"WHAT THE HELL?"
Halos magiba ang maliit na lamesang nasa pagitan nina Allana at Graham nang hampasin ito ng binata. Napapitlag si Allana dala ng pagkabigla. Hindi kalakihan ang coffee shop na kinaroroonan nila at saradong sarado iyon kaya siguradong narinig 'yon ng lahat.
"Graham please," nagsusumamong sabi ni Allana. Nagsimula na siyang makarinig ng bulungan sa paligid kaya pilit niyang pinapakalma ang kausap niya upang hindi na makatawag pa ng mas maraming atensiyon. Unti-unti na kasi siyang nakararamdam ng pagkapahiya.
"You know what? This is bullsh*t Allana! Ano ba ang gusto mo ha? Akuin ko ang batang hindi ko kaano-ano? Well, f*ck you!" galit na galit na sigaw ni Graham.
Napayuko nalang si Allana.
Hindi niya lubos maisip kung paano sila humantong sa ganitong sitwasyon ng kaibigan niya. Para sa kaniya ay nagmahal lang naman siya. Kahit alam niyang may girlfriend na si Graham ay pinili niya parin itong mahalin. At dahil sa pagmamahal na iyon ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng binata kahit wala ito sa tamang wisyo. They make love. Minsan lang iyon. He was drunk. At nagbunga ang ginawa nila.
Ngayon, mali ba na ipaako niya sa kaniya ang anak nila?
"Graham, please. 'Wag mo namang sabihin iyan. You know me. I would never lie to you," napapaos na sabi ni Allana.
"I know you? Hell, that's what I thought too. Akala ko nga ay kilalang-kilala na kita. Your such an angel to me Allana. Pero this. This is f*cking unbelievable! Hinding-hindi ko aakuin ang batang dinadala mo dahil hindi ko anak iyan!" Napahilamos ng mukha niya si Graham. Halos magsalubong na mga ang kilay nito.
Samantala, nagsimula ng tumulo ang luha ni Allana na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung ano pa ang pwede niyang sabihin para paniwalaan siya ni Graham.
Ano pa ang magagawa ko? Ano pa ang sasabihin ko kung sarado na ang tenga niya para sa paliwanag ko.
Nang talikuran siya ni Graham ay napahagulgol na siya ng iyak. Tumayo siya para habulin ang binata pero bigla namang umikot ang paningin niya. Pakiramdam niya ay hinang-hina ang katawan niya. Nagsimulang manlambot ang mga binti niya hanggang sa nawalan na siya ng balanse. Napaupo nalang siya sa sahig. Tiningnan niya si Graham. Nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya pero umiling lang ito at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Parang dinudurog ang puso ni Allana habang pinanunuod ang paglayo ni Graham. Pakiramdam niya ay wala siyang halaga para dito. Kahit konting pag-aalala kasi ay wala siyang nakita sa mukha nito. Hindi man lang ito nagdalawang isip na humakbang palayo.
"Graham."
Kung alam ko lang na aabot ang lahat sa ganito, sana ay noon ko pa tinanggap na magkaibigan lang tayo. Sana hindi na ako umasa na magagawa mo akong mahalin. Sana ay pinangalagaan ko na lang iyong friendship natin.
Habang nakatingin sa nilabasan ni Graham ay biglang napahawak si Allana sa noo niya. Naramdaman niya kasi na lalong lumala ang pagkahilo niya. Sandali niyang ipinikit ang mga mata niya, ngunit ng mag dilat siya ay lalo lang lumabo ang mga nakikita niya. Parang lahat na ay nagiging blurred sa paningin niya.
Nagsimula na siyang palibutan ng mga tao. Bawat isa ay tila nag-aalala sa kalagayan niya. Napangiti tuloy siya ng mapait.
"Buhatin natin siya. Dalhin natin sa ospital."
"Bilisan 'nyo!"
"Tumawag kayo ng taxi."
Mabuti pa ang ibang tao ay may pakialam sa kaniya. Samantalang iyong kaisa-isang tao na hinahangad niyang magpakita sa kaniya ng gano'n ay wala man lang ginawa. He just watched her and walked away.
"Oh, Graham."
---×××---
Nagising siya ng maramdaman niyang may pumipisil sa kamay niya. Nang magmulat siya ng mata ay sinalubong siya ng kulay puting paligid na siyang ikina-irita niya. Naiinis kasi siya sa kulay na iyon. Sa tuwing nakakakita kasi siya ng puting pintura ng pader ay isa lang ang pumapasok sa isip niya. At iyon ay karayom. Napakaraming karayom.
Binalingan niya ang may hawak ng kamay niya at napangiti siya ng makilala kung sino ang kasama niya sa kwartong kinaroroonan niya. It was Oshin. Her favorite cousin and friend. Bukod kay Graham ay ito pa lang ang napagsabihan niya ng tungkol sa pagbubuntis niya.
"Oshin," mahinang tawag ni Allana sa pangalan ng dalaga. Agad pumaskil sa mukha nito ang saya ng makitang gising na ang kaibigan niya.
"Ayos ka lang ba huh?" Hinaplos niya ang pisngi ni Allana.
Tumango naman ito at nginitian siya. Dahan-dahan itong bumangon. Isinandal nito ang likod sa head board ng hinihigaan niya at muling ibinalik ang atensyon kay Oshin.
"Tarantado talaga iyong Graham na iyon! Bakit naman iniwanan ka niyang nakahandusay sa sahig?"
"No. Wala siyang kasalanan," pagtatanggol agad ni Allana kay Graham. Sinabayan pa niya ito ng paulit-ulit na pag-iling.
Pinanlakihan naman siya ng mata ni Oshin. "Ano bang wala? I saw him Allana. Naabutan ko siyang papalabas ng coffee shop habang pinagkakaguluhan ka sa loob. Naku, mabuti nalang talaga at nag-text ka kanina na magkikita kayo doon, kaya dinaanan na kita," frustrate nitong sabi.
"Hindi niya lang siguro ako nakita," pagsisinungaling naman ni Allana. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang masira si Graham sa mga taong mahal niya. Alam niya naman kasing hindi talaga ganoon ang ugali ng totoong Graham. Nagkakaganoon lang ito ngayon, dahil sa kaniya.
"Alam mo bahala ka. Sige, kumbinsihin mo iyang sarili mo sa kahit anong gusto mong paniwalaan. Basta ako. Ayoko talaga sa Graham na iyon. He's not even worth it. Alam mo, kung bubuksan mo lang iyang mata mo. Mas marami ka pang makikita na mas higit pa sa kaniya. Pero wala e. Bulag-bulagan ang drama mo."
"Oshin please. Tama na," napapaos na awat na ni Allana.
Oshin just rolled her eyes. Ayaw rin naman nitong ma-stress ang kaibigan kaya minabuti niya na lang na tumigil na, "Ugghh fine!"
Nginitian naman siya ni Allana. "Thank you." Pinisil pa nito ang kamay niya bilang pasasalamat.
"So ano ang gusto mong gawin ngayon? Gusto mo bang manatili muna rito? O iuuwi na kita?"
"Alam mo namang ayaw kong tumatagal sa ospital e."
Pagkaayos ng mga bills ni Allana ay inihatid na ni Oshin ang kaibigan sa bahay nito. Hindi narin siya tumagal. Pagbaba ni Allana sa kotse niya ay nagpaalam narin siya at umalis na.
Habang pinanunuod naman ni Allana ang paglayo ng kotse ng kaibigan ay bigla siyang nilapitan ng kaniyang ina. May pag-aalala siya nitong niyakap.
"Tumawag si Oshin kanina, what happened?"
"Wala po. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko."
"Sigurado ka ba? Alam mo ipapatawag ko si doctor Castro para matingnan ka. Kailangan nating malaman kung ano iyang sakit mo. Baka mamaya kung ano na 'yan anak ko."
Kumawala na si Allana sa pagkakayakap ng kaniyang ina. Pinilit niyang mangitian ito. Ayaw niya kasing nag-aalala ito sa kaniya. Isa pa ay wala namang masamang nangyari sa kaniya. Ang sabi ng doktor ay dala lang daw iyon ng pagbubuntis niya. Nitong mga nakaraang araw ay masyado nga kasi siyang stress. Hindi niya kasi alam kung paano magsasabi sa magulang niya. Ang ginawa niya kanina ay simula palang. Dahil kailangan niya ring sabihin sa magulang niya ang lahat.
"Ayos lang po ako. Puyat lang po ito," paliwanag ni Allana sabay halik sa pisngi ng kaniyang ina. Tinalikuran niya na ito. Nahahapo na kasi siya. Gusto na niyang maramdaman ang malambot na kama sa likuran niya.
"Hindi ka ba muna kakain?" may pag-aalalang tanong pa ng kaniyang ina.
"Hindi pa po ako nagugutom. Ako na pong bahala mamaya," sagot ni ng hindi na nililingon pa ang kaniyang ina.
Dumiretso siya sa kwarto niya. Nang buksan niya ang ilaw ay agad na bumaha ang liwanag sa loob ng kwarto. Kulay pink ang tema ng kaniyang mga gamit sa kwarto. Lahat, kung hindi light ay mga dark pink. Hindi niya naman paborito ang kulay pink, pero dahil hindi naman siya magaling sa pagde-design ay hinayaan niya ang kaniyang ina sa pag-aayos ng kwarto niya. Iyon ang napiling kulay ng kaniyang ina. At dahil puro pink na ang mga gamit niya ay iyon na rin ang kadalasang kulay ng binibili niyang gamit para bumagay sa tema.
Walang gana niyang inilapag sa kama ang bag niya ay naupo siya dito. Hindi niya napigilang tumingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan niya parin kung paano magsasabi sa mga magulang. Kung ang kaniyang ina ay madali lang na matatanggap ang pagbubuntis niya, siguradong hindi ang kaniyang ama. Tiyak na magagalit ito ng sobra.
Napatingin siya sa bag niya ng tumunog ang telepono niya. Walang gana niyang inilabas ang nag-iingay na bagay na iyon mula sa bag niya. Dahil naka-flash sa screen ang pangalan ni Bebeca ay hindi niya iyon sinagot. Ayaw niya kasi itong makausap. Siguradong aawayin lang naman siya nito. Mukhang nasabi na ni Graham sa kaniya ang pinag-usapan nila kanina. Kaya siguradong nakahanda na itong mang-giyera.
Ilalapag na sana ni Allana ang telepono niya sa kama ng muli itong tumunog. This time ay isa namang text message ang natanggap niya. Galing parin iyon kay Bebeca.
Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko ha? Natatakot ka bang marinig ang sasabihin ko sa iyo? Pwes, ito na sasabihin ko parin sa'yo. MALANDI KA! Hindi mo makukuha sa akin si Graham kahit ano pa ang gawin mo. He's mine. Tandaan mo iyan. Go to hell! Leave my Graham alone! F*ck you!
Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Bebeca ay alam niyang nanggagalaiti na ito sa galit.
Padapa siyang humiga sa kama. Kinuha niya ang isang unan at isinubsob niya ang mukha niya dito. Gulong-gulo na siya. Ang dami niyang kailangang harapin na consequences dahil sa ginawa niya.
"Bakit ko ba kasi ginawa iyon e," naiiyak niyang sabi.
Mas lalo pa niyang ibinaon ang mukha niya sa unan. Kung pwede niya lang balikan ang nakaraan, siguradong iiwasan na niya ang dapat niyang iwasan. Ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata at ngumiti siya nang mapait.
Kasalanan bang magmahal? Mali bang mangarap na makasama ang lalaking mahal ko?
Alam niya naman ang sagot sa mga tanong niyang iyon pero hindi niya lang matanggap. Hindi niya matanggap ang katotohanan na mali ang ipinaglalaban niya. Simula palang mali na.
"Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo na pwedeng mahalin. Bakit iyong hindi pa pwedeng maging akin? Bakit iyong kaibigan ko pa?"