Simon
4 months ago
‘Bakit, Paano’ng hindi mo ako magawang piliin?” tanong ko sa kanya.
‘I’m sorry, pero hindi ko maramdaman eh, naguguluhan ako. Ang dami mong issues. Gusto mo ba talaga ako?” bato niya sakin.
“Tangina, hindi ba?” tanong ko ulit. Hindi ba talaga niya naramdaman yun?
‘I’m sorry, Simon, pero hindi ko maramdaman na sincere ka sa’kin. Kaya, tama na.” Sinabi ni Gwen bago niya ako iniwan mag-isa sa basketball court.
“Gwen…”
Present
“Simon, can I speak with you?” nagulat ako nang tumambad si Kliara sa harapan ko at sinabi iyon.
“Bakit?” tanong ko.
“Uhm, m-may ginagawa akong article, and gusto ko sanang e-interview ikaw.” Saad niya. Nangangamoy pang-aasar na naman mula sa mga kaibigan ko, pero sumang-ayon nalang ako.
“Oh, please boys, spare me the look. I’m not interested in your friend. Okay?” saad pa ni Klerah bago ako tiningnan.
Naglakad siya at sumunod naman ako, at natigil kami sa likod ng Chapel ng school na may mga lamesa at upuan. Madalas dito ang iba kumakain at tumatambay kapag punuan na sa canteen. Maraming estudyante din doon pero dahil kilala si Kliara, may mga nagbigay din ng space para sa kanya at saakin. Naiilang pa ako dahil nakatitig pa yung iba dahil magkasama kami.
“Ano ba kasi yun.” Kunwari naiirita ako sa kanya. Pero sa totoo lang, naiilang akong kasama siya dahil nga maraming nakakakilala sa kanya.
‘I won’t hold you for long, I just have to confirm something because it’s bothering me. Tell me, bakit ka nandon kahapon?” tanong ni Kliara sa akin.
Ano bang pake mo kung nandoon ako, ikaw bakit ka nandon?” Pabalik kong tanong sa kanya.
“I was there because I was told nandun yung notebook ni Vaughn na hihiramin ko sana, but as you heard yesterday from Vaughn, wala naman pala doon, ikaw? What’s your reason?”
“Yosi.” Sagot ko.
“What?” pagkaklaro niya.
“Maganda ka sana pero bingi. Naiwan ko yung yosi ko dun sa likod ng classroom.” Sagot ko. Natahimik naman siya. Teka, sinabi ko ba sa mukha niya mismo na maganda siya?
“Wala ka na bang sasabihin?” tanong ko sa kanya.
“You mean to say, there’s— so I wasted my time here.” Sabi niya na hindi ko naman maintindihan. Sinasabi nitong babaeng to.
“Ewan ko sa’yo. Pwede na ba akong umalis?” tanong ko at tatayo na dapat ako kahit hindi pa siya nakakasagot pero pinigilan niya ako.
“W-wai-wait-wait. I’m not done yet. About Yesterday. Wala lang ba sa’yo yung nakita natin don?” tanong niya ulit. Ang kulit talaga.
“Buhay nila yon. Kalimutan mo na nga yun!” Saad ko. Bakit kasi inuulit-ulit pa.
“But I can’t, I am so bothered about it. It’s just wrong.” pahayag niya.
“So anong gusto mo? Magsumbong ta’yo? Edi nalaman nila na tayo yung nakakita!” explain ko sa kanya.
“Then …” natahimik siya at nag-iisip.
“Kalimutan mo na yun, isipin mo na lang yung sarili mo, hindi yung nangingialam ka pa sa buhay ng ibang tao.” Sambit ko sa kanya at napa-tingin siya sakin ng deretso sa mata.
“You know what, nevermind. I was wrong to expect anything from you. I don’t know your story, but I can’t take it that someone out there, a friend, a classmate might be in need of help but I just ignored it.” Sabi niya sa’kin tapos nauna na siyang umalis.
Naiwan naman ako doon at napag-isip isip kong tama naman si Kliara at hindi siya nangingialam lang. Ang totoo, matagal ko nang alam na nagkikita sila ni Sir Mike pagkatapos ng klase. Nung kakasimula pa lang ng klase, nagpunta din ako doon dahil naiwan ko yung drawing board ko para sa TLE, at yun yung unang beses na nakita ko silang nag-uusap na silang dalawa lang.
Ngunit nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magkaka-interes pa sa buhay ng ibang tao. Lalong-lalo na sa babaeng iyon. Nangako ako na kahit ano pang marinig o makita ko tungkol kay Gwen ay wala na akong pakialam.
Pagkatapos no’n ay hindi na ako kinausap pa ni Kliara ulit. Kapag nagkakasalubong kami o nagkikita o kahit nakakagrupo ko siya sa subjects naming ay hindi niya na din ako halos pinapansin. Nagagalit pa siya kapag inaasar siya ng mga kaibigan ko tungkol doon sa cupcake at nung araw sa canteen.
Pero mas okay naman sa’kin yun. Sana magtuloy tuloy na, wala naman akong balak na magka love team o kahit na ano sa classroom. Pero kahit ganun, tumatatak pa rin sa akin yung naging pag-uusap naming nitong huli. At alam kong kailangan ko din siyang makausap tungkol doon.
Hays. Tangina talaga. Hindi dapat ako nagkakaganito.
---
Kliara
Nasa classroom lang kami we’re just waiting for our next teacher dahil wala kaming class sa Filipino subject dahil wala daw si Sir Mike.
“Hi Bee.” Nilapitan ako ng isang kaibigan ko.
‘Busy ka ba?” tanong nila.
“Yes, sorry. ayaw kasi akong tulungan ni Vaughn.” I complained as I glared at Vaughn na kanina ko pa kinu-kumbinsi na tulungan akong magsulat. I am really quite busy catching up sa mga notes na na-miss ko in class. Since I basically became ‘that girl always assigned na magsulat sa board’, sometimes I spend half my vacant hours sa pagsulat sa sarili kong notebook.
“Yieee. Yang mga asaran niyong yan.” sabi pa ng kaibigan ni Vaughn na nasa same table lang din namin. I gave him a look.
“We’re just best friends.” I said. Kasi totoo naman. I consider Vaughn a best friend.
Abi, who overheard us, defended me.
“Yes right, –– and may Jake naman si Bee.” I was caught off guard sa huling sinabi niya.
“Actually … Jake and I broke up.” I confessed. So far it’s just Axel who knew we broke up last summer.
“Huh? Seryoso ka ba talaga?” Abi, who wouldn’t believe me at first asked.
“Uhm, --“sa sobra ng nangyari sa buhay ko, nakalimutan ko na ang nangyari sa love life ko. But so far, not having a love life’ didn’t bother me anyway.
“Well, we haven’t been in contact since his graduation, and with everything that happened with my dad. I think I just was too tired to understand him, na parang ni hindi man lang niya ako nagawang kumustahin. So ayun, I think it was a week after school started, I called it quits. I blocked him and his number also after no’n.”
“But has he contacted you gamit ang ibang number? Hindi ba niya nasabi sa’yo bakit hindi ka niya na contact?” tanong ulit ni Abi.
“Lately din kasi hindi na naming siya nakikita.” Zoie, one of Jake and I’s mutual friend also added. She is seated beside Abi kaya rinig din niya kami.
“I don’t know his reason, Abi — but for me, that was my limit. He’s probably busy with his college life now, so might as well not bother him anymore. Besides, I don’t think I can stand a long-distance relationship.” I explained to her or to them, who were listening to me.
“That’s sad. Akala ko pa naman forever na kayo.” She consoled me.
“Wala raw kasing forever, Abi.” Patutsada ni Vaughn. Napaka bitter talaga, porke’t hiniwalayan ng bestfriend ko. Hahahaha.
Jake and I were in a relationship, which started last year. Freshie pa lang ako sa school when we met through Abigail. They’re from the same place lang kasi nakatira and they’ve known each other since grade school. Ako yung unang nagka-gusto kay Jake, and a little later after nalaman niya na may gusto ako sa kanya, ewan ko, nagka-gusto din siya sa’kin, eventually. Pero matagal niya akong niligawan, kasi bata pa daw kami hahaha, kaya ayun, last year lang kami naging mag-on.
I guess the problem was, I was more in love with him than he was with me. I felt that I was the only one chasing and he kept taking that for granted. Hanggang ewan ko - biglang one day, and yun nga, I woke up and was falling less in love.
Mabait si Jake. He was not the type I would hate. Kaya when we broke up, it was hard for me to do it kasi naawa din ako sa kanya. But I had to choose what’s best for the both of us. And I forgive him– for whatever his reason is for not taking the relationship seriously. Maybe he was too busy to try, and he has a lot to prioritize first. I really understand.
Bata pa naman kami, and we still have a lot to learn and people yet to meet.