"Thank you!" Ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanya matapos naming kumain. Naparami siya ng kanin. ganado siyang kumain dahil daw luto ko! Na touch na naman ako sa kanya, Kahit kasi dati pa hindi naman siya nagsasayang... basta luto ko ay hinanda ko, kakainin pa rin niya 'yan! "Para kang buntis, ang lakas mong kumain!" natatawa kong sabi sa kanya. "Really? It's your fault anyway, Ang sarap kasi ng lahat ng luto mo," Napangiti ako sa papuri niya. "Kailan nga pala natin sasabihin sa parent's mo na magiging lola na sila?" naisipan ko na ring itanong. Siguradong matutuwa ang mga magulang nila kapag nalaman. "Puntahan natin sila mamaya sa mansyon. Doon na rin tayo matulog," Sagot niya. Namilog naman ang mata ko! Di ko maiwasan ma.excite. Namiss ko na rin kasi si mommy Lu

