Tumingin si Allana sa orasan. Ala-una na ng madaling araw pero hindi parin umuuwi si Graham. Nag-aalala na siya dito. Ilang beses na niya itong sinubukan na tawagan pero nakapatay naman ang telepono nito.
Ilang beses niya na ring sinusubukang makatulog pero hindi naman siya dalawin ng antok dahil sa pag-aalala niya. Hindi talaga mapanatag ang loob niya hangga't hindi nakikita na ayos lang ang asawa.
Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang katawan niya, para lang mukuha ang mailap na antok. Nag-aalala talaga siya kay Graham. Kahit naman kasi masama ang loob nito ay umuuwi parin ito.
Bigla siyang napatigil sa pag-iisip ng kung anu-ano ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumangon para sumilip sa may bintana. Naroon sa harap ng bahay ang sasakyan na ginagamit ng mga guwardiya kapag nagro-ronda ang mga ito sa subdivision. Mula roon ay lumabas ang dalawang naka-unipormeng gwardiya. May akay silang lalaki. Sa hinuha niya ay si Graham iyon kaya naman patakbo siyang bumaba para salubungin ang mga ito. Sa baba ay tumambad nga sa kaniya ang lasing na lasing na asawa. Akay-akay ito ng dalawang guard. Agad niyang pinagbuksan ng gate ang mga ito.
"Good morning po ma'am. Habang rumuronda po kami ay nakita namin itong si sir na natutulog sa may gater. Mukhang lasing na lasing po eh, kaya inihatid na namin," paliwanag ng isang guard.
May pag-aalalang nilapitan ni Allana si Graham at tiningnang mabuti ang bawat bahagi ng katawan nito. Bukod sa ilang galos na nakuha marahil nito sa pagka-tumba ay mukhang maayos naman ito. Talagang lasing lang ito. Amoy na amoy niya kasi ang alak na nagmumula sa katawan nito. Parang hindi lang ito basta uminom, kung hindi ay naligo pa ng alak.
"Naku. maraming salamat po kuya Rey. Baka po pwedeng patulong narin na maipasok siya sa kwarto niya," aniya sa kakilalang gwardiya.
Agad namang sinenyasan ng kinausap niya ang kasama nitong nagbubuhat kay Graham. Dahil hindi naman nila alam ang kwartong tinutukoy ni Allana ay ginabayan sila nito. Nang maihatid na at maihiga si Graham sa kama nito ay inihatid muna ni Allana sa labas ang dalawang guard. Labis labis ang pasasalamat niya kaya inabutan niya ang mga ito ng maliit na halaga para naman kahit papano ay may pang meryenda sila.
"Maraming salamat po talaga ha," ulit na naman niya. Ilang beses na siyang nagpasalamat pero hindi pa siya nagsasawa dahil lubos talaga siyang nagpapasalamat.
"Ginagawa lang po namin ang trabaho namin Mrs. Quinn. Sige po, salamat din sa pang-meryenda. Mauna na po kami."
Nang makapag paalam na ang dalawa ay nagmamadali na niyang ini-lock ang gate at front door para mabalikan si Graham. Pagdating sa kwarto nito ay maingat siyang lumapit sa nahihimbing na asawa. Napakasarap ng tulog nito. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at tahimik na pinagmasdan si Graham. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa dito. Sa loob kasi ng napakatagal nilang pagkakaibigan ay ngayon niya lang nakitang ganito si Graham. Tila wala ng patutunguhan ang buhay nito. Unti-unti nitong sinisira ang sarili niya.
Masuyo niyang hinawi ang buhok ni Graham. Hindi niya mapigilang mapangiti ng mapait habang ginagawa iyon.
"I'm sorry Graham," mahina niyang usal. Nang wala siyang makuhang sagot mula sa lalaki ay bumuga siya ng hangin.
Dahil alam niyang hindi naman siya naririnig ni Graham ay tumayo na lang siya para tulungan itong maging komportable sa pagtulog. Marahang tinanggal ni Allana ang suot nitong sapatos at medyas. Ganoon din ang suot nitong polo. Kahit hindi naman siya nito pinagmamasdan ay para siyang nahihiya na tumitig sa katawan nito. Ilang beses na niyang nakita ang muscle-muscle na katawan ni Graham pero palagi parin siyang na a-amazed dito. Hindi man ganoong ka-muscle ang katawan nito ay sapat na ang ilang pandesal nito sa tiyan para masabi na hindi ito pabaya sa katawan.
Sunod siyang napatitig sa pantalon nito. Halos pamulahan siya ng mukha habang iniisip na huhubaran niya ito. Hindi naman kasi siya sanay sa ganito pero kailangan niya iyong gawin. Hindi niya naman kasi pwedeng hayaan nalang na matulog si Graham ng gano'n. Isa pa ay kailangan niya ring malinisan ang mga galos nito. Bilang asawa. Kahit sa papel lang ay kailangan niyang gampanan ang tungkulin niya dito.
Dahil nahihiya ay pikit-mata niyang sinimulang kapain ang lock ng pantalon ni Graham. Napapalunok pa siya habang ibinababa ang zipper nito. Mabuti nalang talaga at masarap ang tulog nito dahil 'pag nagkataon ay ikahihiya niyang makita nito ang ginagawa niya.
"Uhhhh..."
Ganoon nalang ang paglaki ng mata niya ng marinig ang ginawang pag-ungol ni Graham. Agad siyang napatigil sa ginagawa niya. Nasa kalagitnaan na ng binti ni Graham ang hawak niyang pantalon, kaya naman ng tumigil siya ay halos lumuwa ang mata niya sa tumambad sa kaniya. Eksakto naman kasing doon pa napatutok ang mata niya sa harapan ni Graham. Hindi pa naman ito nakasuot ng boxers short. Naka brief lang ito kaya bakat na bakat ang kaumbukan nito.
Para hindi na makapag-isip pa ng kung anu-anong pagpapantasya ay mariing ipinikit ni Allana ang mga mata niya. Mabuti nalang at tumigil na rin agad sa pagkilos niya si Graham kaya naituloy niya rin agad ang naudlot niyang ginagawa. Natapos niya iyon ng hindi nagdidilat ng mata. Basta hinila na lang niya pababa ang pantalon nito.
Halos magwala ang dugo niya sa katawan ng bigla nalang siyang hilahin ni Graham. Pinahiga siya nito sa ibabaw nito at mariing niyakap. Dahil wala na itong damit ay damang-dama niya ang init na inilalabas ng katawan nito. Pakiramdam niya tuloy ay hindi na siya makahinga ng maayos. Parang nagwawala ang puso niya sa pinaghalong kaba at tuwa.
Dinig na dinig niya ang paghinga ni Graham. Nang magdilat siya ng mata para tingnan ito ay lalo pang nadagdagan ang pag-iingay ng dibdib niya. Gising na pala kasi ito at titig na titig ito sa mukha niya. Taranta niyang sinubukang umalis sa pagkakayap nito pero ayaw naman siyang pakawalan ni Graham.
"Bakit?" tanong ni Graham.
Kumunot ang noo ni Allana. Hindi niya naman kasi alam kung para saan ang tanong na iyon kaya hindi niya tuloy alam ang isasagot niya.
"Graham-" tanging nasambit niya na lang. Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Graham ang bibig niya gamit ang bibig nito.
Halos mapaso si Allana sa init ng labi ni Graham. Kahit nalalasahan niya ang alak na ininom nito ay hindi niya mahanap ang pait na inaasahan niya. She accepted that kiss. Hindi niya sinubukang itulak si Graham para awatin ito. Basta nalang niyang tinanggap at tinugon ang nag-aalab na halik nito. She even close her eyes para lang namnamin ang halik na pinagsasaluhan nila.
For a moment she forgot everything. The pain Graham causes her dissappeared. Kapalit noon ay ang pagsibol ng bagong pag-asa sa puso niya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang naghahabol ng hininga.
Muli niyang tinitigan ang mukha ni Graham. For the very long time ay ngayon niya lang ulit nakita ang matamis na ngiti nito. Gusto niya pa sana siyang titigan ng matagal ang mukha nito pero bigla nalang siyang itinulak sa kama ni Graham at kinubabawan. Muli ay nagtapon ito ng napakatamis na ngiti. Pagkatapos ay ibinaon nito ang ulo niya sa dibdib ni Allana. Niyakap niya rin ito. Parang hindi na tuloy makahinga ng maayos si Allana. Higit sa pagkakadagan sa kaniya ni Graham ay tila nauubusan siya ng hiningi dahil sa sobrang tense niya.
Diyos ko, kung nananaginip lang po ako please 'wag ninyo na po akong gising.
Nang mapatagal na hindi umaalis sa ibabaw niya si Graham ay hinawakan niya ito sa balikat at bahagyang iniangat ang ulo para masilip ang mukha. Tulog na pala ito.
Inalis na ni Allana ang kamay nito na nakayap sa kaniya pagkatapos ay marahan niya itong itinulak. Muli itong umayos ng higa. Pagkakataon na niya para makatayo.
Pagkabangon ay sandali niya pa itong pinagmasdan bago lumabas ng kwarto at kumuha ng planggana at towel. Ginamit niya iyon para sa paglilinis ng katawan ni Graham. Pagkatapos niya itong mapunasana ay nilagyan niya ng betadine at band-aid ang maliit na hiwa nito sa kaliwang braso.
Nang matapos na siya sa lahat ng kailangan niyanh gawin kay Graham at masiguro kong ok na ito ay iniwanan na niya ito sa kwarto nito. Bumalik na siya sa kwarto niya para makapag pahinga na rin. Ngayon ay makakatulog na siyanng mahimbing dahil alam niyang nasa mabuting kalagayan na ang kaniyang pinakamamahal na asawa.