La Consolidad De Colegio.
Ibinagay sakin ni Aunt Elise ang piraso ng papel na naglalaman ng schedule ko. Tauhan ni Lolo ang nag asikaso ng pagpapaenrol ko sa panibagong school na papasukan ko.
" Sa lunes, pupunta akong bayan, may ipapabili kaba? "
Umiling ako saka yumuko para ituloy ang pagkain ko. Inilapag ko ito sa tabing upuan at hindi na nagtanong pa.
" Ayoko ng sakit sa ulo, kung ayaw mo sa mga gusto kong mangyari, pwede ka ng bumalik kina Edgardo. Yon ay kung tatanggapin kapa nya " nagkibit balikat sya at uminom ng gatas.
Madami syang house rules, kasama na dito ang pagsasalita ko ng english kapag kausap sya. No english at all.
Madami din syang bilin, alas sais ng umaga kailangan nakaligo na ko, at kumukuha kami ng gatas ng baka, maglilinis ng lahat ng kulungan ng mga alaga nya, magpapakain, at maglilinis ng buong bahay at bakuran.
Wala pa don ang paglalaba twing araw ng sabado.
Ayon sa kanya, simple lang daw iyon. Muntik na kong mapamura nung sabihin nya sakin yon, simple?! ni magpunas nga ng alikabok sa sarili kong libro di ko nagagawa.
" Hindi naman ako nagrereklamo " matamlay kong sagot sa kanya.
Pagkatapos naming mag umagahan ng 5:30, ay pinayuhan nya kong maligo na. Pakiramdam ko, hindi pagising ang kamalayan ko.. gusto ko pa ulit matulog at mamaluktot.
Sakto alas sais nakaligo na ko, bahagya akong umupo sa kama ko.. tinitigan ko ito, s**t! hinihila akong unan at kumot.
" Babangon ka dyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig? "
Inis akong bumangon sa pagkakahilata. Mula dito nakarinig kami ng ingay mula sa dumating na sasakyan. Lumabas si Aunt Elise at ako nama'y dumungaw sa bintana.
Bumaba mula sa isang car truck na kagaya ng kay Aunt Elise ang isang lalaking nakasuot ng white sando, maong pants na bahagyang nakataas hanggang tuhod at isang pares ng bota. Maingat nyang ibinaba mula sa likod ang isang makina, nakita ko pang nagflexed ang kanyang braso sa pag angat nito.
Tumingin dito sa itaas si Aunt Elise kaya naman sinundan ito ng lalake, at mabilis na nagtama ang paningin namin. Muli nyang ibinalik ang tingin kay Aunt Elise at tumangon tango ito.
Nang makababa ako'y, wala na ang lalake at ang naabutan ko nalang ay si Aunt Elise na pinipilit paganahin ang makina.
Tumingin sya sakin.
" pakainin mo ang mga gansa, nandon sa taas ng kulungan ng manok ang pagkain nila " utos nito saka muling ibinalik ang tingin sa makina.
Nagsuot ako ng ibinigay nyang bota saka tinungo ang barn house at ginawa ang pinapagawa nya.
" Masungit ba talaga si Aunt Elise? "
may iilan na nilingon ako at ang iba'y nag aabang sa kanilang pagkain at gumagawa pa ng ingay.
" Sagutin nyo muna ako bago ko kayo pakainin " hirit ko pa sa mga gansa.
Alam kong mukha akong tangang kumakausap ng gansa. Inilayo ko ang pagkain nila, sumunod naman sila. Kahit saan ako lumakad ay sumusunod sila hanggang sa patakbo na silang sumusunod sakin, pucha! ako din ay napatakbo na, kaya naman tumakbo din sila palapit sakin.
" AHHHHHHH!!! LUMAYO KAYO! SHOO SHOOOO! AUNT ELISE!!! " natataranta kong tawag sa kanya.
Kumaripas ako ng takbo at ganon din sila.
Binitawan ko ang pagkain at tumakbo ng mabilis. Lingon takbo ang ginawa ko pabalik sa bahay hanggang sa tumama ako sa matigas na bagay at napasubsob don.
Napapikit ako ng nakaramdam ako ng sakit mula sa palad ko at hindi sa katawan. Nang dumilat ako'y nagpabalik balik ang tingin ko sa isang pares ng matang nakatingin din sakin. Ngunit sa takot ko na maabutan ng gansa ay hindi ko inisip ang posisyon namin kanina, mabilis akong bumangon sa pagkakadagan sa kanya, ngunit agad din nya kong pinigilan sa gagawin kong pagtayo.
" Stay still. wag ka kasing tumakbo "
sabi nito habang nakahawak sa bewang ko.
Lilingunin ko pa sana ang mga gansa ng pagilan nya ulit ako.
" Wag mo ng tignan "
Nang tumigil ang gansa ay tsaka lang nya ko pinakawalan. Ang nakapameywang na si Aunt Elise ang una kong nakita bago pa ko nagpagpag ng dumi sa palad.
" Ano pang ginagawa mo dito? "
tanong nito habang papalapit samin.
" Hinab-- " she cut me off and stared to the guy beside me, nagpagpag din sya ng mga nagkalat na dayami sa kanyang likuran ng bumagsak ako sa kanya.
" Hindi ikaw ang tinatanong ko " tumingin sya sakin saka naglipatng tingin sa lalake.
" Hindi ba naihatid mo na ang makina? bakit nandito kapa? "
Napalunok ako. Napakasungit nya talaga. Nakita ko ang sasakyan nya na nasa gitna ng daan palabas ng gate.
" Nakalimutan ko ho kasing ibigay sa inyo yung krudo na kailangan sa makina para mapagana "
saglit syang lumakad at kinuha ang galon sa di kalayuan na malapit lang sa binagsakan namin na palagay ko'y nabitawan nya ng tumama ako sa kanya.
Tinanggap ito ni Aunt Elise saka tumingin sakin.
" pumasok kana sa loob at magluto "
Naguguluhan pa kong lumakad, isa sa naging usapan namin ay sya na ang magluluto ng kakainin naming dalawa.
" Pwede ka ng umalis Jed, ikamusta mo nalang ako kay Julio " rinig ko pang sabi ni Aunt Elise bago ako tuluyang makalayo sa kanila.
Muli akong sumulyap sa kanila nang papasok na ko sa loob, nakatalikod na din ang lalake kanina at mabilis na tinakbo ang kayang sasakyan at umalis na din.
Sabay kaming kumain ng tanghalian, parang mabibingi nga ako sa sobrang tahimik, tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig mong ingay.
" Sige tawanan mo pa ko "
Bandang alas tres ng tawagan ako ni kuya at naikwento ko pa nga ang paghabol sakin ng gansa, kaya naman pana'y ang tawa nya sa kabilang linya.
" I told you, exciting tumira dyan Ads "
Napairap ako sa exciting na sinasabi nya, ano pa bang mararanasan ko sa lugar na to. Matino naman ako para ipatapon pa dito pero talagang mabilis lang ako mapuno.
Hindi rin nagtagal ang tawag ni kuya at ibinaba nya na rin. Napahiga ako sa duyan at nag-iisip ng mga bagay na mararanasan ko pa dito. Bukod sa napakasungit nya, ubod din ng sipag na minsan nakakainis na dahil kailangan ko ding magsipag sipagan.
Sumagi sa isip ko ang itsura nung lalake, ang mga mata nya na para akong hinihigop, ang matitigas nyang brasong pumirmi sa bewang ko, pati na din ang kanyang dibdi--
" Ano't ngingiti ngiti ka dyan? "
I almost jump on my seat ng sumulpot sa harap ko si Aunt Elise na naglapag ng meryenda.
" Ma-may naisip lang po "
Kumuha sya ng isang pirasong nilagang kamote at maigi itong isinawsaw sa asukal.
Kinabukasan , hirap akong bumangon at pinatay ang alarm clock ng cellphone ko , walang ano mang tawag mula kay kuya o kahit man lang kay Lolo Ed.
Lumangitngit ang pintuan ng aking kwarto at dumungaw don si Aunt Elise.
" I'm up ..I mean uhm ang ibig ko pong sabihin ,gising na ko at susunod na lang po ako sa baba "
Sya namang pag sarado nya ng pinto.
" Elisa! Elisa!! "
Sabay kaming napalabas ni Aunt Elise sa kalagitnaan ng aming paglilinis.
Nakapameywang na hinarap ni Aunt Elise ang isang matandang lalaking may bitbit na plastic tupperware at dalawang dilaw na supot.
" Elisa " muli nitong tawag saka masayang ngumiti kay Auntie.
Umabante sya saka pilit inabot ang mga dala sa nakatayong matandang dalaga. Tinanggap nya naman ito ng walang ngiti ngiti.
Bumaling sakin si Aunt Elise at inilahad ang kinuha nyang dala ng lalake.
" Hindi mo man lang ba ko papasukin Elisa? "
Lihim akong napangiwi sa nasasaksihan ko ngayong panliligaw ng isang matandang binata sa matandang dalaga.
Muling ibinalik ni Aunt Elise ang paningin nya sa lalake matapos ibigay sakin ang dala ng manliligaw nya.
" Maupo ka "
Agad umupo ang matandang lalake, kumaway pa ito sakin bago ako pumasok sa loob para ilapag ang hawak hawak ko.
Mula dito ay tanaw ko ang magiliw na pag ngiti ng lalake kay Aunt Elise samantalang tanging ismid lang ang ganti ng ating matandang dalaga.
" Manliliga--- "
" Hindi. manahimik ka dyan at kumain. " pagputol nito sa sasabihin ko sana.
" Ma-masarap yung adobo nuh? Aunt Elise " nag-aalangan kong puri sa pagkaing dala nung lalake kanina.
Nagkibit balikat lamang sya at nagpatuloy sa pagkain. Napakasungit nya talaga, hindi ko man lang sya makitaan ng emosyon at kahit konting pasasalamt sa lalaking nagpunta dito.
" Siraulo ka, hindi pa naman ganon katanda si Aunt Elise kaya pupwede pa syang magkanobyo " sabi ni kuya.
Nagtawanan lang kami ni kuya sa loob ng isang oras at pinagkwentuhan ang namumuong pag-ibig ni Aunt Elise sa lalaking sa ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.
Nang hapon na iyon ay naging busy kami ni Aunt Elise sa pagpapakain sa maraming pares nyang hayop sa malawak nyang lupain. Isang linggo palang ako rito, ngunit parang unti-unti ko na din namang nasasaulo ang mga gawain dito.
" Magandang hapon Aunt Elise "
Ang lalaking naghatid ng makina kahapon ay muling nagbalik, may dala itong tupperware na kagaya ng kaninang tanghali.
" Ipinabibigay ho ni tiyo Julio "
Tumingin muna sya sakin bago iniabot kay Aunt Elise. Hmmmm.. mukhang kilala ko na ang masugid na manliligaw ng matandang dalaga na ito.
Si Aunt Elise na ang nagpasok ng dala ng lalake dahil madumi din naman ang aking kamay.
Tumingin sya sa ginagawa kong paglalagay ng pagkain sa manok. Kaya naman ng maisip ko ang bagay na bumabagabag sakin ay agad ko syang tinignan at tinanong..
" ang tiyo mo ba ang nanliligaw kay Aunt Elise? "
Tumangon sya.
" ilang taon na syang nanliligaw? "
" tatlo "
Muntik ko ng maibagsak saking paanan ang pagkainan ng manok dahil lang sa binanggit nya.
" Ta-tatlong taon? " paglilinaw ko.
Natawa sya ng bahagya habang tumatango tango.
" tatlong taon na din akong pabalik balik dito para lang maghatid ng mga niluto ni Tiyo Julio para kay Aunt Elise " paglilinaw nito.
" pero nung mga nakaraang araw, wala namang natatanggap si Aunt Elise galing sa tito mo "
" Kababalik nya lang galing sa Alinyusad, nagmedical mission sila don "
" Doktor pala ang tito mo " mangha kong tanong pa. Kahapon kasi, base sa kanyang pormahan, mukha lang syang cowboy na mahilig mangabayo sa rancho.
Muli syang tumango.
" Doktor din naman si Aunt Elise diba? . sabi nya.
Muli akong namangha. Doktor? yung masungit na yon?
" Seryoso? ", tanong ko bago nagbigay ng inumin sa mga manok.
Kinuha nya ang painuman ng iba pang manok saka isinahod.
" Hindi mo alam? Doktor sya, sa hayop nga lang " sagot nito.
Vet si Aunt Elise?
Kaya ba napakahilig nya sa pag-aalaga ng hayop?
Sinundan nya ko hanggang sa likod ng barn kung saan may tatlong piraso ng kabayo na nakatali sa tatlong naglalakihang puno dito.
" Pamangkin kabang totoo ni Aunt Elise? " sya naman ang nag-umpisang magtanong.
" Hindi. Bestfriend sya ng MABAIT kong si Lolo Ed, sa sobrang bait nya, pinatapon nya ko dito, dito sa boring na lugar na to "
Hindi nya ata nahimigan ang pagiging sarcastic ko and at the same time ang simple kong pagbibiro dahil hindi man lang sya tumawa o kahit ngumiti.
" naboboring ka dito? " tanong nya.
Hindi ko sya sinagot, binigyan ko ng pagkain ang kabayo bago umupo sa bangkong kahoy malapit sa puno.
" Oo. siguro kasi sanay ako sa maingay na paligid sa maynila "
Umupo din sya.
" Taga-maynila ka pala "
Natawa ako. " Kakasabi ko lang diba "
Naging tahimik ang paligid na tanging hangin lang at papalubog na araw ang nasasaksihan namin hanggang sa may maisip ako...
" Tulungan mo kong magkaibigan ang tito mo at si Aunt Elise "
Napatingin sya sakin.
" Baka magalit sayo si Aunt Elise, susungitan ka non lalo "
"Kelan ba sya hindi nagsungit? "
Napangiwi nalang sya saka kami bumalik sa harapan ng bahay.
" Papalubog na ang araw, umuwi kana, gagaya kapa ata sa tiyuhin mo "
Imik ni Aunt Elise na naabutan naming prenteng nakaupo sa duyan at para bang iniintay kaming dalawa.
Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi nya sa lalake, tumawa lang ng walang tunog ang lalake saka nagpaalam na.
" Anong pinag-usapan nyo ng pamangkin ni Julio? "
Ngumiti ako, agad namang kumunot ang noo ni Aunt Elise na para bang naiinip sa isasagot ko.
" usapang pang dalaga at binata po "
tatawa tawa kong sagot sa kanya.
Kahit malayo ako sa kanya ay pabiro syang umamba ng kurot. Tuluyan na kong natawa.
" Sa susunod na linggo na ang pasukan, darating bukas ang mga gamit mo sa eskwela, pinadala ni Edgardo "
Umupo ako sa bangkong nasa kanyang harapan at naghubad ng suot na bota.
" Pang ilang paaralan mo na to? "
Pinagdikit ko sa ilalim ng upuan ang suot kong bota bago sya sinagot.
" I.. uhm di ko na mabilang? apat? lima? anim? "
Napangiwi sya.
" Meron na kong labinlimang piraso ng uniform galing sa ibat-ibang school, cool diba? I think I've finally knew what to collect after all "
Kumunot ang noo nya.
" Fine. sorry, nadala lang ako, ang hirap kayang magtagalog ". sabi ko pa.
She stands up saka pumasok ng walang imik.