SELENA: "Let's talk. please..." "Greco. ayaw nga kitang kausapin. Hindi ka ba makaintindi," "No. I want to tell you the truth. Isang beses lang iyon. Bakit ba mas pinipili mo maniwala sa babaeng 'yon kesa sa akin na asawa mo?" Ilang segundo ko siyang tinitigan. Walang nagsalita sa amin matapos niyang sabibin iyon sa akin. Tinatanggi niya. Hindi ko pa rin siya kinausap. Tinalikuran ko siya at muling pumasok sa loob ng silid. Nahiga akong muli sa kama at nagtalakbong ako ng kumot. Narinig ko ang mga yabag niya na pumasok na rin dito sa loob. Maya-maya pa ay narinig ko ang pintong sumara. Gumamit siguro siya ng banyo. Hinayaan ko na siya. Ayoko na muna isipin sila ng malanding Maxine na iyon. Naisipan kong ipikit ang mga mata ko. Inaantok rin kasi ako kanina pa.. Dahil se

