HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Lutang, bagsak ang balikat at hindi makapagsalita. Iyan ang itsura at sitwasyon ko ngayon habang nakaupo ako sa harap ng isang lamesa na halata namang mamahalin. Halos hindi ko pa maabot nag letseng lamesa dahil sa mababa ang upuan, at maliit lang ang katawan ko. Ang lamesa ay halos kapantay na ng dibdib ko ngayon. Mataas, para sa isang... cute na katulad ko. Nakababa lang ang tingin ko 'don, tinitignan kung sakali bang mayroong alikabok—pero wala! Kumikintab ang lamesa at halatang alaga o araw-araw nililinisan. Ang dalawang binti ko naman ay idinuduyan ko lang sa ilalim dahil hindi ko gaanong maabot ang sahig, nakatikri pa ang paa ko para lang maabot 'yon kung gugustuhin ko. Para akong nanliit sa sarili ko—mahirap na nga ako, maliit pa! Aba'y parang k

