Chapter 4 Mistaken Identity

1518 Words
Chapter 4: Sabay na naglakad si Leigh at ang kanyang kaibigang si Trevor, o mas kilala sa pangalang Tres, papasok sa silid nila sa architecture building. Nagtataka si Leigh dahil sa pagiging tahimik ni Tres. Hindi naman ito madaldal pero kakaiba ang pagiging tahimik nito. Salubong ang kilay at hindi niya maintindihan ang inaasta ng kaibigan. Hindi niya rin ito magawang tanungin dahil paniguradong susungitan lamang siya nito. Kanina nga lang ng pasukin niya ito sa student council’s office ay kaagad siya nitong binara. Nagtataka siya kung bakit naging ganoon ang trato sa kanya ng kaibigan. Kinompronta niya rin ito tungkol sa bagong estudyante na nang-away sa girlfriend niyang si Kaye ngunit inis lang siya nitong sininghalan at sinabing huwag ng magtanong pa. Nakaramdam din siya ng inis dahil nalaman niyang wala man lang umawat sa babaeng nangbuyo sa girlfriend niya. Narinig niya sa mga nakakita na nanood lang daw ang mga naroon lalo na ang kaibigan niyang si Tres. Hindi man kang nito ipinagtanggol ang girlfriend niya habang wala siya. Hindi man lang niya ito nagawang parusahan. Siya pa naman ang SSG President. Naging kakaiba rin ang mga ikinikilos nito. Naging tahimik ito. “Grabe! Ang ganda nung student sa pharmacy department! Narinig niyang usapan ng kanyang mga kaklase. Napaisip siya kung sino ang itinutukoy ng mga ito.Tahimik lang siyang nakinig dahil naintriga siya. “Right? I heard magkaibigan sila nung bago rin kahapon? You know, the girl na binuhusan ng uce tea,” sabi ni Kim, the certified flirt sa buong batch. Lalo siyang naintriga dahil sa narinig. Sigurado siyang ang tinutukoy nito ay ang nakaaway ng girlfriend niya. Natapos ang klase ng walang imik si Tres. Hindi pa rin siya nito kinakausap. Para bang malalim ang iniisip nito at hindi ito pwedeng istorbohin. Malapit ng mag-uwian ng magkaroon siya ng pagkakataong kausapin ang kaibigan. *Dre, ayos ka lang? Ang lalim naman yata ng iniisip mo?” untag niyang tanong rito ngunit hindi ito kumibo sa halip ay narinig niya itong bumuntong-hininga. “Kanina ka pa ganiyan,” komento niya pa. Lumingon ito sa kanya ng matapos nitong mailagay ang mga gamit sa locker. “May iniisip lang ako,” tipid na sagot nito. Leigh shrugged. “What is it? You know you can share it with me, right?” pagpapagaan niya sa loob nito ngunit umiling lang ang kasama. Bumuntonghininga si Tres. “It’s nothing. Medyo tambak lang ang trabaho at paperworks,” sagot ng binata. “I’ll go ahead,” paalam niya pa. Tumango lang si Leigh dahil mukhang wala ito sa mood na makipag-usap sa kanya. Mabilis siyang naglakad papunta sa parking lot at doon niya nadatnan ang girlfriend na si Kaye. Nakatayo ito sa tabi ng kanyang kotse. “Hi!” magiliw nitong bati ng tuluyan siyang makalapit. Ngumiti si Leigh. “Kanina ka pa?” tanong niya. Umiling ang dalaga sabay ngiti. “I just got here. Shall we go?” nakangiting anyaya nitong tanong. Tumango si Leigh saka binuksan ang kotse at inalalayan itong pumasok. Umikot siya saka naupo sa drivers seat. “Where do you want to eat? My treat,” tanong niya sa kasama. Kababalik niya lang din sa bansa dahil nagbakasyon siya sa Japan. Ngayon niya pang din makakasama ulit ang nobya dahil hindi nagkakatugma ang schedule nila lalo na at pareho silang nasa kolehiyo. “We can eat at your house, you know that,” kumindat ito sa kanya. Alam na kaagad niya kung ano ang ibig sabihin nito. Mabilis siyang nagmaneho saka huminto sa isang drive thru restaurant. Pagkatapos maibigay ang kanilang order ay dumiretso na sila pauwi. Panay ang kwento ng kanyang nobyang si Kaye. Panay rin siyang iiling-iling dahil hindi naman siya maka-relate sa mga pinagsasabi nito. Ang pinag-uusapan nila ay ang bagong kaklase nito. Noong first year daw siya ay may kaklase siyang nang-aaway sa kanya at kalaunan ay hindi na ito nagpakita kaya naman lumipat siya sa HIS ngayong taon. *Ano namang ginawa niya sa 'yo?” usisa ni Leigh. Bukambibig ng nobya ang babaeng kamukha ng nambubuyo rito noon. “Well, wala naman. Pero kasi kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya and I don’t know why. And she’s creepy, Leigh. Magkamukha talaga sila ni Yianne,” nanginginig sa takot na pahayag ng nobya. Ang Yianne na sinasabi nito ay ang babaeng nambubuyo daw sa kanya noon na kamukha ni Xianne kaya siguro inakala ni Kaye na iisang tao lang ang dalawa “What’s her name?” tanong ni Leigh. Na-intriga siya ngunit inirapan siya ng nobya. “Xianne,” deretsong sagot ng nobya. Natigilan si Leigh. Biglang napanting ang tainga niya nang marinig ang pangalang pilit niyang kinakalimutan. Dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib. Parang siyang mabibingi sa sobrang pagkabog ng kanyang puso. Natulala siya. “Bakit?” nagtatakang tanong ng nobyang si Kaye nang mapansin nito ang pagkakatulala niya. Kumunot ang noo ni Kaye dahil hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Leigh. Umiling ang binata saka dahan-dahan ipinarada ang sasakyan. Hindi pa namalayan ni Leigh na nasa tapat na pala sila ng kanyang bahay. “Nothing,” aniya habang parang hinihigop ang hangin sa kanyang baga at nahihirapan siyang huminga. “Nagulat lang ako. It feels familiar,” sabi niya ng totoo. Talagang nagulat siya. Umirap lang lalo si Kaye. Nakaramdam siya ng matinding selos. Ngayon lang nagkainteresado sa ibang babae ang nobyo. Dati naman ay wala itong pakialam sa mga kinukuwento niya oero ngayon, iba ang naging reaksyon nito. “Duh, as if naman kilala mo ’yon. Galing siyang England,” usal ni Kaye. Tumango si Leigh saka tumikhim. “Mmm. Baka nga mali lang ako. Ang Xianne na kilala ko ay walang kakambal,” sabi niya pa. “Well, let’s go inside. I’m hungry,” pagalit na wika ng dalaga habang palabas ng kotse. Nagmartsa ito papasok ng bahay. Napabuntonghininga na lamang si Leigh. Mukhang nagalit ito dahil sa inasta niya. Hindi naman niya alam kung bakit ganoon na lang ang tindi ng kaba niya. Alam na alam na ng nobya kung ano ang passcode ng bahay niya kaya hinayaan niya ito. Binitbit niya papasok ang biniling pagkain at diretso itong inasyo sa kitchen. Mabilis silang kumain at nagkuwentuhan. Panay rin ang pangungulit nito sa kanya. Sa isang taon nilang relasyon ay hindi pa nila nagagawa ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng hindi mag-asawa at proud siya roon. Naglalambingan lang sila at hanggang doon lang iyon dahil malaki ang respeto niya kay Kaye. Hindi naman siya ganoong lalaki. Ayaw niyang magalit sa kanya ang mga magulang ng nobya. Naging mabilis ang oras at maayos naman niya itong naihatid. Naghahanda na siya sa pagtulog nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Lance. Ang kaibigan niyang nag-aaral upang maging Pharmacist. May sariling Pharmaceutical ang pamilya ng kaibigan at ito ang tagapagmana niyon. “Bakit?” sagot ni Leigh sa tawag ng kaibigan. “Dre, you know what? Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko,” anito, nagmamadali. “Spill the tea." hindi makapaghintay na sabi niya. "Well, kaklase ko lang naman ang pinakamagandang babae sa balat ng unibersidad na pinapasukan ko,” mayabang nitong sabi kaya natawa siya. “Bakit? Tinamaan ka na ba ni Kupido kaya excited kang magkuwento sa ‘kin? Bakla!” pang-aasar ni Leigh habang tumatawa. “Nope! Not that! I have this new classmate, dre. She’s a beauty. Pero, ang creepy! Hindi mo naman kilala si Yianne but she has a doppelganger! I can’t believe it, dre! Talagang magkamukha sila at magkatunog pa ang pangalan nila! My God! Natatakot ako dahil nakakatakot naman talaga siya! Napaka-creepy niya! Kinikilabutan ako!” Natigilan siya. Kanina lang ay pinag-usapan nila ni Kaye ang babaeng nagngangalang Yianne tapos ito naman ang kaibigan niya. Tumawag lang para magkuwento. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bigla na naman siyang kinabahan. “Tsk! Nababakla ka lang talaga,” aniya pero ang totoo ay kinutuban na siya. “Dre, talagang natatakot ako! Her name is Xianne!” Ramdam niya sa boses ng kaibigan ang kilabot. Talagang nanginginig pa ito sa takot at pagtataka. Napalunok siya nang maalala ang pangalan ng babaeng matagal na niyang hindi nakikita. Wala na rin siyang balita tungkol dito. Pilit siyang tumawa. “Dre, matulog ka na. Hindi totoo ’yan. Stress lang ‘yan. Baka nga namamalikmata ka lang.” “Tsk! You’re gaslighting me, bro! Bahala ka. Magsisisi ka kapag nakita mo siya. Tandaan mo ‘tong sinabi ko,” pananakot pa nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. “Tsk. Asa ka,” aniya. Pinigilan niyang manginig ngunit nagkusa iyon. Tinawanan siya ng kaibigan. “Matutulog na ako,” paalam niya rito. Um-oo lang ito saka pinatay ang tawag. Naibagsak niya ng katawan. Inaalala niya ang sinabi ni Lance at ang biglaang pagtahimik ni Tres kanina. Bumalik din sa kanyang isipan ang usapan nila ng kanyang nobya. Pakiramdam niya ay may itinatago sa kanya ang kaibigang si Tres. May hindi ito sinasabi sa kanya. Hindi niya mapagtanto kung ano ito. Hindi tuloy niya malaman ang iniisip nito at naiinis siya dahil ayaw niya nang napag-iiwanan. Kinakabahan siya. Nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip sa mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD