Katulad ng ibinilin ni Graham kagabi ay maaga ngang gumising kinabukasan si Allana. Masigla siyang naghanda ng almusal para sa asawa. Ayaw niyang masira ang mood niya kaya lahat ng negative na nangyari noong nakaraang araw ay pilit niyang iwinawaksi sa isip niya.
Habang nagtitimpla ng kape ay pumasok na sa kusina si Graham. Nakasuot na ito ng pormal na kasuotan. Isang long-sleeve na polo at pantalon. Meron na rin itong suot na tie. Balak sana ni Allana na siya ang magsusuot ng tie nito katulad ng napapanuod niya na ginagawa ng asawang babae pero hindi pa siguro ngayon. Balang-araw ay magagawa niya rin iyon. Isa iyon sa isasama niya sa listahan ng mga gusto niyang magawa nila ni Graham bilang mag-asawa.
"Good morning." naka-smile na bati n Allana sa asawa.
As usual, isang malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa kaniya. Tuloy-tuloy itong naupo sa mesa at humigop ng kapeng itinimpla niya ng walang anomang sinasabi.
Kahit palagi nalang nagsusungit si Graham ay hindi niya pa rin mapigilan na hangaan ang pisikal na anyo nito. Palagi nalang siyang napapatulala kapag pinagmamasdan niya ito. Katulad ngayon. Ang gwapo gwapo nito sa paningin niya. Para itong isang Greek God na nakaupo sa harap niya. Napakaayos ng posture nito habang nakaupo. Hindi lang ito nakasuot ng tulad sa mga napapanuod niyang fantasy movie pero para talaga itong isa sa mga kamag-anak ni Zeus. Napakalakas ng appeal nito sa suot nitong suit and tie. Para itong isang Greek God na nasa future.
Ma-swerte parin siya dahil napagmamasdan niya ito ng malapitan. Hindi katulad ng mga babaeng kasama nito sa trabaho. At least siya ay pwede na niyang ipagyabang na asawa siya nito. Oo sa ngayon ay sa papel palang pero soon ay magkakaroon na talaga siya ng papel sa buhay nito.
"Pag-alis ko, maglinis ka ng bahay. Ayokong may nakikitang alikabok sa mga gamit ko."
Bahagya pang nagulat si Allana ng magsalita si Graham. Mabuti nalang at hindi ito nakatingin sa kaniya.
"Sige," maikling sagot niya.
"Ayoko ng mga bisita. Ayoko rin na lalabas ka ng hindi nagpapaalam sa akin. From now on, gusto kong dito ka lang sa loob ng bahay na ito."
Gusto pa sanang mag reklamo ni Allana pero pinigil na lang niya ang sarili niya dahil alam niyang pagmumulan lang iyon ng gulo. Siguradong hindi rin naman papayag si Graham na mag demand siya.
"Okay."
"Siguraduhin mo lang na ipinapasok mo diyan sa utak mo ang mga sinasabi ko ah."
"Oo naman." Hindi naman ako tanga.
Gusto pa sanang idugtong iyon ni Allana pero hindi niya ginawa. Dahil ang totoo ay para naman talaga siyang tanga dahil sa ginagawa niya.
Bakit ko naman kasi gustong ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking wala namang gusto sa akin? Eh hindi ba nga tanga lang ang gumagawa ng ganoon? Alam ko naman iyon eh. Pero, may parte kasi ng utak ko ang nagsasabi na baka- malay mo, balang-araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Kapag nagpatuloy ang maayos na pagsasama namin sa iisang bubong ay baka manumbalik ang dating Graham ko.
Pagkatapos kumain ng breakfast ni Graham ay umalis na ito agad. Wala man lang itong sinabing goodbye, o ano. Basta nalang itong tumayo at lumayas. Inihatid pa ito ni Allana sa garahe pero dahil may remote naman itong ginagamit ay hindi na niya kinakailangan pang pagbuksan ito ng gate.
Nang makaalis na ang kotse ni Graham ay bumalik na sa kusina si Allana para siya naman ang kumain ng almusal. Syempre, bago simulan ang paglilinis ay kailangan niya muna ng lakas para gawin iyon.
"Baby, kaya natin 'to ha. Huwag kang bibitaw. Pasasaan ba at lalambot din ang puso ng daddy mo. Magtiwala lang tayo ok," pagkausap ni Allana sa baby niya.
Sa ngayon, ay ito lang muna kasi ang masasandalan niya. Wala siyang pwedeng pagsabihan ng mga nangyayari sa kanila ni Graham dahil ayaw niyang makarinig ng paninisi. Ayaw niyang makarinig ng panunumbat mula sa ibang tao. Higit sa lahat, ayaw niyang siraan si Graham sa ibang tao. Dahil alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga ito ganoong klase ng lalaki.
Graham was a caring guy. Isang lalaking punong-puno ng ka sweet-tan sa katawan. Napaka masiyahin din nito. Pero dahil sa kaniya. Dahil sa mga pangyayari ay naging ganito na ito.
Pagkatapos kumain ay naghugas muna siya ng mga pinagkainan bago nagsimula sa paglilinis. Dala ang vacuum na nakita niya sa lagayan ng mga panlinis ay sinimulan niyang buksan ang mga kwarto sa itaas. Lahat inisa-isa niya. Maliban sa isa na hindi niya mabuksan dahil naka-lock. Hindi naman iyon ang kwarto ni Graham pero dahil naka-lock iyon ay hindi na niya pinilit pang buksan iyon. Inisip niya kasi na baka bodega iyon, o kung anoman. Katabi ng naka-lock na pintong iyon ay ang pintuan na ng kwarto ni Graham. Sinubukan iyong buksan ni Allana. Nang malaman niyang hindi iyon naka-lock ay pinagpasyahan niyang idamay na rin iyon sa paglilinis niya.
Grey and white ang combination ng kulay na makikita sa kwarto ni Graham. Dahil first time na napasok iyon ni Allana ay excited niyang inilibot ang tingin niya sa loob. Hanggang sa tawagin siya ng isang picture frame na nakapatong sa lamesang nasa bandang uluhan ng kama.
Bahagyang nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang larawang nasa picture frame. Ang sweet kasi ng kuha nina Graham at Bebeca sa picture na iyon. Magkayakap silang dalawa doon at nagtatawanan. Iyong ngiti ni Graham sa larawang iyong ang hinahangad niyang makita ulit.
Napangiti si Allana ng mapait habang pinagmamasdan iyon. Sa totoo lang, pakiramdam niya ay siya ang witch sa love story ng dalawa. Siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mga ito.
Habang tahimik na nakatitig sa naturang larawan ay namalayan niya na lang na tumutulo na pala ang luha sa mata niya. Agad niya din naman iyong pinahid gamit ang kamay niya at ngumiti ng pilit.
Hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na makaramdam ng ganito. Kawawa naman ang baby ko kung patuloy kong iiyakan ang mga bagay na tapos na. Kailangan kong maging masaya kahit papaano.
Maingat niyang binuhat ang picture frame pagkatapos ay pinakatitigan niya iyon ng maigi. Bahagya niyang tinakpan ang mukha ni Bebeca, gamit ang kamay niya. Habang nakangiting iniisip na siya ang kasama ni Graham sa larawang iyon.
Napatalon siya ng may teleponong bigla nalang nag-ingay sa paligid. Dahil doon ay aksidente niyang nabitawan ang hawak na picture frame. Agad kumalat ang basag na piraso ng salamin sa sahig. Alam niyang hindi iyon ikatutuwa ni Graham kaya kinakabahan siyang naupo at sinimulang damputin ang nagkalat na piraso ng salamin. Habang ginagawa niya iyon ay bigla nalang siyang nakarinig ng malakas na sigaw mula sa kaniyang likuran.
"WHAT THE f**k ARE YOU DOING IN MY ROOM?"
Halos mamutla siya ng marinig ang nakakatakot na pagsigaw ni Graham. Galit na galit ito. Ilang segundo rin siyang hindi nakakilos.
"YOU B*TCH! ANONG GINAWA MO SA PICTURE NAMIN NI BEBECA?"
Madiin ang mga hakbang na ginawa ni Graham palapit sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay ramdam niya naman ang matinding galit nito. Nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya ay mariin nitong hinawakan ang braso niya at pwersahan siyang hinila patayo. Tapos kinaladkad siya nito palabas ng kwarto at pabalyang itinulak.
"Graham-" magsasalita pa sana si Allana para magpaliwanag pero agad na siyang tinalukuran ni Graham.
Pabalibag nitong isinara ang pinto. Kamuntikan pang umabot iyon sa mukha ni Allana. Mabuti nalang at malakas ang kapit no'n sa pader, dahil kung sakali ay tumama talaga iyon sa mukha niya.
"Graham," naiiyak na tawag ni Allana sa pangalan ng asawa.
Napatingin siya sa nahiwa niyang daliri. Kahit nasugatan dahil sa basag na salaming, sinubukan niyang damputin ay wala siyang nararamdamang sakit. Tila nag-uumapaw ang kirot na tumatagos sa puso niya dahil sa pakitungo ngayon ni Graham sa kaniya. Iyon ang mas nararamdaman niya. Ang sakit na dulot ng trato nito sa kaniya. Hindi man lang kasi nito tinanong ang paliwanag niya. Hindi man lang nito inalam kung ano ba ang nangyari.
Bagsak ang balikat na tumalikod mula sa kwarto ni Graham si Allana. Walang gana siyang tumungo sa kwarto niya at doon niya inilabas ang sangkaterbang luha na naghuhumiyaw sa mata niya. Padapa siyang nahiga sa kama. Isinubsob niya ang ulo niya sa malambot na higaan at doon nagsimulang humagulgol ng iyak.
Bakit ba kailangan niya akong palaging sigawan? Murahin? Sabihan ng mga masasakit na salita? Paraan niya ba iyon para ako na mismo ang lumayo sa kaniya? Pero mahal ko siya. Hindi ba pwedeng bigyan niya muna ako ng pagkakataon?