" Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas di ba?" Tila naman siya nakahinga nang maluwag. ngumiti siya. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisng ko. Napaatras ako. " H-Honey," Nagtataka niya akong tinitigan. " I-Inaantok na a-ako," Ilang sandali niya akong pinagmasdan. Parang may gustong sabihin pero nanatili naman itong tahimik at tumango na lamang at binitawan siya, pero hinalikan muna siya nito sa noo. "I'm sorry," Napakunot noo ako. " Bakit ka nag so-sorry? May kasalanan ka ba?" Nananantya kong tanong sa kanya. Sinubukan kong hulihin ang reaksyon niya pero blanko lang ang kanyang mukha. Sige lang... magpanggap ka lang... Kahit di mo aminin, Alam ko, Greco. Alam ko... Napatingin kami pareho sa cellphone niya nang may tumatawag rito. Yumuko siya at kinuha iyon sa kan

