this.
Ito ang kaparusahan sa paninira ko sa relasyon ninyo ni Bebeca. Sige lang Graham, ilabas mo ang lahat ng galit mo sa akin. Malugod ko iyong tatanggapin dahil gusto kong maubos ang sakit na nararamdaman mo. Para kapag wala na ang sakit, pwede na iyong mapalitan ng pagmamahal.
Tuturuan ko ang puso mong mahalin ako, sa paraang alam ko.
---×××---
Pagkatapos magpalit ng damit ni Allana ay nakulong na siya sa kwarto niya. Umalis rin naman si Graham kaya wala siyang pagsisilbihan na asawa.
Asawa nga ba o amo?
Habang nagsusuklay ng buhok ay tumunog ang telepono niya. Agad niya iyong kinuha para sagutin. Nang makita niya na si Oshin ang tumatawag ay bigla siyang napangiti. Magda-dalawang linggo niya na kasi itong hindi nakakausap kaya medya Miss na niya ang kaibigan.
"Oshin," napapaos niyang tawag sa pangalan nito.
"I'm sorry sissy kung ngayon lang ako nakatawag ah. Naging super busy lang kasi ako eh. Kumusta ka na? Kumusta ang buhay may asawa?"
"Ahh," bigla siyang natigilan. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Kung sasabihin ba niya pagiging cold ni Graham o hindi na.
Once na malaman kasi ni Oshin ang nangyayari sa kanila ni Graham ay paniguradong susugod ito. Ayaw niya iyong mangyari kaya plano niyang maglihim dito.
I'm always lying. Kahit sa sarili ko nagsisinungaling ako. Palagi kong sinasabi na ok lang ako, kahit hindi naman talaga. Ewan ko ba. Masakit lang kasing tanggapin na kahit anong gawin ko ay hindi ako magawang mahalin ng lalaking mahal ko. Pero susubukan ko parin.
"Allana? What happened? Anong pinagagawa sa'yo ni Graham ha? Tell me. Naku. Makikita talaga ng lalaking 'yan ang hinahanap niya," sunod-sunod na pagbabanta ni Oshin.
Napangiti nalang tuloy si Allana.
"Ano ka ba, we're fine. Wala namang ginagawang masama si Graham no. Ang totoo nga niyan, sa tingin ko unti-unti niya nang natatanggap ang baby namin e," napapapikit pa siya habang sinasabi iyon. Umaasa na sana ay maging totoo ang kasinungalingan na iyon.
"Well, that's good news. Akala ko pa naman miserable na ang buhay mo sa piling niya eh. Pero alam mo, kapag may ginawa 'yang lalaking iyan sa'yo ay sabihin mo agad sissy ha. At ako mismo ang susundo sa'yo diyan. Basta huwag mong kakalimutan na palagi lang akong nandito anytime. Ok?"
"Thank you sissy."
"Anyway, may isa pang dahilan kung bakit ako tumawag sa'yo e."
"Ano iyon?"
"Remember Louise? Buntis na ang bruha. Free ka ba sa saturday? Baby's shower niya e."
"Hindi ko alam sissy. Kailangan ko munang sabihin kay Graham."
"You mean magpaalam kay Graham? Hindi ba pwedeng mag desisyon ka na ngayon and then ipaalam mo nalang sa kaniya later?"
"Tatawagan nalang kita. Basta hindi ako sigurado."
"Ano 'to under ka ng asawa mo?"
"Hindi naman sa ganoon, pero baka kasi may sinet siyang lakad namin e."
"Gano'n."
"Oo, basta. Ipapaalam ko sa' yo kung makakasama ako. Ok?"
Kung papayagan ako ni Graham.