Kabanata 24: Blooming

1314 Words
"Aba, mukhang blooming ang anak ko ngayon ah." Masiglang bati kay Allana ng mama Amanda niya. Nginitian niya lang ito. Naroon din sa kusina ang mama ni Graham. Parehong naghahanda ng almusal ang dalawa. Dumiretso si Allana sa ref at kumuha ng tubig. "Aba, oo nga no. Mukhang maganda ang tulog ni buntis ah," wika naman ng kaniyang mama Carmela. Tumigil pa ito sa ginagawang paghahalo sa niluluto para saglit siyang pasadahan ng tingin. Halos pamulahan siya ng mukha. Hindi kasi siya sanay na pinupuri kaya nahihiya siya sa paulit-ulit na ginagawa ng dalawa. Tumingin pa siya sa likuran niya para alamin kung naririnig ba sila ni Graham. Baka kasi naroon na ito. "Good morning po mga mama," bati nalang ni Allana sa dalawa. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay humila na siya ng upuan at naupo. "Asus talagang good ba ang morning mo? Ano? Kambal na ba?" tila kinikilig na tanong ng kaniyang ina. Nang mailapag na nito sa mesa ang sinandok na fried rice ay naupo na ito sa tabi niya. "Ma..." nahihiyang awat dito ni Allana. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan niya dahil sa sinasabi nito. Naroon pa naman ang mama ni Graham. Ayaw niyang may masabi ito sa kaniya. Isa pa ay ayaw niyang marinig din iyon ni Graham. Ayaw niya kasing bigyan na naman nito ng ibang kahulugan ang pagbibiro ng mama niya. Ayaw niyang isipin nito na kinukunsinti siya ng kaniyang ina dahil ang totoo ay wala rin naman itong alam sa totoong pinagdadaanan niya. "Ay naku. Ayos lang naman sa amin ang kambal no. Masaya nga iyon e, dahil dalawa agad ang madadagdag sa pamilyang Quinn," wika ng mama ni Graham. Pagkatapos nitong ilagay ang huling piraso ng bacon na iniluto nito sa platong nasa lamesa ay humila narin ito ng mauupuan at tumabi na sa kanila. Naiilang na ngumiti nalang si Allana. Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin niya para lang tigilan na siya ng dalawa. Talagang sa kaniya lang kasi naka pokus ang mga atensiyon nila e. "Oh diba, suportado ka naman nitong mother-in-law mo e," wika ng mama niya. "Aba oo naman. Buo ang suporta ko sa iyo," sagot naman nito sabay lingon sa labas ng kusina. "Sandali nga, nasaan na ba ang asawa mo? Nang makapag-almusal na." "Ah naliligo pa po siya e," sagot ni Allana. "Ok." Biglang tumayo ang mama ni Graham. "Kung ganoon ay mauna ka ng kumain," anito. Mabilis nitong inayos ang plato ni Allana at nilagyan niya iyon ng sandamakmak na sinangag at iba't-ibang uri ng ulam na pinirito. "S-sige po. S-salamat po," tanging nasabi nalang ni Allana. Nakangiti lang ang mama niya sa tabi niya. Sinenyasan na siya ng mama ni Graham na kumain na kaya kinuha na niya ang kutsara at tinidor na nakahanda narin sa lamesa. Pagsubo ni Allana ng sinangag ay biglang nagbago ang itsura ng mukha niya. Biglang nabura ang nakapaskil na ngiti sa pisngi niya. Napalitan iyon ng hindi niya maipaliwanag na ekspresyon. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa lababo ng maramdaman niya ang pag-angat ng kinain niya. Kahit hindi pa naman sumasayad sa bituka niya ang isinubo niya ay parang gusto na niyong lumubas. Ang akala niya kanina ay simpleng morning sickness lang ang nararamdaman niya pero ng kumain siya ng sinangag na may bawang ay nasigurado niyang ayaw talaga iyon ng sikmura niya. Marahil ay ayaw ng baby niya ng bawang. "Ayos ka lang?" Napaangat ang ulo ni Allana ng marinig ang boses ni Graham. Tila boses iyon ng isang nag-aalalang anghel. Unang beses siyang tinanong nito kung kumusta na ang kalagayan niya kaya naman parang gusto niyang magdiwang. Parang gusto niyang magpa-party at maghagis ng maraming confetti. Nagmamadali siyang nagpunas ng labi at humarap kay Graham. "O-ok lang ako. Mag almusal ka na. Ipinagluto tayo nila mama." "Ay sus..." natatawang usal ng ina ni Graham. Maging ang mama ni Allana ay parang batang kating-kati ring mang-alaska. Sobrang luwag kasi ng pagkakangiti nito na animo'y kinikilig sa nakikita. "Alam 'nyo, bagay na bagay talaga kayo," sabi ng mama Amanda niya. Nagkatinginan lang sina Graham at Allana. Kahit bahagya silang magkalayo ay parang may enerhiyang nagkokonekta sa kanilang dalawa. At iyong invisible na koneksyon na iyon ay tila nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa pagkatao ni Allana. Iba talaga ang dating sa kaniya ng mapupungay na mga mata ni Graham. Parang kahit wala itong sinasabi ay ang dami daming ipinapahayag ng mga mata nito. Nang mapagawi ang tingin ni Allana sa labi nito ay napalunok siya. Bahagya kasing nakaawang ang labi nito na tila nag-aanyaya ng isang matamis na halik. Nahihiya siyang nagbaba ng tingin. Parang gusto niyang sabunutan ang sarili niya sa kamanyakang pumapasok sa isip niya. "Pwedeng mag request mga anak? Isang good morning kiss naman dyan oh." Halos malaglag ang panga ni Allana ng marinig ang sinabi ng ina ni Graham. Tila narinig nito ang iniisip niya. Taranta siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina at alanganing ngumiti. "Ano ba ma, katatapos lang po namin kanina," pagsisinungaling ni Allana. Nanginginig niyang dinampot ang kahon ng fresh milk na nasa lamesa at nagsalin sa basong naroon tapos ininom niya iyon ng isang tunggaan lang. Na te-tense kasi siya. Hindi niya ma kontrol ang sarili niya kaya iyong gatas ang napagdeskitahan niya. "Awww. Tingnan mo nga itong Allana natin. Parang takot na takot sa labi ng asawa niya o." Tumatawang puna sa kaniya ng mama ni Graham. Parang gusto na niya tuloy magpalamon na sa lupa. Hiyang-hiya na talaga siya. Ramdam niya ang matinding pag-iinit ng pisngi niya. Siguradong kung may salamin lang sa paligid ay kitang-kita niya rin ang matinding pamumula ng pisngi niya. Habang pilit na pinapakalma ang sarili ay lumakad palapit sa kaniya si Graham. Nagsimulang magwala ang dibdib niya. Napahawak pa siya dito para pigilan sana ang pag tambol nito pero habang papalapit ng papalapit sa kaniya si Graham ay papalakas din iyon ng papalakas. Tumayo si Graham sa harap niya. Hinawakan nito ang baba niya at pilit na iniangat ang ulo niya para magkatitigan sila. Nang magsalubong ang mga tingin nila ay walang kakurap-kurap si Allana. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ni Graham. Balak niya ba talaga akong halikan? "Good morning honey," nakangising bati sa kaniya ni Graham. Pinandilatan niya ito ng mata. "Huwag na huwag mong gagawin iyan," halos pabulong na sabi ni Allana. "So ano? Magagawa mo ba akong ipahiya sa mga nanay natin?" pabulong ding sabi ni Graham. "Just don't ok." Unti-unti nang inilapit ni Graham ang mukha niya sa mukha ni Allana kaya mas lalo pa siya nitong pinandilatan ng mata. Napangisi lang naman si Graham. Tila nang-aasar pa ito dahil wala siyang magawa patungkol sa balak nitong gawin sa kaniya. Akala ko ba ay gusto niyang iwasan ko na siya eh ba't parang nagpapa-cute naman siya ngayon? "Grahammm..." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng tuluyan ng maglapat ang mga labi nila. Na shock si Allana. She never expected it. Inaasahan niya kasi na iiwasan na siya ni Graham dahil sa sinabi nito kagabi. Ang akala niya ay inaasar lang siya nito ngayon at hindi niya akalain na itutuloy nito ang paghalik sa kaniya. Their two fans are cheering them. Bukod doon ay wala ng klarong naririnig si Allana. Tila unti-unting tumatahimik ang lahat. Pahina ng pahina ang naririnig niyang pagtili ng mga mama nila hanggang sa wala na. Tuluyan ng nilamon ng katahinikan ang paligid. She can't control her lips anymore. Tila may sarili na itong pag-iisip na kusang sumasabay sa pagsasayaw ng labi ni Graham. Kusa ring pumikat ang mga mata niya. This is their fourth kiss, but it was like the first one. Masyadong mainit. Napapaso siya pero nagugustuhan niya ang nararamdaman niya. Oh Graham, ano ba ang ginagawa mo sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD