Chapter 2: Mistaken Identity

2814 Words
Chapter 2 Hellions International School Biglang natigil ang ingay nang pumasok sa silid-aralan si Xianne Alexandra Venice. Iginala niya ang kanyang mga mata. Puting kisame at kulay kremang mga silya na gawa sa plastik ang una niyang napansin. Napako sa kanya ang paningin ng lahat ng naroon. May napamaang, may napanganga. Napansin niya ang nalaglag na headseat ng isang babae habang titig na titig sa kanya. Parang nahinto sa pag-inog ang kani-kanilang mundo nang mamataan siya ng mga ito. Tumikhim siya. Nakatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase na tila ba nakakita ang mga ito ng multo. “Holy sh*t!” “Oh my god?” “I can’t believe it!” “She’s here?” “Is she for real?” Kaagad na umugong ang bulung-bulungan sa paligid. Tumikhim ang kasama niyang lalaki. Matipuno ang katawan, may pagka-strikto ang dating. Makikita sa binata ang ma-awtoridad nitong tindig na tila ba kinatatakutan ito ng lahat. Ngunit hindi niya maikakailang kanina niya pa napapansin ang pasimple nitong pagsulyap sa gawi niya. Hindi niya tuloy malaman kung may dumi sa ba aiya sa mukha o sadyang maganda lang talaga siya. Tss. “Good morning, everyone!” bati ng kasama niya lalaki sa mga naroon. Bumaling ito sa kanya. “Please introduce yourself, Miss,” seryoso nitong sabi. Bahagya pang nakakunot ang noo ng lalaki. Nagpakilala na ito sa kanya kanina pero hindi na niya kaagad naalala ang pangalan nito. Ganoon siya ka walang pakialam sa kanyang paligid. Napansin niyang sumunod ang mga kaklase niya at kaagad na nagsipagtahimik. Ramdam niyang kakaiba ang trato nila sa lalaking kasama niya at mukhang may awtoridad ito sa unibersidad na ito. Hindi na niya maalala kung ano ang mga sinabi nito kanina. Nakatingin sa kanya ang lahat. Hinihintay ng mga ito ang kanyang sasabihin. Inisip niyang magiging tahimik ang buhay niya bilang isang mag-aaral ngunit mukhang nagkamali siya. Sa tingin pa lang na ipinapako sa kanya ng mga naroon ay imposible na ang kanyang nais. May sarili siyang mundo at isang taong walang pakialam pero napapansin naman niya ang kanyang paligid. Wala lang talaga siyang pakialam. Tila nangungutya ang mga tinging natanggap niya mula sa mga estudyanteng naroon. Handang manakit ang dating ng mga iyon sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ng iba pang naroon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Hello, I’m Xianne! Please be kind to me,” walang emosyon niyang pakilala sa harap ng klase. Naguluhan siya nang magsipag-ungulan ang kanyang mga kaklase. May nagsinghapan at hindi makapaniwala sa narinig. Wala namang mali sa sinabi niya. Nagpakilala lang naman siya. Pero bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng kanyang mga kaklase? Kunot-noo siyang nilingon ng kasamang lalaki. Inakala niya pang umalis na ito dahil kanina pa ito tahimik. “Is that all, Miss?” tila naghihintay na tanong nito sa kanya. Tiningnan niya ang nameplate na naka-pin sa uniform nito. Trevor Del Valle SSGO-PRESIDENT Department of Architecture Saka pa pamang niya naalalang nagpakilala nga ito sa kanya pero hindi niya ito pinatapos magsalita kanina. Tinanguan niya lang ang binata bilang sagot. Napasinghap na naman ang mga kaklase niya dahil sa paraan ng pakikitungo niya sa lalaki. Mas lalo siyang na intriga kung anong mayroon sa klaseng kinabibilangan niya. Kung anong lamig ng tingin niya rito ay mas doble naman ang ibinato nitong tingin sa kanya. Nagtataka siya dahil ganoon na lang kasama itong tumingin sa kanya. O baka namamalikmata lang siya? A small smirk form on her lips. Sa isip ay magiging interestante ang buhay mag-aaral niya sa unibersidad na ito. Ma-awtoridad na tumindig ang lalaki bago nagsalita. ”Okay, everyone! You heard her! Please be good to her!” Bumaling pa ito sa kanya bago tuluyang naglakad paalis. Seryoso siyang pumasok ng silid at naghanap ng bakanteng upuan. “Oh my gosh! Bakit Xianne ang name niya?” “I thought she’s Yianne!” “Magkamukha sila!” “Creepy!” “Hindi ba siya natatakot kay Mr. President?” “And remember? Kung makipag-usap siya kay Mr. President parang kilala na niya siya!” “Girl, hindi mo ba napansin? Parang may galit sa kanya si Mr. President.” “Right? Napansin ko rin. He’s like not happy.” “He’s mad.” Ilan lang ang mga iyan sa mga naririnig niyang bulongan sa paligid. Napansin niyang nagtataasan ang mga kilay ng mga babaeng kaklase niya at mukhang may galit ang mga ito sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Iniirapan pa siya ng ilan tapos sinisimangutan. Bigla siyang nangamba. Para bang handa siyang dambahin ng mga ito anumang oras. Nakakatakot ang mga ito kung tumingin sa kanya. People! I have ears! Seryoso siyang sumandal sa sariling upuan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsalpak ng headset sa parehong tainga. Hindi niya alam kung bakit hindi pa pumapasok ang kanilang lecturer sa unang subject. Nakinig na lang siya ng kanta upang pakalmahin ang sarili. Nagtataka siyang napaisip kung bakit nagugulat ang mga ito sa kanya. And who is this certain Yianne they're talking about? Lalong nangunot ang noo niya kaiisip. Dumaan ang ilang segundo, minuto, at oras. Walang pasok dahil may biglaang meeting ang lahat ng lecturers kaya naman kaagad siyang tumayo. Mag-isa niyang binaybay ang daan papuntang canteen. Bigla siyang nakaramdan ng uhaw at gutom dahil sa dami ng kanyang iniisip. Mabilis siyang napaiwas nang muntik na siyang matapunan ng orange juice ng lalaking papalabas ng canteen. Hindi niya ito napansin dahil wala roon ang kanyang buong atensyon. Bigla na lang itong sumulpot sa kanyang harapan kaya gulat niya itong tiningnan. “Sorry, M-Miss!” hinging paumanhin nito sa kanya. Hindi maayos ang suot nitong uniporme, nakasuot ito ng malaking salamin sa mata, at magulo rin ang kulot nitong buhok. Mukhang ilang araw na itong hindi naliligo. Tinitigan niya ito sa mga mata saka tinanguan. “It’s ok Mr.—” Tumingin siya sa nameplate nito. “—Guerrero!” Pasimple niya itong tinapik sa balikat. Ramdam niyang naging tensionado ang lalaki dahil sa ginawa niyang pagtapik sa balikat nito. Nilingon pa muna niya ang papalayong bulto ng lalaki bago siya tuluyang pumasok sa canteen at pumila sa counter. Hindi niya mapigilan ang mapatanong… Ganoon na ba ka nakakatakot ang mukha ko? Bakit parang takot na takot sila sa akin? Wala naman akong ginagawa? “Dalawang slice ng pizza at regular ice tea,” aniya sa tindera. Naghanap siya nang mauupuan pagkatapos nuyang magbayad. Bitbit ang kanyang binili, sa gitnang bahagi lang ang mayroong bakanteng upuan at mesa dahil punuan ang canteen. Sa kasamaang palad nga naman, napabuntonghininga siyang umupo. Punuan ang canteen dahil lunch break at halos walang pasok ang lahat ng estudyante dahil sa may meeting nga ang mga lecturers. Wala siyang nagawa kundi ang kumain kahit na pinakaayaw niya sa lugar na madaling napapansin ng karamihan. Gusto niya sa liblib, yung hindi napapansin, yung nasa pinakadulo. Dahil mas gusto niyang mag-obserba sa mga nakapaligid sa kanya imbis na siya ang oobserbahan. Ayaw niya talaga sa lugar na mapapansin kaagad siya ng mga tao. Halos lahat ay nagtitinginan sa kanya. Hindi niya alam kung bakit titig na titig ang mga ito sa kanya saka magbubulungan at titingin ulit sa kanya. Tahimik siyang kumain. Isang slice pa lang ang naubos niya nang biglang nag-iba ang atmospera sa loob ng canteen. Sumulyap siya sa b****a nang may pumasok na tatlong dalawang lalaki. Naroon sa grupo ang lalaking nagpakilala kaninang presidente ng school student government organization. “Kyaah!” “OMG!” “Ang guwapo ni Tres!” “Nandito sila! Oh my God! Wait! Yung lip gloss ko, okay lang ba?” Napatingin siya sa kabilang mesa dahil sa lakas ng pagkakatanong ng isang babae roon. “Duh! As if naman papansinin tayo niyan!” matabang na sagot ng kasama nito saka pinaikot ang mga mata. Pinagsasabihan ang kaibigan na wala silang pag-asa. Palihim na natawa si Xianne. Tahimik niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkain habang nagkakagulo ang halos mga babae dahil sa pagdating ng tatlong kuwago. Tss. Guwapo naman pero wala akong pakialam. Gutom ako, okay? Natigilan siya sa pagsubo nang mamataan niya ang tatlo pang lalaking papasok. Mas lalong tumindi ang tensyon sa buong canteen. Buntonghininga niyang ibinalik ang paningin sa pagkain at ganoon na lang ang pagtataka niya nang mabungaran ang mukhang nakatingin sa kanya. “What the h*ll? Did you just follow me here?” maarteng tanong ng isang babae sa mismong mukha ni Xianne. Nakatayo ito sa kanyang harap habang nakapamaywang. Nandidilat pa ito habang nakatingin sa kanya. Ano ba ang pinagsasabi nito? Seryoso niya itong tiningala. Yumuko pa ito at tumunghay sa kanya. Nalanghap niya ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa damit nito. Mabilis siyang lumayo at napangiwi. Sumakit ang kanyang ilong kaya inis niya tinakpan ang kanyang ilong. Umupo sa harap niya ang babae kaya natigilan siya. Tiningnan niyang lang ito saka nagpatuloy sa pagkain. “Don’t you dare ignore me, Biatch!” asik pa nito sa kanya. “Talagang nagpakita ka pa sa ‘kin dito? Wrong move, Biatch!” Mabilis niyang tinakpan ang kanyang pagkain at inis na sinamaan ng tingin ang babae. Lumipad kasi ang laway nito at muntik nang tumama sa pagkain niya. Mabuti na lang at mabilis ang mga mata niya. Tiningnan niya ang nameplate ng babae. KAYE YSABELLE BARTOLOME Nababaliw na ba ‘to? Ano ba ang ginagawa nito? May sira yata ’to sa ulo, ah. Iginala niya ang kanyang mga mata. Wala man lang pumipigil sa babae at mukhang marami pa ang natutuwa sa ginagawa nito. “Would you mind if I?” Kinuha ng babae ang ice tea at binuhos mismo sa ulo ni Xianne. Kaagad na gumapang ang galit sa buong sistema ni Xianne. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ito sa kanya ng babae. Kaunti pa lang ang nainom niyang ice tea at nakuha pang magbiro ng babae sa kanya ng ganoon. What the h*ll! Umugong ang malakas na tawanan dahil sa ginawa ng babae kay Xianne. Mas malakas nga lang ang tawa ng babaeng nasa harap niya. Kulang na pang ay kalmutin niya ang bunganga nito. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nagmumula ang kakapalan ng mukha ng babae para gumawa ng ganitong kalokohan sa harap ng maraming tao. Nakakainis ang paraan ng pagtawa nito. Natigil lang sa pagtawa ang babae ng wala siyang ginawa kundi ang titigan ito. Binigyan niya lang ang babae nang nagtatakang tingin. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang bag at inilabas mula roon ang dalang panyo. Pinunasan niya ang kanyang ulo hanggang sa nabasang damit. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang kanyang sarili. Tiningnan niya ulit ang babae. Tingin na nagtatanong kung ano ba ang nakakatawa sa ginawa nito. Walang nagbago sa ekspresyon niya pero aaminin niyang gusto niya itong sapakin ngayon. But she refrained herself from doing bad things. It would be rude. Ka-i-enroll niya pa lang ngayon tapos may makakaaway na siya kaagad. Ang pangit naman tingnan kung may papatulan siya kaagad. Pero mas pangit pa rin sa paningin niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Pinaikot-ikot pa ng babae ang plantsado nitong buhok gamit ang daliri. Chill ka lang, Xianne. Just relax. She silently pat herself for calming kahit ang totoo ay gusto na niyang kumain ng tao dahil sa inis na naramdaman. Pinandilatan siya ng babae. “Tatahimik ka na naman? Wala ka na namang gagawin? Sorry, ha, nagawa ko na, eh,” pabulong nitong sabi. Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Hindi ko alam kung bakit ka nandito. I did not even think na makikita kita rito. I left, tapos nandito ka naman? Psh! Seriously, umalis na nga ako, susunod ka naman. Wala ka namang magawa talaga noon pa man. Kahit nga ang patulan ang pang-iinis ko sa ’yo ay hindi mo magawa,” tuwang-tuwa pa nitong sabi. Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa harap niya. Nakatingin lang si Xianne sa babae. Blankong tingin. Tingin nang walang pakialam. “Bye, Loser!” nakangisi nitong sabi bago pa kembot-kembot na naglakad pabalik sa mga kasama nito. Naguguluhan niya itong sinundan ng tingin. “Sira yata ang ulo ng babaeng ‘yan, ah.” Naguguluhan niya itong tiningnan ulit. Parang tanga itong tumatawa. Wala namang nakaka-proud sa ginawa nito. “Tss. Immature.” Anong ibig niyang sabihin? Noon pa man? Nagulo na naman ang isip niya dahil sa sinabi ng babae. Hindi niya ito kilala pero sa paraan nang pagsasalita nito ay magkakilala sila. Hindi pa din matapos-tapos ang tawanan ng mga tao sa cafeteria. Tumayo siya at naglakad papunta sa counter. Pati yata ang tindera ay natuwa sa nangyari sa kanya dahil nakangisi ito nang nakakaloko sa kanya. Bumili siya ng spaghetti at ice tea. Sinimangutan pa siya ng tindera kahit naman maayos siyang nagbayad. Bumuntonghininga siya bumalik sa kanyang puwesto saka umupo sa kanyang upuan. Sumimsim siya sa ice tea bago tumayo ulit at lumapit sa table ng babaeng nang-inis kanina sa kanya. Mas lalo siyang nainis dahil hindi pa rin matigil ang pagtatawanan ng mga ito. “Grabi ka, Kaye! Nakakatawa 'yong hitsura niya kanina!” “Mabuti nga sa kanya!” Gulat ang mga ito nang bigla niyang ibuhos sa ulo ni Kaye ang nabiling spaghetti. Umugong ang malakas na tili dahil sa ginawa niya. “Kyah! What did you do!?” galit na galit na sigaw ni Kaye nang makita siya nitong nakatayo sa likuran nito. Nanggagalaiti itong tumayo at humarap sa kanya. Dumausdos pababa ang spaghetti pasta mula sa ulo nito. Kumapit pa ang sauce sa suot nitong mukhang mumurahin naman. Serves you right! B*tch! Mas lalong umugong ang tawanan sa paligid. Seryoso niya itong hinarap. “Sorry, ha. Nagawa ko na, eh,” panggagaya niya sa sinabi nito kanina. “Gusto mo pulutin ko?” balik-tanong niya pa. Kaagad na nanlilisik ang mga mata nito. “Grrr! You b*tch!” Akmang sasampalin siya ni Kaye ngunit mabilis niyang nasalo ang kamay nito saka iyon hinawakan nang mahigpit. “You started it,” tiim-bagang niyang sabi. “Argh! Let go of me!” namamaos nitong sambit. Halos namilipit na ito sa sakit. Imbis na bitiwan, mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay nito. “Miss, let her go! You’re hurting her!” Mabilis niyang nilingon ang nagsalitang lalaki at masama itong tiningnan. Hurting daw? Eh, 'yong ginawa ng haliparot na 'to katanggap-tanggap? Letche! “Huwag kang makisali,” rinig niyang wika ng kasama ng lalaki. Nakatunganga lang ang lalaking nagpakilalang presidente kanina imbis na tumulong na awatin sila. Hindi sila hahantong sa ganito kung may pumigil na sa dalagang nanggulo sa kanya. Kaye, Kaye, Kaye. Mukhang kakaibang trato ang matatanggap niya sa eskwelahang ito. Diniinan niya pa talaga ang pagkakahawak sa kamay ni Kaye. Akmang sasampalin siya ng dalaga gamit ang kaliwa nitong kamay ngunit kaagad itong nasangga ni Xianne at isinampal niya ang kamay ng dalaga sa sarili nitong mukha. Tumunog pa ang pisngi nito dahil sa lakas nang pagkakas@mpal niya. “You mess with the wrong person!” malamig niyang bulong sa dalaga bago ito itinulak. Pabagsak na napaupo si Kaye sa sahig. Umismid muna si Xianne saka siya naglakad palayo. “O-Ouch!” rinig niya pang sigaw nito. She rolled her eyes. You don't know me, so you better f*ck off! “B*tch!” Kaagad naman itong dinaluhan ng mga kasama. Tsk! 'Yon lang? Eh, kung isampal ko sa mukha niya 'yong paa niyang malaki? Buwisit siya, ah! Ginagalit ako. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at pumasok sa susunod niyang klase. Nakalimutan yata ng karamihan ang nangyari sa canteen dahil ni isa ay walang nagsalita tungkol dito. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating siya sa bahay. Napagod siya sa kasasagot kanina sa klase. Ang daming tanong ng lecturer nila at pakiramdam niya ay naalog ang utak niya. Pumarada siya sa garahe at ini-lock ang sasakyan bago lumabas bitbit ang kanyang gamit. Pagod siyang naglakad palapit sa front door at akmang bubuksan ang pinto nang mapansin niyang hindi naka-lock iyon. Biglang gumapang ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Pinasok ang bahay ko? No way! No way! Mabilis siyang pumihit pabalik sa sasakyan at kinuha ang baseball bat doon. Inihanda niya na ang sarili sa pagpasok ngunit ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Mahigpit niyang hinawakan ang baseball bat. Pinihit niya ang doorknob habang maingat na inihakbang ang kanyang mga paa. Hindi siya pwedeng makagawa ng ingay dahil ramdam niyang may nagmamasid sa kanya. Nakinig siya sa buong paligid. May tao sa kabilang kwarto. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa isang kuwarto. Nakabukas nang bahagya ng pinto kaya rinig na rinig niya ang isang boses na masinsinang nagsasalita. Tinadyakan niya nang malakas ang pinto bago pumasok when suddenly someone grab her wrist and pulled her back. Napangiwi siya nang tumama ang baseball bat sa kanyang dibdib. Nabitawan niya ang hawak at binigyan nang malakas na siko sa tiyan ang taong humila sa kanya. “Xianne!” daing nito kaya napatalon siya sa gulat. What the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD