Chapter One: Episode 4

3437 Words
Kliara Ngayong araw na ito ay election for NEW STUDENT COUNCIL officers. Isa ako sa mga na-assign bilang election officer and we’re handling the Freshmen voters. Dahil naturally, walang klaseng magaganap dahil sa election, absent ang ilan sa mga classmates ko at yung iba naman ay assigned na sa ibang classrooms. Si Ms. Anj, na adviser ng election committee ang nag assign sa’min. “Marie Kliara Philene, ang mga kasama mo ay sina, Johanne, si Marydel, si Jomar at si Simon.“ Sabi sa akin ni Miss Anj. Nagtaka ako dahil sa dami naman ng classmates ko, why would Simon be included. He’s not even the type para sa mga activities na ganito. Nevertheless, wala naman akong choice and pwede na rin naman siyang peace officer sa group ko. Pagkatapos ng short meeting na iyon, agad akong nag punta sa classroom para i-inform yung mga sasama sa’kin. Na inform ko na silang lahat, except Simon. It’s been a while since we talked in person. And I am quite bothered kung paano ko siya kakausapin kasi hindi nga kami close. Pero, hays bahala na nga! This is a call of duty. “Simon.” I called him, lumingon naman siya sakin. “Naka assign ka sa group namin para maging election officer.” I told him as I give him the paper na may mga pangalan namin. “Anong gagawin ko dun?” tanong niya, kalmado lang naman siya. Not the usual grumpy behavior. “Uhm, I’d be assigning you to guard the door. Tutulong ka kay Jomar, since kayo lang naman yung lalake.” Sagot ko. He agreed to it, and later on, nagpunta na kami sa classroom or precinct kung saan kami assigned. So far, naging smooth naman ang activity namin, I thought it would be complicated with Simon around kasi nga pasaway siya minsan. But Simon was more behaved than he ever was. Hindi siya yung parang nagsisimula palagi ng argument or nang-aasar ng mga babae. He was just following whatever I tell him to do and he’s even talking with the freshmen na naghihintay sa labas. Soon, it’s lunchtime and we decided to take a break. Nag lunch ako kasama sina Marydel and Johanne. After lunch, they told me pupunta na muna sila ng classroom at babalik na lang doon before 1pm. Ako naman, I decided na mauna na lang din sa precinct dahil baka may mag sneak in doon kasi hindi naman yun naka lock. But to my surprise pagdating ko doon ay nandoon na din si Simon. Gusto ko sanang lumabas, just cancel my plan of staying there but baka ma awkward lang lalo. He was just sitting on one of the armchairs, strumming someone’s guitar na nandoon, kaya naupo nalang ako sa teacher’s desk at nag cellphone. “Nag lunch ka ba?” I asked him out of the blue. Usually kasi he’s not the type na tumatambay sa classroom. Them boys are usually out playing basketball. I just asked him pero hindi siya sumagot sa’kin. “Excuse me, I was talking to you” I told him. “Hindi.” He said. “Bakit hindi pa?” I arched my brow. “Hindi ako gutom.” Sagot niya naman sa akin. EH? “Talaga ba?” I asked. I just have to make sure kasi kahit naman hindi kami close, he’s still our classmate. Besides, may gagawin pa kaming tally mamaya kaya nag-aalala ako na baka magutom siya at baka mahimatay pa. Nag decide akong tawagan si CJ at baka may natira pa silang snacks na nilibre sa amin kaninang umaga. “CJ, may natira pa bang snacks dyan?” I asked as soon as he picked up. “Wala na, why? Manglilibre ka ba?” pagbibiro pa ni CJ. CJ is our class V-Pres. He is running for S-Council Pres. though, kaya hindi siya kasama sa election committee. “Asa ka! HAHAHA di ka pwede dito, wag ka ng pumunta, wala ka namang snacks” sagot ko sa kanya tsaka namin binaba ang tawag. Pagbaba ko ng phone, nahagip ko naman ulit ng tingin si Simon at nakatingin din siya sa’kin. “What?” I asked. “Wala, maganda ka.” Sabi niya. My jaw nearly dropped kasi hindi ko inaasahan na masabi niya yun straightforwardly. I composed myself though. He’s just joking, I know. “Ewan ko sa’yo. Gutom lang yan.” Tumayo ako at pumunta sa seat niya. Binaba niya yung guitar, at nag-aantay, more like nabibigla dahil palapit ako sa kanya. “Let’s get you some lunch. Hindi ka pwedeng hindi kumain, marami pa tayong gagawin.” I told him as I dragged him outside. Soon after, nahila ko din siya papuntang canteen. Even if he kept saying h’wag na daw dahil hindi naman daw siya nagugutom. Ayoko naman din sanang ipilit pero wala nang atrasan dahil ako ang nag insist at hinila ko pa talaga siya. It’s like ako yung nag first move sa kanya. Nakakahiya! “Anong gusto mo?” I asked him while he looking at the menu sa taas ng counter. Hindi siya sumagot. “Kumakain ka ba ng baboy?” tanong ko ulit. “Yung buhay ba?.” Pilosopo niyang sagot. Gago talaga. “Para kang ewan. Pork, okay? Happy?” I rolled my eyes on him tsaka bumaling sa nagtitinda ng food. “Auntie, isang serve ng porkchop po, then dalawang rice tapos, and sabaw po. Tsaka dalawang cucumber juice na rin, yung isa take-out. Thank you!” baling ko doon sa service crew sa canteen. Wala ng masyadong tao kaya madali lang kaming naka-order. Binayaran ko yun tsaka ako bumaling ulit kay Simon na nakapwesto sa table malapit sa counter. “Ano na Simon? Kunin mo na to.” baling ko sa kanya. Hindi naman ako galit, ganito lang talaga ako magsalita. Tumayo siya at kinuha iyon. Nang maka-upo na siya at ready nang kumain, tsaka ako nagpaalam na umalis. “Bilisan mo jan ha, malapit na tayo mag resume. And, ubusin mo.” Saad ko sa kanya tsaka humigop ng cucumber juice ko at akmang aalis na ako pero pinigilan niya ako habang hawak ang kamay ko. “Thank you.” Sabi niya. Tsaka binitawan ang kamay ko. I was flustered by that. Biglang uminit sa bandang tenga at pisngi ko and my breath somehow stopped. Umiwas ako agad ng tingin sa kanya at humayo na palabas. Palabas na ako nang makita naman ako ni Vaughn. “Kliara… Kliara…… Kliara….” Saad niya habang papalapit siya sa’kin. Natatawa ako sa SLOWMO way ng pagtawag niya sa akin. “WHAT.WHAT. WHAT” I replied. “Libre mo ako.” He spoke. “Nakita ko wallet mo kanina, madami kang pera.” Dagdag pa niya. Nasa level na kami ng friendship ni Vaughn ngayon na pati wallet ko pinapakialaman niya. “Ayoko ngaaaaa.” I told him. Pero wala na akong magawa dahil nasa Canteen nga naman kami at kinaladkad na niya ako papunta sa counter ulit. In the end, nalibre ko siya ng burger at fries. Gusto ko din kumain ng fries kaya dinamihan ko ang pag-order. Nasa counter na kaming dalawa nang magsalita naman si Ate Jo, yung cashier. “Galante ka ngayon Ma’am ah, dalawa na nilibre mo.” Sabi niya. Nagulat ako maging si Vaughn sa sinabi niya. Patawa-tawa nalang ako para hindi na magtanong si Vaughn. Pagkatapos naming magbayad, naupo kaming dalawa ni Vaughn sa table across Simon. I don’t know why, pero sobrang na awkward ako na kasama ko si Vaughn. I shrugged. Maybe natatakot lang akong malaman niya na si Simon yung nilibre ko dahil tiyak na aasarin na naman niya ako. I tried to act as normal as possible kahit na alam kong nakatingin din sa amin si Simon. Ugh, eh ano naman kung nandyan siya? Why am I so bothered? --- Simon It surprises me how a gesture so small can feel so very big. How sometimes you don’t realize the nervousness or sadness you were holding deep inside until the touch of someone let it all out of you like your entire body is exhaling. -Lucy Keating, Dreamology “Simon. Naka assign ka sa group namin para maging election officer.” Ito ang unang sinabi sa’kin ni Klarra ng makita nya ako. May pinakita siya sa aking papel na room assignment at siya ang leader doon, at nakasulat ang pangalan ko bilang precinct guard daw. Gusto ko sanang tumanggi dahil wala naman akong alam sa mga ganitong bagay, pero nang makita ko ang mukha ni Kliara na sobrang seryoso ay umurong ang dila ko at hindi ko magawang sabihin na ayaw kong sumali. Sumunod nalang ako sa kanya at naging okay naman lahat kaya nakapag lunch break kami ng tamang oras. Kaya lang, noong lunch break na namin ay tsaka ko naalala na wala nga pala ako naka-hingi ng baon kaninang umaga sa nanay ko. Pumunta ako sa classroom ng kapatid ko, pero hindi ako binigyan ng pera dahil akala niya ibibili ko lang ng yosi. Nakakahiya naman ding magpalibre sa mga kaibigan ko, dahil alam kong sapat lang din naman yung mga baon nila para sa sarili nila, uminom na lamang ako ng maraming tubig tsaka bumalik doon sa classroom kung saan ako naka-assign. May nakita akong gitara kaya inaliw ko nalang ang sarili ko doon at siguro’y matutulog nalang ako maya-maya. Ngunit, hindi pa naka kalahati ang oras ang lunch break ay nakita ko na si Kliara na pabalik ng classroom. Nagulat din siya na andon ako, pero pumasok pa din siya at naupo sa harap sa may chalk board. “Nag lunch ka ba?” bigla nyang tanong. Akala ko ay may kausap siya sa cellphone niya kaya hindi ko siya pinansin. “Excuse me, I’m talking to you.” sabi niya, sa akin. Ako pala talaga ang tinatanong niya. “Hindi.” Sagot ko. Nahihiya pa akong sagutin siya. “Hindi ako gutom.” Sagot ko nalang, kahit sa totoo ay nagugutom talaga ako. “Talaga ba?” sagot niya nahalatang ayaw maniwala sa’kin. Di ko ini-expect na yung babaeng parang laging galit sakin ay marunong din palang mang-asar. Maya-maya ay nabaling ulit ang pansin niya sa cellphone maya-maya ay may kausap na siya. Si CJ ata. “What?” tanong niya sa akin. Napansin niya pala na nakatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang rin napansin na nakatitig na ako sa kanya. “Wala, maganda ka.” Oh s**t! Sinabi ko ba talaga yun? Gago! Nagkunwari lang akong parang wala lang sa’kin yung sinabi ko, pero ang totoo ay nakakahiya talaga. “Ewan ko sa’yo. Gutom lang yan.” Sinabi ni Kliara at tumayo siya at naglakad papalapit sa’kin. Binaba ko yung guitar. Natakot ako dahil akala ko ay susuntukin niya ako o ano. Aawatin ko na sana siya pero sa halip na pananakit, ang ginawa niya ay hinawakan niya yung kamay ko at pinatayo. “Let’s get you some lunch. Hindi ka pwedeng hindi kumain, marami pa tayong gagawin.” Sabi niya sakin habang kinakaladkad niya ako palabas ng classroom. “H’wag na, ano ka ba!” Tanggi ko pero hindi siya nakikinig sa akin. Ayaw ko namang magpahila masyado dahil may mga nakatingin sa amin habang naglalakad, baka akalain nila nag-aaway kami o binubully niya ako. Sa tingin ko ay sa canteen niya ako dadalhin. “Kliara, hindi naman talaga ako gutom eh.” Sabi ko pa pero binigyan niya lang ako nang striktang tingin. Kaya natahimik na lang ako at sinunod siya. “Anong gusto mo?” tanong niya sa akin noong nasa canteen na kami. Ayoko talagang magpabili sa kanya ng tanghalian ko. Nakakahiya tsaka ayokong isipin niya na nagpapalibre lang ako kung kani-kanino, tsaka, masyado na syang mabait para gawin sa ‘kin to. Pero, bakit, bakit parang, natutuwa ako na ginagawa niya to para sakin? Psh. Napailing ako habang naiisip ang mga bagay na ‘to. Tang-ina kinikilig ba ako? “Kumakain ka ba ng baboy?” tanong niya ulit. “Yung buhay ba?” Sagot ko. Naaliw naman ako sa naging reaksyon niya. “Para kang ewan.” Sabi niya sa’kin pagkatapos akong irapan. Umupo ako sa pinakamalapit na silya dahil alam kong wala na rin naman akong magagawa, kaya kakain na lang ako. “Ano na Simon? Kunin mo na to.” Tumayo ako’t kinuha iyong pagkain. Pagkatapos ay kumuha siya ng kutsara para sa akin at binigay sa akin. “Bilisan mo jan ha, malapit na tayo mag resume. And, ubusin mo.” Aalis na siya no’n pero na realize kong hindi pa ako nagt-thank you. “Thank you.” Mukhang nagulat siya nung hinawakan ko siya sa kamay niya kaya binitawan ko yun agad. Maaaring gago nga ako at mahilig mang-asar, pero hindi naman ako nang babastos ng babae. Naglakad na siya papalayo sa akin pero hindi pa man siya nakakalabas sa canteen ay nagka-salubong naman sila ni Vaughn, yung kaklase namin na siyang katabi ni Kliara. May mga nagsasabing sila daw, pero kapag inaasar naman sila ng mga kaklase namin ay panay ang tanggi nila. Nung hatakin ulit ni Vaughn si Kliara sa canteen, nagkatinginan lang kami ni Kliara nung dumaan sila sa banda kung nasaan ako. Kumain na lang ako dahil baka makita pa niya kung hindi ko ubusin. Habang kumakain ako, ay pumwesto naman sila sa mesa malapit sakin, nakita ako ni Vaughn, at tumango lang sa akin, pagkatapos ay kumain na silang dalawa ni Kliara. Habang nagtatawanan sila at nagkukulitan doon, tinignan ko si Kliara, at nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin pero dinedma din ako agad. Kanina lang parang close kami, ngayon, psh! suplada talaga. Napangiti nalang ako at kumain nalang din ulit. Hanggang sa natapos ako, ay panay pa din ang pag uusap nila doon. Baka nga magka-relasyon talaga ang dalawang to. Ewan ko, pero kung totoo man yun, bagay naman sila, at kita namang masaya si Kliara sa kanya. Umalis na ako doon at hindi na nagpaalam sa kanila. Di nagtagal ay sumunod din si Kliara sa classroom. Nandoon na rin si Jomar at yung dalawa naming ka klase na babae. “Good afternoon. Start na tayo sa tally.” Bati niya sa amin. Mukhang good mood na good mood naman siya. Palibhasa… natigil ako sa pag-iisip dahil tinawag niya ako. “Simon, come here” pinalapit niya ako sa kanya. “Ikaw mag che-check kung yung binabasa ko sa papel ay yun ang tunay na nakasulat. To make sure walang daya.” Pagpapaliwanag niya. Pinakuha niya ako ng silya at iniexplain sa iba ang mga gagawin nila. Nakaharap kami sa chalkboard at magkatabi na kami ngayon na nakaupo. Medyo naninibago pa ako dahil hindi naman ako pala-lapit sa mga babae. Napapaisip na tuloy ako sa pinasok ko ngayon. Bakit ba kasi ako nandito. HAHA Nag-concentrate nalang ako sa ginagawa namin. Minsan ay natatawa pa ako kay Kliara dahil nalilito siya sa mga sinusulat na pangalan at minsan ay hindi pa nababasa. Akala ko ay puro sungit lang ang alam niyang gawin sa’kin, pero dahil nakasama ko siya ngayong araw na ‘to, nalaman kong maawain din siya sa ibang tao, at masayahin din siya. Siya pa yung nagsisimula ng kakulitan dahil medyo mahiyain din yong iba naming ka-klase. Akala ko, hindi siya namamansin sa iba na hindi niya kaibigan, pero naaaliw ako na ina-asar pa niya yung mga kasama namin dito. Ini-enjoy lang namin ang ginagawa namin at inaamin kong magaan din pala sa pakiramdam ang mga ganitong bagay. --- Kliara “Thank you, guys, pwede na kayong umuwi.” Sabi ko sa mga kasama ko pagkatapos namin sa tally. Ipinasa ko na ang result kay Ms. Anj at sinabi niyang bukas na daw ang announcement. Nagpaalam na si Jomar, Marydel at Johanne habang ako ay inaayos pa yung mga dala kong kagamitan. Habang ginagawa ko iyon ay nilapitan naman ako ni Simon. “Yes?” I asked him. Napakamot naman siya sa likod na ulo niya. “Pwede ba kitang makausap?” tanong niya sa’kin. Hindi ko ini-expect sa kanya yun, pero tumango na lang din ako despite being surprised. Since nakaalis naman na sina Johanne, ay di na kami lumayo at sa loob na rin lang kami ng classroom nag usap. I told him to spill his thoughts. “I’m sorry tungkol doon sa ano, tungkol kina Sir.” Sinabi niya. “Ahh, wala yun. Just forget it. You’re right, we better not stick our noses to their lives.” Sabi ko. This is what I realized these past few weeks. I cannot save or help everyone. Gustuhin ko mang mag report, pero alam kong mapapahamak ko lang si Gwen, at baka ma tanggal pa sa trabaho si Sir. Kawawa lang lalo ang pamilya niya. “Hindi, tama ka, at gusto kitang tulungan kung may plano ka man. Parehas lang tayong galling sa broken family. Maswerte lang ako dahil may stepfather na ako ngayon.” Sinabi niya naman sakin. Right. Anak nga pala to ng foreigner at half brother niya si Wil. Na konsensya tuloy ako sa mga sinabi ko sa kanya dati. “Sorry din sa mga nasabi ko sa’yo. I was just sensitive that time at anxious din ako dahil sa nakita ko. But I gave it some thought already, and hindi ko kayang mag-report kasi ayokong malaman ng lahat at maapektuhan si Gwen. Higit sa lahat ayokong mawalan ng trabaho si Sir, kasi alam kong may pamilya siyang binubuhay. Maybe, if we give it some time, magbebreak din sila or matatapos din kung ano man ang arrangement nila. I don’t know. But I’m sure matatauhan din si Gwen. I don’t think she’s that cruel to break someone’s family.” Pag-e-explain ko kay Simon. Wala lang siya sinabi, pero napapaisip siya. I know this is a stupid thing, and I know naduduwag ako, that I should do the brave thing instead. But I don’t know, maybe like I said, I could never save everyone. “Pano kung ...” Simon uttered, and I got curious. He continued. “Paano kung sabihin ko sa’yo na nanligaw ako dati kay Gwen?” Medyo na confuse ako sa sinabi niya. But later on, na gets ko din, and an idea came to mind. He could date Gwen, and boom! We can make things right!!!! “Seriously?” I asked with a bit of joy. “Oh my God. Simon, bakit naman ngayon mo lang sinabi?!” I told him at pinagpapalo-palo ko pa siya sa braso. “You’re right! We could do something!” --- Simon Hindi ko maintindihan pero na excite nalang bigla si Kliara nang sabihin ko sa kanyang niligawan ko si Gwen. “Dapat maging kayo ni Gwen!” sabi niya nang nakangiti pa rin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. “A-Ano. Bakit,” Hindi naman ito yung gusto kong mangyari. Sinabi ko lang sa kanya na niligawan ko si Gwen, para sabihin niya sakin na dapat ay kausapin ko si Gwen dahil kilala ko siya ng personal. “That’s it Simon, kapag naging kayo na, mawawala na yung connection nilang dalawa. And problem solved.” Explain pa niya. Napailing nalang ako. “What? Ayaw mo ba? Akala ko ba gusto mo akong tulungan?” tanong niya sakin at nagpapaawa pa talaga. “Hindi naman ito yung ibig kong sabihin eh” sagot ko. “Eh ano? Why are you telling me these things then?” tanong niya. “Wala. Ano. Wag na nga lang. Pwede ba mag isip ka ng ibang paraan? Kausapin nalang natin si Gwen.” Suggest ko sa kanya. “Like she would listen!” aniya. “Ano, bakit, akala ko ba niligawan mo, don’t you like her anymore?” Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon. Maging ako ay tinatanong ko din ang sarili ko. At hindi ko alam ang sagot. “Simon?” Sabi ni Kliara. “Binasted niya na ako.” Sinabi ko nalang. Nakakahiya mang aminin pero kailangan. Natawa si Kliara kaya napatingin ako sa kanya ng masama. “Sorry. I’m sorry. I just didn’t expect that.” Paliwanag niya. “Paliwanag ka pa dyan.” Sinabi ko. “Ayoko na siyang ligawan. Mag isip ka na lang ng ibang paraan.” Dagdag ko pa. “But this is the only way I know. You must be together. Tutulungan kita.” Kinuha niya ang kamay ko nang sabihin niya iyon. Nakailang pilit pa siya sa’kin. At sa huli ay pumayag na lang din ako. Kung yun lang din ang paraan para makausap ko si Gwen na itigil na ang ginagawa niya, gagawin ko na lang. Pero paano? Paano ko siya liligawan ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD