"ZANE! Zane, Nandito kami. Yooohooo!" Todo kaway si Tata. Si Tata nga pala ay kaibigan niya. Ngayon lang ito dumalaw sa kanya dahil kadarating lang nito galing sa probinsya. "Uy, ano ba? Nag iiskandalo ka na diyan," Nasa Airport sila para sunduin ang isa pa nilang kaibigan. Nagpresinta si Tata na susundo nang malaman na walang sasalubong sa lalaki. Hindi naman daw kailangan, Sabi ni Zane. pero nagpumilit si Tata. At siyempre, bitbit siya ng kaibigab. Buti nga pumayag si Greco kanina na isama siya ni Tata. Hindi kasi close ang dalawa. Kaya hayun sila ngayon, gumagawa ng gulo. Pero ayos naman ang ginawa ni Tata. Nakita agad sila ng hinihintay nila. "Hey!" Patakbong lumapit sa kanila si Zane, pinagmasdan sila. "Wow, I missed you, guys!" bulalas nito, Halatang tuwang-tuwa

