Nagising si Allana dahil sa liwanag na tumatama sa mata niya. Sinubukan pa niyang iwasan ang sinag ng araw na iyon pero dahil biglang pumasok sa isip niya na umaga na ay tuluyan narin siyang napamulat. Hinanap niyq ang orasan. Nang makita niyang alas-dies na pala ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Masyado palang napasarap ang tulog niya. Dali-dali na siyang bumangon para kamustahin si Graham. Nang subukan niyang pihitin ang door knob ng kuwarta na tinulugan nito ay nalaman niyang hindi na naka-lock iyon. Pero wala na rin doon si Graham.
Nasaan kaya siya?
Bagsak ang balikat na lumabas ng kwarto si Allana. Lumakad siya palabas ng bahay. Doon niya nakita ang tanawing hinahangad niyang makita kagabi. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng lugar.
Nasa gitna ng dagat ang tinutuluyan nila. Dahil sa linaw ng tubig ay malinaw niyang nakikita ang nasa pinaka-ilalim ng dagat. Ang daming lumalangoy na isda. Sa bandang likod naman ng bahay ay may nakita siyang hagdan na pababa, padiretso sa dagat.
Feeling niya ay napaka perfect ng lugar na iyon para sa bagong kasal. Iyon nga lang, mukhang hindi para sa kanila ni Graham.
Nang makaramdam ng gutom ay muling pumasok sa loob ng kubo si Allana. Agad niyang ginawa ang morning routine niya at nagpalit ng suot na damit. Isang kulay asul na floral dress ang isinuot niya. Dahil bagsak ang tela ng suot niyang bestida ay sumasabay iyon sa ihip ng hangin. Nang makapag-ayos na ng sarili ay lumakad na siya papunta sa restaurant ng isla. Balak niya munang kumain bago hanapin si Graham.
Isang carbonara at slice ng chocolate cake ang naisipan niyang orderin. At para sa inumin ay umorder siya ng pineapple juice. Wala siyang balak na kumain ng kanin dahil iyong carbonara talaga ang nagpapatulo ng laway niya.
Pagkatapos niyang kumain ay naglakad-lakad siya sa may beach. Nang makanap ng magandang pwesto ay naupo siya sa malambot na buhanginan kung saan malilim. Habang tahimik na nakaupo ay inaliw niya ang sarili niya sa panunuod sa alon ng dagat. Pati na rin sa ilang naglalakad sa beach. Dahil medyo private ang lugar na iyon ay walang masyadong tao sa paligid. Wala pang sampu ang natatanaw niya mula sa pwesto niya. Kadalasan ay mga couple. Lahat sila, mukhang enjoy na enjoy. Habang siya? Heto. Naturingan na honeymoon pero nag-iisa naman.
Nasaan na kaya si Graham? Kumain na kaya ito?
Sa kakaikot ng tingin ay may nakitang magkasintahan si Allana na grabe kung mag halikan. Animo'y wala ng bukas sa kanila. Nasa malilim na bahagi rin ang mga ito ng beach. Mga ilang hakbang mula sa kinauupuan niya. Nakasampay iyong kamay ng babae sa balikat ng lalaki. Samantalang nakahawak naman iyong lalaki sa puwetan ng babae. Parang sabik na sabik sa isa't-isa ang dalawa.
Siguro honeymoon din nila. Mabuti pa sila.
Ipinaling na ni Allana ang tingin niya sa ibang direksyon. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang makagambala sa ginagawa ng dalawa. Ayaw niyang sirain ang moment ng mga ito.
"Tara baby, ituloy nalang natin 'to sa room ko."
Room ko?
Napabalik ang tingin ni Allana sa pares na tinitingnan niya kanina. Mukhang nagkamali kasi siya ng pagkilatis sa mga ito. Base na narinig niya ay iba ang kwarto ng babae doon sa lalaki. Mukhang dito lang sila sa isla nagkakilala. Na curious tuloy bigla si Allana.
"Let's eat first," wika ng lalaking kasama nito.
Halos lumuwa ang mata ni Allana ng marinig ang boses ng lalaki. Pakiramdam niya ay biglang umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya sa katawan. Bigla ring nagtagis ang bagang niya. Sa tindi ng galit niya ay marahas siyang napatayo para lapitan ang dalawa. Lalo pang nadagdagan ang inis niya ng maabutan niyang naka-angkla na ang kamay ng babae sa braso ni Graham.
Titinitigan niya ang mukha ni Graham. Wala man lang itong karea-reaksyon ng makita siya. Kahit kaunting pagka-gulat ay walang nababakas si Allana. Tila napangisi pa nga ito dahil nahuli ito sa kaniyang kalokohan.
Sunod na binalingan ng tingin ni Allana ang babaeng nakapalupot sa braso ni Graham. Nakakunot ang noo nito. Bago pa man ito makapagsalita ay hinawakan na ni Allana ang buhok nito at pilit na inilayo kay Graham.
"ARAY! ANO BA. BITAWAN MO NGA AKO," sigaw nang babae habang pinapalo ang kamay ni Allana.
Hindi naman siya pinakawalan ni Allana hangga't hindi nailalayo kay Graham. Nang mapaghiwalay na niya ang dalawa ay itinulak niya ng malakas ang babae. Agad itong napaupo sa buhanginan. Hindi maipanta ang mukha nito dahil sa tinatamong kahihiyan.
"Who the hell are you b*tch?" galit na sigaw ng babae.
Pinandilatan siya ng mata ni Allana. "Ako lang naman ang asawa niyang lalaking nilalandi mo!"
"What?" Napalingon ang babae kay Graham.
Susugurin pa sana ito ni Allana pero bigla siyang hinawakan ng mariin sa braso ni Graham. Nang lingunin niya ito ay punong-puno ng pagkadismaya ang mukha nito.
"Sino ang may sabi sa'yo na pwede mong gawin ito ha?" sigaw ni Graham.
Biglang natigilan si Allana. Lalo na ng makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Graham. Ganoon na ganoon kasi ang mga mata nito ng sabihin niya ang tungkol sa magiging anak nila. Maging ang galit nito ay tila ganoon din.
"Pero Graham. I'm your wife..."
"SHUT UP!" putol nito sa kaniya.
Halos bumaon na ang kuko nito sa braso niya. Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak ni Graham sa kaniya.
"Tandaan mo 'to Allana. Pinakasalan lang kita dahil ipinabugbog ako ng daddy mo. It was all for papers, katulad ng gusto ninyo. Para lang iyon sa pangalan ng p*tanginang pamilya ninyo! Wala ka paring karapatan na pakialaman ang mga ginagawa ko. Kaya sa susunod na gawin mo ang ganitong pagpapahiya sa kung sinoman ang kasama ko. I will make sure, na ganoon din ang mararamdaman mo." Binitiwan na ni Graham ang kamay niya.
Tapos may pag-aalala itong lumapit sa babaeng sinabunutan niya. Tinulungan niya itong makatayo at magkahawak kamay silang lumakad palayo kay Allana.
Gusto pa sana silang pigilan ni Allana pero pinili nalang nitong manatili sa kinatatayuan niya. Iyon naman kasi ang dapat. Totoo naman kasi ang sinabi ni Graham. Kahit kasal na sila ay wala parin siyang karapatan dito. Hindi niya parin ito pwedeng pakialamanan dahil hindi niya parin hawak ang puso nito.
Sa ngayon ay isang piraso palang ng papel ang hawak niya. At ang tangi niya lang magagawa ay turuan si Graham na mahalin siya.
Napangiti ng mapait si Allana. Naisip niya na iyon ang pinakamainam na gawin niya.
Tuturuan niya ang puso ni Graham na mahalin siya.