"PUNYETA!"
Napayuko siya nang marinig ang nakaririnding sigaw ng kaniyang ama. Kahit inaasahan na ni Allana ang ganoong reaksyon nito ay natatakot parin siya. Kilalang-kilala niya kasi ang kaniyang ama. Alam niya na sa oras na may binitawan itong salita ay hindi na iyon mababali pa. Ang mga salita ng kaniyang ama ang batas sa bahay nila. Katulad ng palagi nitong sinasabi.
Kung ayaw mo sa inuutos ko, lumayas ka sa pamamahay ko.
"Punyeta kang bata ka! Puro ka na lang talaga sakit ng ulo!"
Halos mapatalon si Allana ng ibato nang kaniyang ama ang hawak nitong kopita. Kamuntikan na iyong tumama sa mukha niya. Mabuti nalang at naka-ilag siya. May pag-aalala naman siyang dinaluhan ng kaniyang ina. Inakbayan siya nito ay hinaplos ang balikat niya.
"Rodrigo naman. Buntis ang anak mo," sabi nito.
Napamasahe nang sentido ang ama niya. Halatang pinipigil na nito ang galit niya. Bumuga pa ito ng hangin para ma-relax.
"Kailangan kong makausap ang lalaking nakabuntis sa'yo. Iharap mo sa akin ang Graham na 'yan!" madiing sabi ng kaniyang ama. Bahagya na siyang kumalma pero nakikita parin ang hulma ng nagtatagis niyang bagang.
"Pero papa," natigilan si Allana.
Hindi alam ni Allana kung paano niya sasabihin sa kaniyang ama ang tungkol relasyon nila ni Graham. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang sitwasyon nila. Para tuloy siyang nakaramdam ng hiya sa kaniyang papa. Wala siyang mukhang maiharap dito dahil sa ginawa niya.
"ANONG PERO PAPA? PUNYETA ALLANA! 'WAG MONG SABIHIN NA WALANG BALAK IYANG LALAKI NA 'YAN NA PANINDIGAN KA?" muli na namang sumigaw si Rodrigo.
Bawat salitang binibitawan nito ay parang may kasamang maliliit na kutsilyo na umaasinta sa pagkatao ng anak niya. Lalo lang tuloy nakaramdam ng panliliit si Allana sa sarili niya.
"Tama na 'to Rodrigo! Allana needs to rest!" muling singit ng ina ni Allana.
Sinimulan na siya nitong hilahin palabas ng opisina ng ama niya. Inihatid siya nito sa kwarto niya. Pagpasok sa loob ay dumiretso sila sa may kama at doon niya pinaupo si Allana at pinakalma. Hinawakan niya ang kamay nito at nginitian.
"Don't worry sweety, magiging ok rin ang lahat," pagpapagaan pa nito sa loob niya.
Sinuklian naman iyon ng ngiti ni Allana. Tiningnan niya ang mukha ng kaniyang ina. Kahit papaano ay masaya siya dahil kinakampihan siya nito ngayon. Akala niya kasi ay magagalit rin ito sa kaniya. Pero ngayon ay narito ito sa tabi niya at dinadamayan siya.
"Thanks ma," sincere na sabi ni Allana.
"Sigurado ka bang walang anumang masakit sa'yo?" bakas parin ang pag-aalala sa tinig ng ginang.
"Ok lang po ako."
"Kung gano'n ay maiwan na muna kita ha. You take a rest ok? Ako na ang bahala sa papa mo." Tinapik niya ang kamay ng anak niya at umalis na sa harap nito. Bago pa niya isinara ang pinto ay tinapunan niya si Allana ng huling sulyap at ngumiti.
---×××---
Kaibigan niya si Allana. Kasangga sa anomang kalokohan. Isang tunay na taga-suporta. Palaging maaasahan kapag kailangan niya. Pero sa isang pitik lang ng daliri ay bigla itong nagbago. Bigla nalang nitong sinabi na mahal siya nito at magkaka-anak na sila.
Hindi iyon matanggap ni Graham. Hindi niya alam kung bakit iyon nasasabi ni Allana. Kahit papaano ay nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila. Hindi niya maintindihan kung bakit sinusubukang sirain ni Allana ang relasyon nila ni Bebeca.
"Nakalimutan mo na ba? Pinuntahan kita noong birthday mo sa condo mo?"
Kahit anong isip ni Graham ay hindi niya talaga matandaan na nagpunta si Allana ng araw na iyon sa condo niya. Yes he was drunk that day dahil akala niya au hindi siya sisiputin ng girlfriend niya pero dumating ito at may nangyari sa kanila. He even woke up with her the next morning kaya siguradong sigurado siya. Hidni niya tuloy alam kung ano ang ginagawa ni Allana. Pakiramdam niya ay sinisira nito ang relasyon nila ni Bebeca.
Napatigil siya sa pag-iisip ng kung anu-ano, ng marinig ang mahihinang katok mula sa pintuan. Umayos siya ng upo. Sandali niya munang nilinis ang utak niya. Nasa trabaho siya ngayon kaya dapat muna siyang magpaka-professional.
"Mr. Quinn, gusto raw po kayong makausap ni Mr. Rodrigo Hernandez." pahayag ng secretary niya na nasa labas ng nakasarang pinto.
Iyon ang tatay ni Allana. Siguradong narito ito para sa anak niya.
"Ok. Let him in," sagot ni Graham.
Pagkasabi niya no'n ay binuksan na ng sekretarya niya ang pinto. Nagmamadali namang pumasok si Mr. Hernandez sa loob ng opisina niya. Mabibigat ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya. Niluwagan pa nito ang suot na necktie. Kitang-kita ni Graham ang tila nag-aapoy nitong mga mata. Pati ang nagtatagis nitong hakbang ay hulmang-hulma sa mukha niya. Agad tuloy nahulaan ni Graham na may kinalaman ito kay Allana.
"Mr. Hernandez? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" pormal na bati ni Graham sa matanda.
"Kailangan mong pakasalan ang anak ko!" his opening.
Inaasahan ko na iyon ni Graham. Syempre, he has a name to take care off. At isang malaking iskandalo sa pamilya nila, kapag bigla nalang nabuntis ang bunsong anak niya ng walang asawa. Natawa lang si Graham dahil doon. Kung tutuusin ay mas malaki pa nga ang masisira sa pangalan nila kesa sa inaalala nitong pangalan.
"Mr. Hernandez, mukhang nagkamali po yata kayo ng nilapitan ah," nakangising sagot ni Graham dito.
"At ano, itatanggi mo pa talaga ang ginawa mo? Loko kang..."
"Mr. Hernandez, I don't want to be rude. Pero kung hindi business ang pakay ninyo. Makakaalis na po kayo." kalmadong putol ni Graham sa sasabihin pa sana ng matanda. Sumenyas pa siya na makalalabas na ito.
Lalo lang tuloy nag-init ang ulo ng ama ni Allana. Ngumiti ito ng mapait, pagkatapos ay bigla itong naging kalmado.
"Ito ang tandaan mo, pakakasalan mo ang anak ko sa ayaw o sa gusto mo. Hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo. Dahil kahit saan ka man pumunta o magtago, hahanapin kita. Sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya." pagbabanta nito. Mabilis na itong tumalikod at umalis sa harap niya.
Bigla tuloy naikuyom ni Graham ang kamao niya. Sa tingin niya ay sinadyang papuntahin ni Allana ang ama niya para takutin siya.
Nang mapag-isa na ay naisipan niyang tawagan si Bebeca. Inaalala niya ang kalagayan nito. Baka may hindi magandang gawin dito ang ama ni Allana. He won't take a risk.
"Hey baby. Napatawag ka? Miss mo na 'ko?" sabi agad ni Bebeca pagsagot niya ng telepono.
"Baby where are you?" may pag-aalalang tanong ni Graham.
"Nandito sa bahay natin," she gigled.
Iyong tinuturing nitong bahay natin, ay iyong ipinagawang bahay ni Graham para sa future family nila. They both planned everything. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila e. But the revelations of Allana, shake everything's up. Para iyong bombang sumabog. Mabuti na nga lang at nanatiling nasa tabi niya si Bebeca. Naniwala ito sa kaniya, at iyon ang mahalaga para kay Graham.
"Alright. Don't go anywhere. Ok. I'll be right there."
Nang malaman ni Graham kung nasaan ang nobya ay agad siyang nagligpit ng mga gamit niya. Pagdating sa safety ni Bebeca ay ayaw niyang sumugal. Ayaw niya kasing ilagay sa alanganin ang kaligtasan nito. Mas mabuti na ang sigurado kesa ang magsisi pa sa huli.