Kabanata 21: Pagmamahal Ng Ina

1621 Words
Nagsimula na silang kumain ng tanghalian. Ngayon lang naging special ang pakiramdam ni Allana. Paano ba naman ay dalawang ina ang umaasikaso sa kaniya. Para siyang naging 'star of the day' sa turing ng mga ito sa kaniya. Katulad ng ginagawa ng mga ito ngayon. Ang dami-daming inilagay na pagkain ng dalawa sa plato niya na akala mo ay dambuhala ang kakain. "So. Pinagplanuhan n'yo talaga ang pagpunta dito huh?" naiiling na sambit ni Graham. Napatigil sa paglalagay ng ulam sa plato ni Allana ang dalawa at nagkatinginan. They both giggled. "Actually, your mom had all the idea about visiting the two of you. And since I miss my daughter too ay pumayag narin ako. Wala naman sigurong masama sa pagpunta namin dito, right?" sagot ng mama ni Allana. Agad nagtapon ng ngiti si Graham dito. Kung gaano karami na ang pinakawalan nitong ngiti sa mga ina nilang dalawa ay ganoon narin karami ang mga lihim nitong pagsimangot kapag si Allana lang ang nakatingin sa kaniya. "Yeah. Masaya nga po kami at naisipan ninyong bumisita eh. Hindi ba honey?" sagot ni Graham. Sandali itong tumigil sa pagsubo at tumingin kay Allana. Kinuha niya ang kamay nito na nasa lamesa at pinisil iyon ng marahan. Mukha siyang batang nagpapakampi dahil may umaaway sa kaniya. Nang hindi nga nakasagot agad si Allana ay naramdaman nalang nito na dumiin ang pagkakahawak ni Graham sa kamay niya. "A-ah. Of course." Huwag kang mag-alala, hindi kita ilalaglag. Gusto sanang i-dugtong iyon ni Allana para mapa-kampante ang asawa pero hindi niya ginawa dahil maririnig iyon ng kanilang mga ina. "Sandali nga, ikaw ba Graham e pinapakain ng maayos itong anak ko ha. Bakit parang kulang siya sa sustansiya?" sita ng mama ni Amanda. "Ma," protesta naman ni Allana dito. "Ano bang ma. Aba tingnan mo nga anak. Parang medyo humuhumpak ang mukha mo e." Hinawakan ng mama niya ang mukha niya at hinaplos iyon. Napatingin naman si Allana kay Graham. Tila nagtatanong kung ano ang isasagot niya sa kaniyang ina. "Ano ka ba mare, baka naman dala lang iyan ng pagbubuntis ni Allana. Katulad noong ipinagbubuntis ko itong si Graham. Naging masyado akong maselan sa pagkain noon e kaya hindi ako gaanong tumaba," pagtatanggol naman ni donya Carmela sa anak. Iyon na ang naisipang dugtungan ni Allana. "Oo nga ma, tama po iyon. Medyo maselan nga po ako sa pagkain ngayon e," aniya. "Hay naku, kung may gusto kang kainin ay utusan mo iyang asawa mo at magpabili ka." wika naman ni Amanda. "Opo. Alam naman ni Graham ang obligasyon niya," ani Allana sabay tingin sa asawa. "Oh siya sige na. Bilisan na natin ang pagkain at excited na akong makita ang baby's room," awat na sa usapan nila ni donya Carmela. "Oo nga. Gusto ko na ring makita iyon e," Allana's mom second the motion. ---×××---- Pagkatapos mananghalian ay sinimulan ng iligpit ni Allana ang mga platong kinainan nila. Tinulungan naman siya ng kaniyang ina. Habang sina Graham at donya Carmela ay nagku-kwentuhan sa sala. "Kumusta naman ang pakitungo sa'yo ni Graham?" tanong ni Amanda sa anak. Napayuko si Allana. "Ayos lang naman po." Nagsimula ng hugasan ni Allana ang mga plato. Ang kaniyang ina naman ay tumayo sa likuran niya. "Your lying," wika ng ginang. Napatigil sa pagkilos si Allana. Para siyang biglang nanigas sa kinatatayuan niya. Pinatay naman ng mama niya ang gripo at hinawakan siya sa magkabilang balikat para ipaharap sa kaniya. "Sabihin mo sa akin, ano ang totoong estado ninyo," dugtong nito. Nanatiling nakayuko si Allana kaya naman hinawakan siya sa baba ng kaniyang ina at pilit na itinaas ang ulo niya para makita ang kaniyang mukha. Nang makita ni Amanda ang pumapaskil na kalungkutan sa mukha ng anak ay agad niya itong niyakap ng mahigpit. "Kung hindi mo na kaya, umuwi ka na," bulong niya habang yakap ang anak. Nanatiling tahimik si Allana. Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ng ina. Kahit papaano lumuwag ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Nang maghiwalay sila ay nagawa ng makangiti ni Allana. Kinuha niya ang kamay ng ina at hinawakan niya iyon ng mariin. "Huwag po kayong mag-alala sa akin. Hindi naman po ako sinasaktan ni Graham." "Aba, subukan lang niya at kami ng mama Carmela mo ang gugulpi sa kaniya." Tumango-tango si Allana. Ngumiti naman ang ina niya. Hinila na nito ang kamay na hawak ni Allana at bahagyang pinaurong ang anak sa lababo. Siya na ang nagpatuloy sa ginagawa nito. "Tara na, tapusin na natin ito at gusto ko ng makita ang magiging kwarto ng baby ninyo." Pagkatapos magligpit sa kusina ng mag-ina ay sabay na silang nagpunta sa sala. Nang makati naman sila ni Graham ay bigla itong napatayo sa kinauupuan niya at sinalubong si Allana. Hinawakan niya ang kamay ni Allana at sinimulang hilahin pa akyat sa ikalawang palapag. Sumunod din kaagad sa kanila sina Amanda at Carmela. Pagdating sa itaas ay dumiretso sila sa kwarto ng baby. Binuksan iyon ni Graham. Excited na pumasok sa loob ng kwarto si Carmela. Agad nitong sinipat ang bawat bahagi ng kwarto. Si Graham at Allana ay pumasok na rin. Samantala ang ina ni Allana ay nanatili lang na nakatayo sa may pintuan pero katulad ni Carmela ay umiikot narin ang mata nito sa paligid. "This is great!" pag compliment ni Carmela. Nakatayo siya sa gilid ng kamang pambata at tinitingnan ang mga stuff animals na nasa ibabaw niyon. "Yes, pero marami pa ang kulang," sagot ni Amanda. Ramdam ni Allana ang pagka-dissapoint sa boses nito. Tumingin sa direksyon ni Amanda si Carmela. Maya-maya ay lumakad ito palapit dito. Tapos inakbayan niya ito at ngumiti ng napaka tamis. "Kaya nga tayo nandito hindi ba? Tayo na ang magpapa-bongga nito. Ang mahalaga, ay alam na natin na meron na silang nasimulan." "Sabagay," pagsang-ayon naman ni Amanda. Tumingin ito kay Allana at ngumiti. "Tsaka dito naman tayo matutulog hindi ba? Maaga pa naman so makakapag shopping pa tayo at madadagdagan pa natin ang mga gamit ni baby," sabi pa ni Carmela. Nang marinig iyon ng mag-asawa at parehong nanlaki ang mga mata nila. Nagkakatitigan rin sila at parehong nagtatanong ang mga mukha nila. "Dito kayo matutulog?" hindi makapaniwalang tanong ni Graham. Pareho silang na shock ni Allana. Iyon nga lang, para kay Allana ay ok lang iyon. Hindi iyon big deal. Hindi katulad ni Graham na bakas sa mukha ang pagka-asar. "Yes Graham. Dito kami matutulog kaya ipahanda mo na ang tutulugan namin. Oo nga pala. Kanina ko pa hinahanap ang katulong ninyo. Where are them?" ani Carmela sabay tingin sa labas ng pintuan. Muling nagkatinginan sina Allana at Graham. Kapwa nagbabasahan kung ano ang isasagot sa tanong na iyon. "Ahh. Day off nila," sagot na parang patanong ni Graham. Hindi parin nawawala ang tingin nito kay Allana na parang hinihintay na segundahan nito ang sinabi niya. But Allana choose to keep quiet. Ayaw niyang magsalita dahil iniisip niya na baka magkaiba lang ang maging sagot nila. "Lahat sila? Sabay-sabay?" gulat na tanong ni Carmela. Napatingin ito kay Allana. Tila nagtatanong ang mga mata nito kung ayos lang ba iyon sa kaniya. "Ahh yes, si manang Emilia kasi ay nagpaalam na uuwi muna sa probinsya nila. And iyong bago ko namang katulong ay day off." paliwanag agad ni Graham. "For this big house ay isa lang ang kasambahay ninyo? Aba! Dapat ay kumuha ka pa ng dalawa. Naku naman anak. Baka naman pinagta-trabaho mo pa ang asawa mo dito sa bahay ha? Remember, she's pregnant! Dapat ay hindi mo siya gaanong pinapakilos," Carmela exclaimed. Halatang hindi nito gusto ang idea na gumagawa ng gawaing-bahay si bahay. Para kay Allana ay hindi naman iyon big deal. Bilang asawa ni Graham ay alam naman niyang obligasyon niya iyon. Ang ayaw niya lang ay ang mga ginagawa ni Graham para masaktan siya. Doon talaga siya kontrang-kontra. "Ahh yes. Ang totoo niyan ay kumontak na ako sa agency. Iniintay ko nalang ang tawag nila," sagot naman ni Graham. Napakabilis talaga nitong mag-isip ng palusot. "Hay naku Graham. Madaliin mo na ang pag-aasikaso sa bagay na 'yan ha! At naku hindi ko gustong pinapagod mo itong si Allana," Carmela. "Yes ma." pag sang-ayon nalang ni Graham. Parang anumang oras ay sisigaw na ito dahil sa tindi ng inis. Noong minsang dalhin ni Graham si Allana sa bahay nila ay doon niya nakilala si donya Carmela. Doon sila nakapag palagayan ng loob. Simula noon ay sinasabi ni Graham na madalas daw mag request ang mama niya na dalhin ulit si Allana sa bahay nila pero hindi na nangyayari dahil palaging may Bebeca na kumu-kontra. Tila nagseselos ito dahil nakikita nito na mas gusto ng mama ni Graham si Allana kesa sa kaniya. Kita naman sa inaasta niya ngayon eh. She was so overprotective, pagdating kay Allana at sa magiging apo niya. Pero— kung gaano siya ka excited sa paparating na baby ay ganoon naman ka walang pakialam ang anak niya. Pero nagpapasalamat pa rin si Allana dahil kahit papano ay may natutuwa rin pala sa mga nangyayari. "Ok," ani Carmela kay Graham sabay baling ng tingin kay Amanda. "Oh siya, halika na kumare at mag shopping na tayo habang maaga pa." Sinimulan ng hilahin ni Carmela palabas ng pinto si Amanda. Si Graham at Allana naman ay nanatiling nakatingin sa kanila. "Sige, kami na ang bahala sa dinner mamaya," pahabol pa ni Amanda sabay kaway sa mag-asawa. Ginantihan naman ito ng kaway nina Graham at Allana. Nang hindi na matanaw ng dalawa ang mga nanay nila ay automatic na naghiwalay ang mga katawan nila. Mukhang break time muna sa pagpapanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD