SELENA: Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pintura. Mukhang nasa ospital ako. Naalala ko ang nangyari. After kung pumasok sa loob ng opisina ni Greco, S-Sumakit ang tiyan ko. And then pumasok siya at nagulat sa nakita. "T-There's B-Blood! Oh, no," Iyon ang huli kong natatandaan bago ako nilamon ng kadiliman. Ang sumunod ay di ko na alam ang nangyari. Pinakiramdaman ko ang sarili ko lalo na sa bandang puson ko. Wala naman akong kakaibang nararamdaman. Hindi na rin naman masakit ito. Kinabahan ako. B-baka... baka... napano ang baby ko! Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang babae sa tingin ko ay doctor dahil sa suot nitong puting robe at esthetiscope. Kasunod nito ang isang nurse at ang asawa ko. Kaagad ako nitong nilapitan. Hindi ako nagpakita na

