SELENA: *** NAGISING ako nasa hospital ako, Kasalukuyan may isang nurse ang nag chi-check nang vital signs ko. Napansin ko si Greco na nasa isang sofa habang nakaupo. Nakita nitong gising na ako. Nanlaki ang mga mata nito at kaagad tumayo para lapitan siya. " H-honey, m-may masakit ba sa 'yo?" Nag aalalang tanong nito sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang buhok pero umiwas siya. Natigilan ito at tumingin sa mukha niya. " A-ang baby? k-kamusta ang anak ko?" parang may bumikig sa aking lalamunan habang tinatanong iyon sa kanya. "H-honey," " Kamusta ang baby ko? Nurse... safe ba ang anak ko?" Bumaling ako sa nurse at ito naman ang tinanong. Pero nakatingin lang ito sa akin habang malungkot ang mga mata. Kinabahan ako. Nakaramdam ako nang kakaibang takot sa dibdib ko!

