PARA akong kawawang tuta na kulang sa pansin at pagmamahal dahil sa kakasunod nang sunod kay Ralph at pilit itong sinusuyo na kung maaari ay ako na lang ang mag-aalaga sa kanya, mag-asikaso, magtulak sa kanyang wheelchair at kung anu-ano pa. Pero talagang ayaw ako nitong pansinin, katulong ang tinatawag kapag kailangan magpatulong sa mga kilos na hindi niya kaya. Para lang akong hangin na hindi niya nakikita, kahit kinakausap ko siya ay parang walang narinig. Para akong invisible sa kanya na hindi na niya nakikita pa at naririnig. Nagmumukha na akong tanga na kulang sa pansin. To be honest, ayoko rin namang habul-habulin siya at lalo na ang suyuin. Dahil kahit naman naka-wheelchair siya ay marami namang mag-aalaga sa kanya; nariyan ang kanyang mga sangkatutak na katulong, at puwede rin s

