Kabanata 23: Isusuko Ko Na Ba

1147 Words
Napuno ng masayang kwentuhan ang hapag kainan. Biglang nagkaroon ng buhay ang bahay na ilang linggo ring naging tahimik. Pagkatapos kumain ay nag-ayos silang apat ng mga dagdag na gamit para sa kwarto ng baby. Doon naubos ang oras nila. Doon din nakita ni Allana ang mga ngiti na matagal na niyang hindi nakikita. Iyong napakatamis na ngiti ni Graham habang nakikipaglokohan. Lihim iyong itini-treasure ni Allana. Para iyong diyamante na napaka-precious para sa kaniyang paningin. Simula ng magsama kasi sila ay hindi na niya nakita na ngumiti si Graham. Lahat ng itinatapon nitong ngiti sa kaniya ay parang ngiting-aso lang, plastik at hindi totoo. Hindi katulad ngayon. Masayang-masaya ito. Minsan ay humahalakhak pa ito, lalo na kapag binibiro ito ng kaniyang ina tungkol sa kabataan niya. That was the Graham, she misses a lot. Hindi niya akalain na magbabago ito. If she could turn back time, mas pipiliin na niyang manatili nalang ang pagkakaibigan nila. But there is no time machine kaya kailangan niyang mag move forward. She's accepting the consequences of her actions kaya siya nananatili sa tabi nito. And she will stay. Buo na ang loob niya sa bagay na iyon. She will win Graham's heart at gagawin niya ang lahat para makuha iyon. "Ok. Goodnight mga anak. Sige na, pumasok na kayo sa kwarto 'nyo." Nang marinig iyon ay nagkatitigan sina Allana at Graham. Kanina pa nila napaghandaan ang bagay na iyon. Alam nila na iyon ang kapalit ng pagpapanggap nila. Ayos lang naman iyon kay Allana. Pero si Graham, hindi maipinta ang mukha niya. Hindi niya talaga kasi gusto ang idea na kasama niyang matutulog sa isang kwarto si Allana. Pero dahil siya naman ang may pakana niyon ay wala siyang magagawa kung hindi ang tiisin iyon. "Ok ma. Sleep tight po," sagot ni Graham at hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina. Sunod niyang hinalikan ang pisngi ng mama ni Allana. Ganoon din ang ginawa ni Allana. Hinalikan niya rin sa pisngi ang dalawang ginang pagkatapos ay bumalik na siya agad sa tabi ng kaniyang asawa. Habang kumakaway ay naramdaman niya ang pag-akbay ni Graham sa kaniya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero hindi niya ipinapakita ang pagkailang niya. Halos magkapalit na sila ng amoy dahil maghapon na silang magkadikit na siyang ikinatutuwa naman niya. Ngayon lang kasi ulit sila naging ganito kalapit sa isa't-isa. "Goodnight po," pahabol na sabi ni Allana. Pagpasok sa kwarto nang dalawang ginang ay inalis na ni Graham ang kamay niya sa balikat ni Allana. Parang walang anomang nangyari at agad niya itong tinalikuran. Nang mapag-isa naman si Allana ay bigla siyang natigilan. Pinagmasdan niya ang pintuan na pinasukan ni Graham habang iniisip niya kung susunod ba siya dito o papasok na sa sarili niyang kwarto. Hay bahala na nga! Hahakbang na sana si Allana patungo sa kwarto niya ng marinig niya ang malamig na boses ni Graham. "Oh please Allana, do'nt ruin your perfect wife image right now," sarcastic nitong sabi. Marahang umikot si Allana para tingnan ito. Nakasandig ito sa hamba ng pinto habang naka-cross arm. He looked so annoyed. Tsk. Palagi naman. "Kung ayaw mo akong makasama sa pagtulog, hindi naman natin kailangang..." "Oh come on. Don't act like you don't want it. Tss. For all I know, kanina ka pa nag e-enjoy sa mga nangyayari." Oo nag e-enjoy nga ako. Oo masaya ako dahil sa mga nangyayari. Kahit papaano kasi ay nakita kong nakangiti ka. Ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti at naging masaya kahit sandali lang kaya hindi naman siguro masamang maging masaya rin ako dahil doon. Isa pa ay ngayon ko lang naramdaman na asawa mo ako Graham. Ngayon lang. She really want to say that pero tila may humihila sa dila niya at hindi niya iyon mailabas. Graham tsked. "Too obvious." Muling pumasok sa kuwarto si Graham. Sandali namang nanatili sa labas ng pintuan si Allana. Nag inhale-exhale siya ng paulit-ulit bago sumunod dito. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay hinanap niya agad ito. Hindi pa ito nakahiga. Nakapatay rin ang ilaw sa banyo kaya siguradong wala ito roon. Tuluyan na siyang pumasok at isinara ang pinto. Ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa asawa. Iyong kakarampot na liwanag na binubuga ng dim light ang siyang naging gabay niya para maaninag ang nakatayong si Graham na nasa balkonahe. Nakatanaw ito sa labas habang tangan ang isa baso na may lamang alak. Nilapitan siya ni Allana. Naramdaman ni Graham ang pagdating niya pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. Tahimik lang itong nakatingin sa labas. Tumayo siya sa likuran ni Graham. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likuran at nakangiting tumingala sa kalangitian. Maraming bituin ng gabing iyon. Ang karamihan sa mga bituing iyon ay malalaki at nagliliwanag ng sobra. Animo'y abot kamay niya na. Isang petfect na scenery kumbaga. "Masaya ka ba sa ganito Allana?" mahinang tanong ni Graham. Nilingon ito ni Allana. Doon niya nakita na nakatingala na rin pala ito. Malamlam ang mga mata nito at tila napakalalim ng iniisip. Tila mayroon itong mabigat na binubuhat. Bakas niya sa mukha nito ang paghihirap. "Magpahinga na tayo," sagot ni Allana. Ayae niya ng topic na binuksan ni Graham kaya balak na niyang tapusin kaagad iyon. "Ako hindi," hindi siya pinansin ni Graham. "Graham..." Humarap na si Graham sa kaniya. Pumaskil sa mukha nito ang isang pekeng ngiti. "Alam mo, kahit anong gawin mo Allana. Hinding-hindi kita magugustuhan." Nanatiling nakatayo lang si Allana. Parang nakagat niya ang labi niya at hindi makapagsalita. Ramdam niya kung gaano ka-sincere sa sinasabi niya si Graham. Alam niyang nagsasalita ito ngayon hindi bilang asawa, kundi bilang isang kaibigan. "Paano mo nasasabi iyan?" napapaos na tanong ni Allana. Napayuko siya. Para siyang unti-unting nadudurog. Tila may malaking kamay na pumipiga sa puso niya. Kahit wala naman siyang sakit sa puso ay bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Lumakad palapit sa kaniya si Graham. Leaving a little space left between them. Iniangat ni Allana ang ulo niya. Bumungad sa kaniya ang magkasalubong na kilay ni Graham. Naging mabagsik ang anyo nito. Para itong leon na handa na siyang sakmalin. Bahagyang napaatras si Allana dala ng takot na umusbong sa loob niya. Hindi siya sana'y sa ganitong asta ni Graham. "Kung hindi ka pa titigil. You will leave me no choice," mariing pagbabanta nito sabay bangga sa kaniya. He was serious as hell. Tuloy-tuloy itong lumakad palabas ng balkonahe. Habang si Allana naman ay napahawak sa dibdib niya. Lalo pang lumakas ang kalabog ng dibdib niya. Pinanuod niya ang paglalakad ni Graham habang pinakikinggan ang pintig ng puso niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot kay Graham. Not on the day she confess her feelings to him. Not even on her wedding day. Ngayon lang. Maybe because he was so sincere. Isusuko ko na ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD