"Do you take this woman as your wife? In sickness and in health? Till death do you part?" ulit na tanong ng paring nakatayo sa harapan nina Allana at Graham. Pangalawang ulit na tanong na niya iyon pero tahimik lang na nakatitig sa kaniya ang groom. Tila lutang ito at hindi naririnig ang sinasabi niya.
Nagsimula ng magbulungan ang mga tao sa loob ng simbahan. Nakaramdam na naman tuloy ng pag-aalala si Allana. Nahihiya talaga siya dahil puro panlilibak nalang ang naririnig niya. Ang araw na sana ay magiging espesyal para sa kaniya ay unti-unti ng nagiging bangungot dahil sa mga taong kahit hindi naman alam ang totoong kwento sa likod ng mga nangyayari ay ang gagaling naman magbigay ng kurokuro.
"Do you take this woman as your wife? In sickness and in health? Till death do you part?" ikatlong ulit na tanong ng pari.
Lalo pang napayuko si Allana. Parang gusto nalang niyang tumakbo para hindi na niya marinig pa ang sasabihin ni Graham. Nag-aalala kasi siya sa isasagot nito. Baka mamaya ay mapahiya lang siya, lalo na kung ilalaglag siya nito. Sobra sobra na ang eksenang ginawa nila kanina kaya hindi na niya alam kung kakayanin pa niya ang mas malaki pang kahihiyan.
"I do," sagot na ni Graham.
Lahat ng pag-aalala, pagkabahala, pag-iisiip ng kung anu-ano ni Allana ay parang letrang isinulat sa buhanginan na agad tinangay ng malakas na hampas ng alon ng marinig iyon. Bigla siyang napatitig kay Graham. Abot tenga ang ngiti niya.
"And you. Allana Hernandez. Do you take this man as your husband? In sickness and in health? Till death do you part?"
"Yes, I do father," mabilis na sagot ni Allana.
Ngumiti naman ang pari. "And now, you may kiss your bride."
Agad hinarap ni Allana si Graham. Hinintay niyang itaas nito ang suot niyang belo. Mabuti nalang at kahit mukhang napipilitan lang ito ay ginawa parin nito ang ritwal na kailangan nilang sundin.
Sandaling namayani sa dalawa ang katahimikan. Habang tinititigan ni Allana si Graham ay hindi niya mapigilang humanga sa pisikal na anyo nito. Kahit kasi hindi ito nakangiti ay napaka gwapo parin nitong tingnan. Tamang-tama lang ang kapal ng dalawa nitong kilay. Medyo malapad ang labi nito pero bagay lang naman iyon sa hugis ng mukha nitong medyo malapad ang panga. Kahit hindi nga siya nakapag-trim ng bigote ay ayos lang dahil lalong lumalabas ang pagiging macho niyang lalaki.
Nang unti-unti ng ilapit ni Graham ang mukha niya kay Allana ay lalong lumakas ang kalabog ng dibdib niya. Parang may nagliliparang paruparo sa tiyan niya. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya.
Sa wakas asawa ko na ang nag-iisang lalaking minahal ko. And this kiss? This kiss, will served as the sealed to our vows.
Napapikit siya ng maramdaman ang marahang pagdampi ng labi ni Graham sa kaniya. Ang mainit niyang labi ni Graham ang patunay na hindi siya basta na nanaginip lang. Totoo ang lahat ng nangyayari. Sa wakas. Asawa ko narin niya ang pinakamamahal na si Graham.
-----***-----
Masaya silang binabati ng mga bisitang sumasalubong sa kanila. Gaving their best wishes. Simula sa simbahan, hanggang sa reception ay hindi nawawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ni Allana. Kahit medyo nangangalay na siya sa pagngiti sa mga tao ay kaya niya pang tiisin iyon dahil totoong masaya naman siya. Kulang na nga lang ay minu-minuto siyang maghagis ng confetti para ipakita iyon.
"Will you stop smiling na parang clown," annoyed na sambit ni Oshin.
Agad itong niyakap ni Allana. Nang maamoy ni Allana ang matapang na singaw ng alak sa bibig ng kaibigan niya ay malakas niya itong hinampas sa balikat. "Ano ba, hindi ito bar Oshin. This is my wedding, baka akala mo."
"Oh edi best wishes sa'yo," she uttered. Medyo tipsy na nga ito at agad iyong napansin ni Allana.
"Hey this is not a bar. Bakit ka naman naglasing ng ganiyan ha?" sermon niya agad dito.
"Wala. Masaya lang ako para sa kaibigan ko." Inakbayan siya ni Oshin at itinaas ang kamay na parang nagdiriwang.
Nasapo ni Allana ang noo niya. Kanina pa niya napapansin na mukhang may problema ang bruhang kaibigan niya pero hindi niya naman ito makompronta. Ayaw niya rin kasing pangunahan ito. Katulad ng pinagdaanan niya. Gusto niyang hintayin na lang na magsabi ito sa kaniya. At kapag dumating ang arawnna iyon ay siguradong makikinig siya.
"Alam mo, 'wag ka ng umuwi ngayong gabi sissy. Dito ka na matulog. Ipapahanda ko na lang kay manang Josie ang guest room. Mukhang lasing ka na eh. Baka may mangyari pa sa'yo sa daan," may pag-aalalang bilin ni Allana.
Maya-maya lang ay dumating narin ang hihintay ni Allana.
"Maam, nakahanda na daw po ang sasakyan ninyo ni Mr. Quinn," anunsyo ni manang Josie habang lumalakad palapit sa kanila.
Agad ibinilin ni Allana dito ang kaibigan niya. Sinigurado niyang hindi nito pauuwiin si Oshin ngayong gabi. Gustuhin niya man kasing samahan ito ay hindi pwede. Naka-set na kasi ang honeymoon nila ni Graham. Iyon ang regalo ng mga magulang ni Graham sa kanila. Isang linggong bakasyon sa isang private island resort sa Palawan. Kahit dito lang sa Pilipinas ang pupuntahan nila ay nananabik parin si Allana. Lalo na at ito ang unang araw na makakasama niya si Graham bilang isang asawa.
-----***-----
Mag a-alas dose na, ng marating ng bagong kasal ang kanilang destinasyon. 'Mula sa airport ay sinundo sila ng isang private helicopter na pinadala ng resort para sa kanila. Pagdating sa isla ay sinalubong sila ng masayang banda. Mayroon ding mga babaeng mananayaw na sumasabay sa masiglang awitin ng banda. Sa sobrang energetic ng mga sumasayaw ay bahagyang nadadala si Allana. Kabaligtaran naman si Graham na tila iritang-irita sa pinanunuod niya. Pagkatapos silang kantahan ng banda ay inihatid na sila ng isang crew sa tutuluyan nila.
"Sige po Mr. and Mrs. Quinn goodnight po," paalam agad ng crew pagkatapos silang ihatid nito sa tapat ng isang mahabang tulay na patungo sa dagat. Dahil may mga nakasinding ilaw sa bawat poste ng tulay ay tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan nina Allana at Graham ang tutuluyan nilang bahay sa loob ng isang linggo. Nasa gitna iyon ng dagat. Isang perpektong lugar na nakahiwalay sa karamihan.
Tinapunan ng tingin ni Allana si Graham. Hindi man lang siya nito pinansin. Nang lumakad na palayo ang crew ng resort na naghatid sa kanila ay ganoon na rin ang ginawa nito. Napilitan nalang tuloy na sumunod dito si Allana.
Hinila na niya ang maleta niya at mabilis na hinabol si Graham. Pero dahil naka-gown pa siya ay hirap na hirap naman siyang maglakad. Napa-pout nalang tuloy siya. Dapat ay binubuhat ng groom ang bride papasok sa honeymoon place nila pero hindi iyon pwedeng i-apply sa kanila ni Graham. Hindi naman kasi talaga sila couple na maituturing e.
Naging tahimik lang ang dalawa habang naglalakad. Nang mabuksan nila ang pinto ng bahay ay agad tumambad sa kanila ang mga kahoy na kagamitan. Hindi iyon ganoon kalaki, pero sapat lang iyon para sa kanilang dalawa. Mayroong kusina, maliit na sala, at isang kwarto.
Biglang uminit ang pisngi ni Allana ng maisip na isa lang ang kwarto sa bahay na iyon. Ang ibig sabihin lang kasi noon ay magkasama silang matutulog sa kwarto ni Graham.
"Don't forget to lock the door. Matutulog na ako."
Sa haba ng ni-byahe nila ay ngayon lang nagsalita si Graham. Actually hindi lang iyon basta salita. Utos pa iyon.
Dahil wala namang magagawa ay sumunod nalang si Allana sa sinabi nito. Agad nitong ini-lock ang pinto at nagmamadaling sumunod kay Graham. Pero ganoon nalang ang panghihina niya ng malaman na niyang ini-lock din nito ang pinto ng kwarto.
"Ahhh. Graham, na i-lock mo yata ang pinto?" Kinatok pa iyon ni Allana pero katahimikan lang ang naging sagot ni Graham mula sa kabila. Kakapasok lang nito kaya imposibleng nakatulog na ito kaagad. Hindi rin naman soundproof ang kwarto kaya siguradong narinig siya nito.
Pagod na rin si Allana kaya tinalikuran nalang niya ang kwarto. Balak niyang sa sofa nalang matulog. Gusto narin kasi niyang magpahinga. Walang gana siyang lumapit sa kaniyang maleta at naghanap ng maisusuot. Pagkakuha niya sa isang pajama at sleeveless na blouse ay dumiretso na siya sa banyo. Pagkatapos niyang maihanda ang sarili ay bumalik narin siya agad sa sala.
Patalon niyang inilapat ang katawan niya sa mahabang sofa. Mabuti nalang at malambot iyon. Bonus pa ang maliliit na unang naroon. Tamang-tama para sa pagtulog niya.
Bago tuluyang ipikit ang mata ay nakangiti pa siyang tumingin sa pintuan ng kwarto.
"Goodnight asawa ko."