Pagkababa ni Graham ay agad siyang dumiretso sa kusina kung nasaan si Allana. Tahimik siyang sumandal sa hamba ng pintuan habang naiiling na nakatitig sa pakanta-kanta pang si Allana.
Alam niya kung bakit ito masaya. Siguradong dahil iyon sa ginawa niya kagabi. Gusto niyang bugbugin ang sarili niya dahil doon. Hindi niya talaga maisip kung paano niya nagawa ang bagay na iyon at dahil wala siyang masisi ay iyong espiritu nalang ng alak ang itinuro niyang may kasalanan ng lahat.
Damn stupid alcohol.
Nang mapansin ni Allana ang pagkakatayo niya ay nginitian siya nito ng sobrang tamis.
"Gising ka na pala," tila nahihiya pa itong nagsalita.
Lalo lang tuloy nakaramdam ng pagkairita si Graham.
"Sumabay ka ng mag almusal at may pupuntahan tayo." Lumakad na siya palapit sa lamesa.
Habang si Allana ay tila hindi naman makapaniwala sa naririnig niya. Punong-puno ng pagka-sorpresa ang mukha nito habang sa gilid ng kaniyang mga mata ay may kislap na namumuo.
"Sabi ko, sumabay ka ng mag-almusal. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" naiiritang sambit ni Graham.
Nang marinig iyon ni Allana ay mabilis na siyang humila ng upuan at naupo sa tabi ni Graham. Walang mapaglagyan ang kasiyahan niya habang kumakain. Gustong-gusto niyang magtitili dahil sa tuwa pero ayaw niya namang mainis si Graham kaya pilit niyang nilalabanan ang sarili niyang nararamdaman.
"Oo nga pala, saan tayo pupunta?" excited na tanong ni Allana.
"Kailangan nating mamili ng mga gamit ng baby."
Halos mabilaukan siya ng marinig ang sinabi ni Graham. Napatitig siya dito. Seryoso naman ang ekspresyon ng mukha nito.
"Bibili tayo?"
"Pwede ba kumain ka na nga at 'wag ng marami pang tanong," iritang sabi ni Graham.
Nakangiting bumalik naman sa pagkain si Allana.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay pareho na silang naghanda sa pag-alis. Halos nakailang palit na si Allana ng damit pero hindi parin siya makaramdam ng ka kuntentohan sa sarili niyang itsura. Hindi niya alam kung alin ang bagay na damit para sa itinuturing niyang first date nila ni Graham.
Muli niyang pinasadahan ang sarili niya sa salamin. Isang kulay maroon na off-shoulder blouse ang suot niya. Tinernuhan niya iyon ng pantalon. Mabuti nalang at ipinadala ng daddy niya noong nakaraang araw ang mga damit niya. Kung hindi ay iilan lang ang mapagpipilian niya. Iilan lang kasi ang laman ng maleta niya.
Biglang natigilan si Allana ng maalala ang daddy niya. Hindi niya kasi alam kung paano nito nalaman ang bahay nila ni Graham kahit hindi pa naman niya nasasabi dito o kahit kanino ang address nila.
"ANO? Hindi ka pa ba tapos diyan? Alam mo kung tatagal ka pa diyan ay 'wag ka na lang sumama. I can do it myself, anyway. Hindi ka naman talaga kailangan do'n e." annoyed na sigaw ni Graham mula sa labas ng pinto.
Halatang nauubos na ang pasensya nito kaya dali-dali ng dinampot ni Allana ang doll shoes na isusuot niya. Tapos patakbo niyang binuksan ang pinto.
"Tapos na ako," sabay taranta niyang sabi.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Graham. Pinasadahan siya ng tingin nitobat naiiling na tumalikod.
Tinignan rin ni Allana ang sarili niya. Wala naman siyang makitang mali sa suot niya kaya patay-malisya niya nalang na hinabol si Graham.
Naging tahimik ang pagba-biyahe nila. Wala namang mabuksan na magandang usapan si Allana dahil sa tuwing nagsasalita siya ay hindi naman ito sumasagot. He was still cold as an ice.
Habang nakatingin sa labas ng bintana ay tumunog ang telepono ni Graham. Dahil nakasuot ito ng earpod ay hindi naririnig ni Allana ang nasa kabilang linya. Nalaman niya lang kung sino ito ng marinig ang sinabi ni Graham.
"Yeah mom. We're excited to see you too. Of course. Yeah she's here. 'Wag na. Talk to her when you meet her. Sige na po, I have to go. Bye mom. Love you too."
Doon niya lang nalaman kung bakit ito biglang nagyaya na bumili ng mga gamit ng baby. Dadalawin pala sila ng mama nito. Ang akala pa naman niya ay kusang-loob iyong ginawa ni Graham.
Muling ibinalik ni Allana ang tingin niya sa labas ng bintana. Naghahanap na ng mapagpa-parkingan si Graham. Nang makapag park na ito ay agad na itong bumaba bg kotse.
Hindi na inintay ni Allana na yayain siyang lumabas ng kotse ni Graham. Agad na siyang sumunod dito. Kahit nalaman na niya ang totoong dahilan ng pag-aaya nito ay masaya parin siya kahit papaano. Kahit napilitan lang si Graham sa gagawin nila ay masaya parin siya dahil ito ang magiging first bonding nila bilang mag-asawa.
"Good morning po ma'am and sir," masayang bati sa kanila ng isang empleyado sa pinasukan nilang baby's store.
Nilampasan lang ito ni Graham kaya si Allana nalang ang ngumiti sa babae. Pagkarating nila sa pinaka-gitnang bahagi ng store ay biglang huminto sa paglalakad si Graham at humarap kay Allana. "Ano bang bibilhin natin?" tila inosente nitong tanong.
Napangiti tuloy si Allana. Ikinairita naman iyon ni Graham. "What?"
"Wala naman. Masaya lang ako kasi, magkasama tayo ngayon," sagot ni Allana.
"Pwede ba, alisin mo nga iyang nakapaskil na ngiti sa labi mo. It was so annoying. Tss..." Tumalikod na si Graham.
Dahil hindi na ito nakatingin ay lalo pang niluwagan ni Allana ang pagkakangiti niya.
Nagsimula na namang maglakad si Graham kaya agad siyang hinabol ni Allana. Hinawakan niya ang braso nito at sinimulang hilahin sa kinaroroonan ng mga crib. Hindi naman kumontra si Graham sa kaniya. This time ay nagpatangay lang ito sa gusto niya. Pagdating nila sa kinaroroonan ng mga crib ay excited na binitawan ni Allana ang braso ni Graham. Isa-isa niyang hinawakan ang mga crib na naroon.
"Anong kulay kaya ang magandang bilhin? Pink o blue?" tanong niya kay Graham.
Iba-iba ang designs ng mga crib. Ang pinaka nakatawag ng atensyon ni Allana ay iyon may maliit na kulambo sa ibabaw for the baby's protection sa lamok. Nilapitan niya iyon at sinalat. Napakalambot ng foam no'n. At dahil kulay light pink iyon ay talagang nagustuhan iyon ni Allana. Malamig kasi iyon sa mga mata.
"Anong palagay mo dito?" tanong niya sabay tingin kay Graham.
"Pink talaga?"
"Bakit hindi ba maganda?" naka-pout niyang tanong.
"Pink is for baby girl. Paano pala kung lalaki ha?"
Doon niya na gets ang nais nitong iparating.
"Oo nga pala." Lumakad siya pabalik sa tabi ni Graham. Muli niyang inangklahan ang braso nito. Tapos isinandal pa niya ang ulo niya sa balikat nito. "Pero alam mo, either it's a girl or a boy. It was still a blessing for us. Masaya talaga ako dahil sa blessing na ito."
Light brown ang kulay ng crib na pinagkasunduang bilhin nina Allana at Graham. Dahil nga wala pa namang kasarian ang baby nila ay neutral na kulay na lang ang pinili nila.
Pagkatapos pumili ng perfect na crib ay tumingin rin sila ng iba pang gamit ng baby. Bawat madaanan nilang pang design para sa kwarto ng baby ay hinihila doon ni Allana si Graham. Mabuti nalang at mukhang good mood ito dahil hindi naman ito kumukontra sa mga gusto niya. Sobrang saya tuloy ni Allana.
"Oh my, ang cute." Tuwang-tuwang kinuha ni Allana ang isang kulay dilaw na overall na damit pang baby. Ang disenyo niyon ay pikachu. May hood na may tenga. At sa likurang bahagi naman ay may maikling buntot. Ngayon palang ay nai-imagine na niya ang magiging itsura ng baby nila ni Graham kapag suot na nito ang damit na iyon kaya napapangiti siya.
"Pwede ba natin 'tong bilhin?" sweet niyang tanong habang ipinapakita kay Graham ang hawak niya.
Iyon nga lang, wala namang karera-reaksiyon ang mukha nito.
"Bahala ka," sagot lang nito at tumalikod na.
Psh! Nagsusungit na naman.
"Ang cute kaya nito," ungot niya. Mabilis niya na iyong inilagay sa tulak niyang cart. Tapos hinabol niya si Graham at sinabayan sa paglalakad.
"Tama na siguro ang mga 'yan. Mag lunch na tayo. I'm already tired," pag-aaya at pagrereklamo ni Graham at the same time. Tinapunan niya ng tingin si Allana at inagaw ang tulak nito. Tapos naglakad na siya papunta sa counter.
Malungkot namang humabol sa kaniya si Allana. Ayaw pa sana niyang umuwi dahil nag e-enjoy pa siya pero alam niyang hindi na niya mapipigil pa si Graham.
"At ano naman ang mukhang iyan?" annoyed na tanong ni Graham ng mapatingin sa kaniya.
"Ano namang problema sa mukha ko?" Lalo pa siyang sumimangot.
"Tss. Ewan ko sa'yo!"