TATLONG oras bago kami nakarating ng Sicily, Italy. Huminto sa tapat nang malaking gate ang sasakyan na minamaneho ni Kuya Leo. Ito na marahil ang mansyon nila Greco. Naunang bumaba si Greco at umikot sa kabila para pagbuksan ako nang pinto. Ganun din naman si kuya Leo kay Hazel. Medyo napansin ko na parang natigilan si Hazel sa ginawa ni kuya Leo. Pero sumunod na din naman siya humawak pa siya sa kamay nito na nakalahad. Matapos ibaba ang mga gamit namin ay pinark na ni kuya Leo ang kotse at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Ngunit napatulala ako nang bumungad sa mata ko ang malawak nilang garden. Napupuno ito nang iba't-ibang uri nang mga bulaklak na hindi ko kilala ang mga pangalan! Nakalagay sila sa naglalakihang mga flower pot. Mayroon din mga puno iyong matatagp

