HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW "Hoy Hapi! Lutang ka na naman? Jusme, late ka na nga pero nakatunganga ka na naman diyan aba?" ang bungangerang bunganga ni Ali ang pumukaw sa akin mula sa malalim na pagiisip. Saka ko lang napansin na may customer pa lang naghihintay sa harap ko matapos niyang mapukaw ang natutulog kong diwa. "Nako, pasensya na po—lutang lang." paghingi ko pa ng tawad sa lalaki na mukhang masungit ang mukha. Wala naman itong ibang sinabi at nakatingin lang sa akin. Alas siete na, kaya 'etong si Ali 'eh naghahanda na rin para umuwi. Hatid-sundo rin ito ng jowa niya kaya swerte, walang malas na makakasalamuha sa daanan kapag pauwi kung nagkataon. Matapos kong maibigay ang binili ng customer maging ang barya nito ay agad din naman itong umalis kaya naupo na ako sa upua

