Kabanata 20: Mommies Visit

1058 Words
"Look at the both of you. Aba. Bagay na bagay talaga kayo oh." Gustong gusto ng isubsob ni Allana ang mukha niya sa lupa dahil sa sobrang hiya. Halos manakit na ang leeg niya kakayuko. Kanina pa kasi siya pinupuri ng ina ni Graham. Hindi niya naman alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Lahat kasi ng sinasabi nito tungkol sa kaniya ay kinokontra naman ng reaksiyon ni Graham kapag siya lang ang nakatingin dito. Habang nakayuko ay naramdaman niya ang pag-akbay sa kaniya ni Graham. Kanina pa rin ito sobrang sweet sa kaniya. Ang akala nga ni Allana ay siya ang magpapakaplastik ngayon e pero mas malala pa pala ito kesa sa kaniya. "Talaga ba ma? Bagay kami nitong asawa ko?" Sweet man ang pagkakasabi ni Graham no'n ay lasang-lasa naman ni Allana ang pait na nagtatago sa gilid ng mga ngiti nito. Halatang sinasakyan lang nito ang ina. Na nagdudulot naman ng sakit sa puso ni Allana at tuwa. Nasasaktan siya dahil sa ginagawa nilang pagpapanggap pero at the same time ay masaya rin siya dahil nagagawa niyang matikman ang pagiging sweet ni Graham. "Aba oo naman. Unang kita ko palang dito kay Allana ay alam ko na agad na may spark kayo e," sagot naman ni donya Carmela sa anak. "Talaga po ba?" pilit na nginitian ni Allana si Graham. Agad naman siya nitong pinanlakihan ng mata. Talagang ayaw nitong mag pabuko sa ina na hindi ok ang relasyon nila. "Oo. At alam ko talaga na mag ki-click kayo." Mas hinigpitan pa ni Graham ang pagkaka-akbay niya kay Allana. Mas lalo lang tuloy itong napangisi. Natutuwa talaga ito dahil siya ang bida ngayon sa bahay nila. "Salamat po tita," nakangiting tugon ni Allana. Tinangal niya na ang braso ni Graham na nakapatong sa balikat niya at umayos ng upo. "Tita? Ano ka ba. Stop calling me tita. Dapat ay mama na ang tawag mo sa akin. Dahil ngayon ay hindi ka nalang basta kaibigan nitong anak ko. You are already his wife. Your part of the family, kaya tawagin mo na akong mama. Understand?" She looked at Graham's face. Bakas na bakas niya ang pagkadis-gusto sa mukha nito dahil sa narinig pero nanatili lang itong nakangiti. Napaka plastik talaga. Pwede naman siyang kumontra e, iyon ay kung kaya niyang basagin ang pagpapanggap namin. It's his choice. Siya naman itong nagdala sa amin sa ganitong sitwasyon e. Although, nagugustuhan ko ito ay nahihirapan din naman akong magpanggap no. "Ok po mama," sabi nalang ni Allana. Nagulat nalang siya ng bigla siyang hawakan sa dalawang kamay ni donya Carmela at hilahin palapit sa kaniya. "Alam mo ba Allana. Napakasaya ko talaga at ikaw ang napiling pakasalan nitong Graham ko. To tell you honestly, mas boto ako sa'yo kesa doon sa ex girlfriend nitong anak ko e." "Po?" hindi naman makapaniwalang sabi ni Allana. Nang bitawan siya ni donya Carmela ay tinapunan niya ng tingin si Graham. Nag smirk lang ito sa kaniya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang. Pero sa totoo lang, masaya siya dahil sa narinig niya mula sa ina ni Graham. Kahit papaano ay naramdaman niya na meron siyang napanalunan. This time, mas mataas na ang score na nakuha niya kesa kay Bebeca. Hindi man ganoon kalaki ang premyong nakuha niya ay masaya parin siya dahil nakuha naman niya ang puso ng isa sa mga judges. Ang puso ng ina ng mahal niya. "So? Hindi pa ba tayo kakain? The food is getting cold," awat na sa kanila ni Graham. Tatayo na sana ito pero agad naman itong sinenyasan ng kaniyang ina na maupo muna. "Sandali nalang. Siguradong parating na ang iyon," ani donya Carmela habang salitang tinitingnan ang suot na relo at pintuan. "At sino nga ang iniintay natin?" takang tanong naman ni Graham. Wala naman kasi siyang inaasahang bisita. Maliban nalang kung may inimbita ang kaniyang ina. "Basta. Malalaman ninyo rin kapag dumating na siya. Just wait and see. I'm sure ikatutuwa mo iyon iha," excited na sagot naman ni donya Carmela. "Po?" Turo ni Allana sa sarili niya. Kung gaano siya kawalang idea sa sinasabi ni donya Carmela ay ganoon din si Graham. Parehas silang clueless sa tinutukoy ng ginang. Pero dahil wala naman din silang choice ay nanatili nalang silang nag-abang sa kung sino man ang darating. Few minutes later ay tumunog na nga ang doorbell. Indikasyon na sa wakas ay dumating na rin ang pinakaiintay nilang panauhin. Agad na tumayo si Allana at nag presinta para salubungin ang bisita. "Ako na po ang magbubukas." Nagmamadali niyang tinahak ang front door. Tapos dumiretso siya sa maliit na gate. Nakita niyang may naka-park na puting kotse sa tapat ng bahay nila. Muling tumunog ang doorbell kaya nagmamadali na niyang binuksan ang maliit na gate. Pagsilip niya sa labas ay isang babae ang nabungaran niyang naka tayo sa harap at nag do-door bell. She was holding a box of cake. "Mama?" She trow a big smile to Allana. Dahil na miss niya ang anak na ilang linggo na niyang hindi nakikita ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. "It's good to see you. Teka, pumayat ka ba? Bakit parang hindi ka kumakain ha?" bungad nito habang pinapasadahan siya ng tingin. "Ano pong ginagawa ninyo dito?" surprise na tanong ni Allana. "Ano ba namang klaseng tanong iyan ha? I'm your mother kaya ano naman ang masama kung bisitahin kita dito ha? Hay, ano ba namang klaseng anak ito. Imbes an matuwa ka dahil nakita mo ako ay ganiyang tanong pa ang isasalubong mo sa akin. Tsk." Nilampasan na niya si Allana. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagmamadaling isinara tuloy ni Allana ang gate para sabayan ito sa paglalakad. Nang maabutan niya ang ina ay kinuha niya bitbit nitong kahon. "Where are them?" tanong ng mama niya pagkapasok ng bahay. Agad nitong pinagala ang tingin sa paligid. "This is not that bad ha," anito tungkol sa itsura ng bahay. "Mare..." Napatayo si donya Carmela ng marinig ang boses ng ina ni Allana. Sinalubong niya ito ng yakap. Tila matagal ng magkakilala ang mga ito at masayang masaya sa pagkikitang iyon. "So you both planned this?" tanong ni Allana sa dalawang ina. Nagtanguan naman ang mga ito. Napipilitan tuloy siyang napangiti. Mukhang mahaba haba pa kasi ang gagawin nilang pag-arte ni Graham.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD