Masinsinang nag uusap si Tiya Mela at mommy Lucy sa kusina. Naroon sila ngayon habang nag luluto nang hapunan. Inaya kasi sila ni tiya Mela na dito na maghapunan na kaagad din naman silang pumayag. Hindi naman nakialam si tiya Mela kahit narinig niya ang sinabi ni Greco at iyong tungkol sa hiling nito na makasama ulit ako, Basta ang sinabi niya lang ay pag iisipan ko raw mabuti ang gagawin kong desisyon. Isa pa. May karapatan naman daw ito sa anak ko dahil ito ang ama. Kanina pa ako tahimik habang nakaupo dito sa sala at katabi ko si Greco.. Hindi na rin naman ito nagsalita matapos nitong lumuhod kanina at umiyak sa harap ko. Inaamin ko na galit pa rin ako sa kanya, Hindi naman iyon mawawala lalo at sa tuwing naaalala ko kaakibat no'n ang sakit nang pagkawala nang anak ko! Pero god

