Kabanata 19: Baby's Room

1115 Words
Pagkatapos magbayad ay dumiretso sa isang French restaurant sina Allana at Graham. Ayaw sana roon ni Graham pero napilitan siyang pagbigyan si Allana dahil sobra itong nagmamakaawa sa kaniya. Gustong-gusto daw kasi nitong kumain ng kahit anong pasta dish. Hindi na siya masyadong nag matigas dahil ayaw niya ring gumawa ng eksena. Ayaw naman niyang nakatawag sila ng atensiyon kaya pinagbigyan niya nalang ito. "Graham, pagkatapos ba nito uuwi na tayo?" tanong ni Allana habang ngumunguya ng pasta. It was supposedly a lunch pero iyon talaga ang kini-crave niyang kainin. Napatigil siya sa pagnguya ng biglang iunat ni Graham ang kamay nito at pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang tissue. "Para ka talagang bata kumain," bulong pa nito. Nang tila matauhan ito ay agad itong tumigil sa ginagawa at umayos nang upo. "Why are you smiling?" "Wala naman," sagot ni Allana. Hindi parin napapalis ang ngiti sa labi niya. Kinunutan lang ito ng noo ni Graham. "Bilisan mo na nga 'yan at iuuwi na kita. Kailangan ko pang habulin ang meeting ko nang after lunch." Bumalik na ito sa pagkain kaya ganoon narin ang ginawa ni Allana. Masaya siyang bumalik sa pagkain ng pasta. Dahil sa nangyari ay parang lalo pang sumarap ang kinakain niya. ---×××--- Naglalakad na papasok sa bahay si Graham ng muli itong makatanggap ng tawag mula sa kaniyang ina. "Mom," sagot niya sa telepono niya. Saglit niyang ibinaba sa sofa ang dala niya. Habang si Allana naman ay nakatingin lang sa kaniya. "Alam mo, hindi na talaga ako makapaghintay na batiin kayo ni Allana ng personal e. Kaya naiisipan ko na bukas na ako pupunta diyan para bisitahin kayo. Alam mo marami kaming utang sa inyo dahil wala kami sa kasal ninyo." "What?" Napatingin si Graham kay Allana. Kumunot kang lang ang noo nito. Hindi naman kasi nito naririnig ang sinasabi ng mommy niya e. Lumakad palayo si Graham. "Anong what? May itinatago ka bang bata ka ha? Bakit gulat na gulat ka?" "Mom, meron akong naka-schedule na mga meetings bukas. Hindi ko iyon pwedeng i-cancel." "Oh really? So between your mom and your job ang trabaho mo ang mas pinipili mo ganoon ba?" tila paghihimutok naman ng mommy niya na nasa kabilang linya. "It's not like that." "Then our conversation is over. See you tomorrow son. Bye." Napamasahe nalang ng sentido si Graham ng ibaba na ng kaniyang ina ang telepono. Ayaw man niya pero wala siyang choice kung hindi ang tawagan ang secretary niya para i-cancel ang mga naka-schedule niyang meetings for this day and the next day. Pagkatapos niyang kausapin ang secretary niya ay bumalik na siya sa pinag-iwanan niya kay Allana. Muli niyang binuhat ang inilapag niyang dalahin at sinimulang lumakad papunta sa hagdanan. "We need to fix the baby's room. Now," aniya. Hinabol naman siya ni Allana. "Pero akala ko ba may meeting ka pa?" "Pwes, wala na ngayon." Pagdating nila sa itaas ay isang bakanteng kwarto ang pinasok nila. Walang laman ang kwarto na iyon maliban sa mga kurtina. Mabuti nalang at nalinisan na iyon ni Allana kaya hindi na maalikabok ang lugar. Pagkalapag ni Graham sa mga dala niya ay muli siyang lumabas para kunin pa ang natitirang gamit na naiwan sa kotse. Samantala si Allana naman ay sinimulan na ang pag-aayos sa crib na bitbit niya. Pagbalik ni Graham ay inagaw nito kay Allana ang pagbubuo sa crib. "Eto Graham, sa tingin mo saan 'to magandang ilagay?" tanong ni Allana habang inilalabas sa bag ang isang nameplate na may nakalagay na 'our lovely baby'. "Put it wherever you want," anito. Para iyong pagtataboy sa kaniya at pagsasabing 'huwag mo na akong kulitin, bahala ka sa buhay mo'. Napa-pout nalang tuloy siya. Iginala niya ang tingin sa kwarto. Doon sa pinaka gitna ay may lamesang kahoy. Sa tabi noon niya naisip na ilagay ang crib. Binalingan niya ang hawak ko. Agad pumasok sa isip niya ang idea na ilagay ang nameplate sa itaas ng crib. A smile formed on her face. Lumakad siya papunta sa lamesang nakita niya. Eksaktong may naka-usli namang pako doon banda. Bahagya niyang lang na iuusog ang lamesa at maari na niyang maitapat sa crib ang pako. Medyo mataas ang kinaroroonan ng pako kaya humanap siya ng pwedeng tuntungan. Isang malambot na upuan ang nakita niya at kinuha. Pagbalik niya sa tapat ng pako ay inilapag niya doon ang upuan at sinimulang sampahan iyon. Pero hindi pa man siya nakakaayat ay pinigil na siya ni Graham. Inagaw nito ang hawak niya. "Be careful," bulong nito mula sa likuran niya. Halos magtayuan ang balahibo niya sa katawan nang marinig ang pagbulong ni Graham. Hindi niya namalayan na tumigil pala ito sa ginagawa nito at lumapit sa kaniya. He was standing behind her. Ramdam ni Allana ang matigas nitong dibdib na nakadikit sa likod niya. Halos kapusin siya ng hininga. Lalo pang tumaas ang nerbiyos niya ng bahagyang umusog si Graham para abutin ang pako na nasa harapan nila. Isinabit na nito ang nameplate. Pagkatapos nitong maisabit ang bagay na iyon ay umalis narin ito sa likuran niya. Binalikan na nito ang naiwang gawain. -----***----- Katulad nang palagi niyang ginagawa ay nanatili lang na nakatayo si Allana sa gilid ng lamesa habang pinagmamasdang kumuha ng pagkain si Graham. Kanina ay nakita niya ang tuwa sa mukha nito ng malaman na caldereta ang iniluto niya. Para kay Allana ay malaking compliment iyon. Kahit walang anumang sinabi si Graham ay masaya parin siya dahil sa naging reaksyon nito. "Sit," utos ni Graham. Napalingon naman sa likuran niya si Allana. Dalawa lang sila sa kwartong iyon kaya siguradong siya ang sinabihan nitong umupo. "Sabi ko upo," ulit ni Graham. "Sabayan mo na akong kumain at baka nagugutom ka na rin." Hinampas-hampas ni Allana ang pisngi niya. Kinagat niya rin ang pang-ibabang labi niya para mapatigil ang ngiti na unti-unting pumapaskil sa mukha niya. Ayaw niya kasing makita iyon ni Graham. Pero huli na dahil bigla itong lumingon sa kaniya at nakita ang ginagawa niya. "Bukas, pupunta si mama," ani Graham. Muli itong nagpatuloy sa paglalagay ng pagkain sa plato niya. Samantala, si Allana naman ay nagmamadali ng humila ng upuan at umupo roon. Nahihiya pa siyang tumitig kay Graham. "Ayokong makararating sa kaniya na hindi maganda ang pagsasama natin. So I need you to pretend that we're ok, katulad ng ginagawa mo ngayon. Just keep on pretending and lying," dugtong ni Graham. "Ok," tipid na sagot ni Allana. "At pwede ba, tigil tigilan mo nga ang kakangiti mo. It's so annoying." Tsk! Annoying. Pasalamat ka nga kahit ang sungit sungit mo e, may babae paring nagagawang ngumiti sa'yo e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD