After a minute ay natapos na rin ni Allana ang healthy sandwich na ginawa niya. Mabuti nalang at mabilis niyang nakita ang kusina sa bahay na iyon. Mukhang napaghandaan naman ni Graham ang pagdating nila dahil halos kompleto ang laman ng ref nito.
Tamang-tama dahil pagkatapos magsalin ng guava juice ni Allana sa baso ay pumasok na si Graham sa kusina. Nakapag palit na ito ng pambahay. Isang puting t-shirt at stripe tokong ang suot nito. Lihim itong hinahangaan ni Allana. Kahit ano kasi ang suot nito ay bagay na bagay iyon sa kaniya.
"Tara kain na tayo," aya na ni Allana dito.
Tiningnan lang siya ng blanko ni Graham. Diretso itong naupo at kinuha ang isang sandwich na nasa lamesa. Paupo na rin sana si Allana ng biglang nagsalita si Graham.
"Sino ang may sabi sa'yo na pwede mo akong sabayan sa pagkain?" he asked with a cold tone.
Napatigil naman si Allana sa gagawin niya. Tiningnan niya si Graham. Patuloy lang ito sa pagkain. Hindi nga ito nakatingin sa kaniya.
"Graham," punong-puno ng pagtatanong ang mata ni Allana. Hindi niya alam kung seryoso ba talaga si Graham sa sinabi nito.
Dahil hindi naman nakatingin si Graham ay inisip ni Allana na baka nagkamali lang siya ng pagkarinig dito. Itutuloy na sana niya ang naudlot niyang pag-upo pero malakas na hinampas ni Graham ang lamesa. Napapitlag si Allana dahil sa pagkabigla. Halos mabingi siya dahil sa ginawa ni Graham. Bahagya siyang nakaramdam ng takot ng titigan siya nito gamit ang nanlilisik nitong mga mata.
"Bingi ka ba?" galit na sigaw ni Graham.
Napayuko siya. Ramdam niya ang galit nito. Ibang-iba na ito sa Graham na kilala niya. Iyong Graham na kaibigan niya, kahit minsan ay hindi pa siya nito nasisigawan.
"Pero gusto ko lang namang kumai-"
Muling hinampas ni Graham ang lamesa. This time as mas nilakasan pa nito. Tapos marahas nitong dinampot ang natirang sandwich sa plato at ibinato iyon kay Allana. "Ano bang akala mo Allana ha? Na tuwang-tuwa ako dahil makikita ko 'yang pagmumukha mo araw-araw?"
Nanatili lang na nakayuko si Allana. Parang ayaw mag sink-in sa sistema niya ang ginagawa at sinasabi ngayon ni Graham sa kaniya.
"I'm sorry," iyon na lang nabitawang salita niya. Hindi niya magawang mag-angat ng ulo para salubungin ang tingin ni Graham. Nanatili lang siya sa ganoong posisyon hanggang sa matapos na itong kumain. Halos mamula na nga ang labi niya dahil sa ginagawang pagkagat dito. Kanina pa kasi niya pinipigil ang pag-iyak niya.
Nang lumabas na si Graham sa kusina ay tsaka kumilos si Allana para iligpit ang nagkalat na gulay at tinapay sa lapag. Habang pinupulot niya ang mga iyon ay doon na tuluyang umagos ang luha niya. Halos hindi na niya makita ang pinupulot niya. Lahat ng emosyon na pinipigilan niya kanina pa ay bumuhos kasabay ng mga luhang iyon.
Hindi ko masisisi si Graham kung bakit ito nagagalit ngayon. Wala akong planong sisihin siya. I deserved all of this. Kaya kung anoman ang gawin niya ay dapat ko lang iyong tanggapin. Kailangan ko iyong tanggapin dahil gusto kong mapatawad niya ako.
Pagkatapos mailigpit ni Allana ang mga kalat ay gumawa nalang siya ng bagong sandwich para sa sarili niya. Hindi niya na iyon inartehan pa katulad ng ginawa niya kanina. Basta nilagyan niya nalang ng palaman ang tinapay. Medyo gutom na rin kasi siya. At ang mahalaga ay malamanan na ang tiyan niya.
Paglabas niya ng kusina ay naabutan niyang nakaupo si Graham sa malaking kulay itim na sofa. Nagbabasa ito ng mga dokumento. Nakayuko siyang lumapit dito.
"Magpapahinga na ako," sabi niya habang nakayuko.
"So what? Ano ang pakialam ko sa mga gusto mong gawin sa buhay mo," sagot naman ni Graham.
"Itatanong ko lang sana kung saan ang kwarto ko?"
"Up to the stair, go to your left. Iyong unang kwarto sa kaliwa ang magiging kwarto mo."
Bumuntong hininga si Allana at ngumiti. Binalikan na niya ang naiwan niyang maleta kanina. Kahit hirap na hirap siya sa pag-akyat niyon sa hagdan ay pinilit niya iyong gawin ng mag-isa. Ayaw niya naman kasing tawagin si Graham. Alam niya naman kasi na hindi rin siya nito tutulungan. Isa pa ay baka madagdagan lang ang inis nito sa kaniya.
Pagdating sa ikalawang palapag ay pumasok agad si Allana sa sinabing kwarto ni Graham. Malaki man ang kwartong iyon ay wala pa iyon sa kalahati ng kwarto niya sa bahay nila. Pero ayos narin iyon para sa kaniya. Dahil sa bahay na iyon ay kasama naman niya ang mahal niya. Iyon ang mahalaga sa kaniya.
Pagkasara at pagka-lock niya ng pinto ay matamlay siyang humiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame.
So this is going to be our husband and wife setup huh?
-----***-----
Malalakas na katok mula sa pintuan ang gumising sa nahihimbing na si Allana. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang pintuan. Kahit bahagya pang nakapikit ay nagawa naman niyang mabuksan ang pinto. Doon tumambad sa kaniya ang nanggagalaiting si Graham. Pinagsisigawan siya nito.
"WHO TOLD YOU TO LOCK YOUR F*CKIN DOOR?"
"Pero-"
"LET ME WARN YOU WOMAN! AYOKONG NAGLA-LOCK KA NG PINTO. UNDERSTAND?" anito.
Tumango nalang si Allana. Narito naman talaga siya para sundin ang gusto nito e, kaya ayaw niya ng makipagtalo.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ni Allana.
Bigla nitong inihagis sa mukha niya ang isang kulay pulang tela. Walang gana naman niya iyong kinuha. Nang tingnan niya iyon ay nalaman niya na isa pala iyong apron.
"MAGLUTO KA NA! Gusto mong maging asawa ako hindi ba. Pwes pagsilbihan mo ako ng mabuti. Hindi iyong tutulog-tulog ka lang diyan," huling sigaw nito bago tumalikod.
Bumuntong hininga nalang si Allana. Tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa taas ng LED TV na nasa paanan ng kama niya. Alas-siyete na. Mukhang na pahaba ang tulog niya. Siguradong gutom na si Graham.
Nagmamadali na siyang bumaba at nagpunta sa kusina. Pagkasalang niya ng bigas sa rice cooker ay humanap siya ng pwedeng lutuin sa ref. Gusto niya ng healty food kaya mga gulay ang inilabas niya. Mabuti nalang at marunong siyang magluto. Kahit kasi nakatira parin siya sa mga magulang niya ay mahilig siyang makigulo sa kusina nila. Hindi niya akalain na mapapakinabangan niya pala iyon ngayon.
Pagkaluto ng kanin at chopsuey ay agad na naghain si Allana. Pero dahil wala pa si Graham ay pinagtatakpan niya muna iyon at umakyat sa itaas para tawagin ito. Hindi niya alam kung nasaan ang kwarto nito kaya napagdesisyunan niyang isa-isahin ang mga kwarto. Ang mga una niyang sinubok buksan ay hindi mga naka-lock kaya sa ikaapat ay nasigurado niyang pagmamay-ari na iyon ni Graham dahil bukod tangi iyong naka-kandado.
Agad niya iyong kinatok. "Graham, nakahanda na ang hapunan."
Ilang sandali lang ang inintay niya ay bumukas narin ang pinto. Magkasalubong ang mga kilay ni Graham na humarap sa sa kaniya.
"Tss," ungot nito sabay bangga sa kaniya.
Nang lumakad na ito papunta sa kusina ay nagmamadali itong sinundan ni Allana. Pagdating doon ay tumayo si Allana sa gilid kung saan tahimik niyang pinanuod ang ginawang pagkain ni Graham. Hindi naman siya inalok nito kaya nanahimik nalang siya.
Kapag may inuutos ito, katulad ng pagsasalin ng tubig sa baso ay agad niya itong sinusunod. Para siyang katulong na inaasikaso ang asawa pero ayos na rin iyon sa kaniya. Kesa naman naririnig niya ang nakaririnding sigaw nito.
"Bukas ay maaga kang gumising. Alas-siyete ang pasok ang alis ko. Gusto kong nakahanda na ang almusal ko, kapag lumabas ako ng kwarto. Gusto mo maging asawa ko hindi ba? Pwes, gawin mo ang trabaho mo."
Imbes na pasasalamat dahil sa masarap na hapunan ay isang bilin ang iniwan ni Graham kay Allana.
Nang umalis na ito ay nagmamadali ng umupo sa hapag-kainan si Allana. Kanina pa kasi ito nagugutom, pero tinitiis lang nito ang nararamdaman dahil ayaw niyang magalit na naman sa kaniya si Graham. Dahil sinabi nitong ayaw siyang makasabay kumain, ay iyon ang susundin niya. Hangga't kaya niya ay iiwasan niyang gawin ang mga bagay na alam niyang ikagagalit nito. Para iyon sa kapayapaan nilang dalawa.
Para narin sa maayos na pagsasama nila.