Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Allana. Ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya kaya naman walang mapaglagyan ang kaligayahan niya.
Si Graham Quinn. Isa sa pinaka hinahangaan ngayon pagdating sa real estate industry.
Ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng pinakamalaking korporasyon sa Pilipinas. Ang Black Empire Corporation. Itinayo ito ng ama ni Graham na si Fernado Quinn at pinalago. Ngayon nga ay mayroon na silang iba't-ibang klase ng negosyo. Anim silang magkakapatid. Si Graham ang panganay. Sumunod si Winsley, tapos si Caydhen. Pang-apat naman si Zygfryd. Tapos sina Lantis at Evander. Lahat ng Quinn ay kilala ng madla dahil sa kasikatan ng kanilang pamilya. Kaya kahit hindi pa nakakasama ni Allana ang mga kapatid ni Graham ay kilala na niya ang mga ito.
"Damn. Where is that man!" napahilamukos ng mukha si Caydhen. Nasa bandang unahan ito ni Allana naka-pwesto. Balisa ito at paulit-ulit na tumitingin sa kaniyang relo. Kanina ay nakita ito ni Allana na may kausap sa telepono. Mukhang tinawagan na nito si Graham. Hindi niya lang alam kung ano ang napag-usapan ng dalawa.
Sa lahat ng kapatid ni Graham ay ito lang ang nakadalo sa magaganap na kasal. Ito lang ang narito ngayon dahil ang iba pa ay may mga out of town na lakad. Samantalang, ang mga magulang naman nila ay nasa ibang bansa. Hindi naman sila masisisi ni Allana kung hindi sila nakarating. Masyado rin kasing naging biglaan ang lahat. Minadali narin kasi nang kaniyang ama na makasal sila.
Teka. Anong oras na nga ba?
Dapat ay kanina pa nasa simbahan si Graham. Dapat ay mas nauna pa itong dumating kay Allana pero baligtad ang nangyari ngayon. Dahil si Allana na siyang bride ang naghihintay ngayon sa pagdating ng groom niya.
Tumingala si Allana at paulit-ulit niyang kinagat ang pang ibabang labi niya. Ayaw niya kasing umiyak. Inaalala niya na baka masira ang make-up niya dahil sa pagda-drama. Pero hindi niya makontrol ang sarili niya. Kahit anong pigil niya ay may kaunting butil ng luha ang pumatak mula sa sulok ng mga mata niya.
Habang nakatingala ay naramdaman niya na lang na may kamay na masuyong humahaplos sa likod niya. Ang kaniyang mama iyon. Tinapunan ito ng tingin ni Allana. Nang ngumiti ang kaniyang ina ay agad niya itong niyakap. Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib nito.
"Paano kung hindi siya dumating? Paano na ako ma?" paghihimutok ni Allana. Nagpatuloy sa paghaplos ng likod niya ang kaniyang ina.
"Shhh stop that ok. Huwag kang mag-isip ng ganiyan."
"Pero ma, paano nga kung hindi siya dumating?"
Hinawakan siya ng kaniyang ina sa dalawang balikat at pilit na pinaharap. Tapos muli itong ngumiti. "Kung sakali mang hindi siya dumating, it was his lost. Dahil pinakakawalan niya ang babaeng labis na nagmamahal sa kaniya. Don't over think ok. Kahit ano pa ang mangyari, we are always here for you. Hinding hindi ka namin iiwanan."
Umaliwalas ang mukha ni Allana dahil sa sinabi ng mama niya. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya. Knowing na merong mga taong nariyan para damayan siya.
Sabay na napatingin ang mag-ina sa may pintuan ng simbahan ng makarinig ng komosyon na nagmumula sa labas. Parang may nagkakagulo doon.
"Baka po si Graham na iyon?" excited na sabi ni Allana. Mabilis niyang tinalikuran ang kaniyang ina at excited na tumakbo palabas ng simbahan.
Sa labas ay naabutan niyang hawak ng mga tauhan ng papa niya ang kaniyang groom. May bahid ng konting dugo ang labi nito. Taranta tuloy itong tinakbo ni Allana.
"Aba't gago ka talagang nagmamatigas ka pa ah!" sigaw ng ama ni Allana habang dinuduro-duro si Graham.
Agad niyang iniharang ang katawan niya sa pagitan ng dalawa. Ginawa niya iyon para hindi na masaktan pa si Graham. Alam kasi ni Allana na hindi titigil ang ama niya hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.
"Dad please stop," naiiyak na pakiusap ni Allana.
Galit na humarap sa kaniya ang kaniyang ama. Tapod siya naman ang sumunod na pinagduduro nito.
"I was doing you a favor Allana. Hindi ba't ito naman ang gusto mo ha? Ang makasal ka sa tarantadong lalaki na 'yan?" patuloy na pagsigaw nito.
Parang gusto nalang magpalamon sa lupa ni Allana dahil sa naririnig niya. Harap-harapan kasi siyang ibinababa ng kaniyang ama. Dumagdag pa ang mga taong nanunuod sa kanila. Para tuloy nasa maliit silang entablado na nagpapalabas ng isang malungkot na drama.
Pero tama naman ang ama niya. Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari. Ang makasal kay Graham at matawag na asawa nito. Pero hindi niya alam na aabot iyon sa ganito. Ayaw niyang makitang nasasaktan si Graham. Nasasaktan ng dahil sa kaniya.
"Tama na po papa. Please. Nakakahiya na po sa mga tao," pagmamakaawa pa ni Allana.
Tumawa lang ang papa niya. Lalo pang dumami ang nanunuod sa kanila. Nagsimula na silang pagbulungan ng mga tao. Naririnig ni Allana ang ilan sa sinasabi ng mga ito pero pinipilit niyang magbingi-bingihan. Ayaw niya silang pakinggan dahil mas lalo lang siyang nasasaktan.
"At ngayon ka pa talaga nahiya? Pagkatapos mong magpabuntis diyan sa walang bayag na 'yan? Diyan sa lalaking hindi ka kayang panindigan? Ha Allana?"
Malaki iyong sampal sa mukha niya. Napayuko siya dahil sa sobrang hiya. Doon na nagsimulang tumulo ang luha niya. Mabuti nalang at dumating na ang kaniyang ina. Agad itong tumayo sa harapan niya.
"Tama na 'yan Rodrigo!" awat nito papa niya.
"Isa ka pa! Kung hindi ka lang naging konsintidorang ina. Hindi magkaka-ganiyan 'yang anak mo!"
Sa totoo lang. Sinisisi ni Allana ang sarili niya sa lahat ng kaguluhang nangyayari ngayon. Alam niyang siya ang nagpagulo ng pamilyang ito. Dahil sa labis niyang pagmamahal kay Graham ay nagawa niyang magpakatanga dito. Gustuhin man niyang umatras ngayon ay wala naman siyang lakas ng loob na magsalita. Kahit papano kasi ay natatakot siya na tuluyan ng walang kasalang maganap.
"Pakakasalan ko na po ang anak ninyo."
Awtomatikong napa-angat ang ulo ni Allana ng marinig ang sinabi ni Graham. Nilingon niya ito.
"Mabuti naman at natauhan ka na rin sa wakas," wika ng papa ni Allana.
Inutusan na nito ang mga tauhan na pakawalan si Graham. Tapos agad narin itong tumalikod at naglakad papasok sa simbahan. Maging ang mama ni Allana ay nagpaalam narin sa kanila at nagmamadaling sumunod sa kaniyang ama. Nang makita iyon ng mga tao ay isa-isa narin silang nagsipasok sa simbahan. Hanggang sa naiwan nalang sina Allana at Graham sa labas.
"Graham," tawag ni Allana sa pangalan ng binata. Marahas nitong pinunasan ang dugo sa labi bago tumingin sa kaniya.
Binigyan siya nito ng nakamamatay na tingin. Parang nakatitig lang siya sa taong hindi niya kilala. Bukod sa matinding galit ay wala na siyang ibang makitang emosyon sa mukha nito.
Nang lumakad ito palapit sa kaniya ay napalunok siya. Saglit itong huminto sa tapat niya at nagsalita. "You don't know, who your dealing with Allana," bulong nito.
"Graham?" again she call his name. Punong-puno ng pagtatanong ang mga mata niya. Hindi niya kasi maintindihan ang nais iparating ni Graham.
"Your dealing with the devil. Welcome to hell," anito sabay bangga sa kaniya. Tuloy-tuloy na itong lumakad papunta sa simbahan.
Welcome to hell?
Mukhang alam na niya ang tinutukoy nito. Siguradong hindi magiging madali ang pagsasama nila. Pero kahit ano pa ang mangyari, nakahanda na siya.
Handa niyang tiisin ang lahat para patunayan ang pagmamahal niya.