" Alam ko namang may gusto ka kay Geo, Pwede ko rin siyang kunin ninong pag nanganak na ako, kayong dalawa," Napansin ko ang pag kulay kamatis nang pisnge niya! muntik na ako mapabungisngis sa nakikita kong ito sa kanya. Sa loob nang tatlong buwan kong pananatili dito sa Tacloban dito sa Leyte. Masasabi ko na naging masaya ako kahit papaano. Pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang anak kong nawala sa akin, Masakit pa rin kapag naaalala ko. Umiiyak pa rin ako sa tuwing walang nakatingin sa akin. Lalo na sa gabi. Dito ako dinadalaw nang mga panaginip nang umiiyak na sanggol! Nagigising ako sa gitna ng gabi at biglang iiyak! Sinabi ko iyon kay Jen. Siya kasi ang naging kaibigan ko na rin bukod sa pinsan ko pa siya. Anak siya ni tiya Mela.. kapatid siya ng papa ko. dalawa lang

